Rylai
Ano pa'ng gusto niyong mangyari sa buhay ko? Sino pa ang gusto niyong kunin sa'kin? Sino paaa? Kulang pa eh. Ubusin niyo nalang lahat. Bakit ba lagi nalang ako ang pinagkakaisahan ng tadhana at ng pagkakataon? Ano ba'ng ginawa ko para maranasan lahat ng 'to?
"Lalai. Please kumain ka na. Tatlong araw ka ng hindi kumakain."
Nang marinig ko na naman ang boses niya, walang paalam na tumulo ang mga luha ko. Ayaw ko siyang sisihin. Pero hindi naman kasi dapat namin iniwan si Blaze eh.
"Lai? Lai?"natatarantang tawag niya nang bigla nalang akong nanlumo at buti nalang nasalo niya agad ako.
Umiikot ang paligid. Sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
"Lai?"
Napapikit na lamang ako ng mata. Ngunit kahit wala akong makita maliban sa dilim dala ng pagpikit ko, nararamdaman ko paring umiikot ang paligid. I felt Ashton's arms carrying me downstairs and I then heard ate Summer and ate Autumn's voice panicking.
"Ano'ng nangyari kay Rylai?"narinig kong tanong ni tita Miah na halos hindi narin marecognize ang boses dahil sa pamamaos. "Anak, anong nararamdaman mo?"
Nararamdaman ko? Sa sobrang daming sakit... hindi ko na alam.
Mabuti nalang, napigilan sila tita at tito kasama sina ate nang papunta na sila sa hospital ng araw na mangyari ang sunod-sunod na pagsabog. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Oo, masakit. But I'm not the only one who suffers this pain. Nandiyan ang pamilya ni Blaze. Nandiyan sina ate na nakita lang ang kapatid nila sa personal noong nakaraang taon pa.
Realizing that, I tried to inhale and exhale relaxedly.
"Snow, kumuha ka ng tubig! Put a pint of salt in it."
Pinahiga ako ni Ashton ng maayos sa couch. Nakapikit parin ako pero nararamdaman ko ang pagkabalisa nilang lahat. Nanlalamig pa nga ang mga kamay ni Ate Summer na nakahawak sa'kin. Saktong bumalik na si tito sa living room nang ibuka ko ang mga mata ko. Tita Miah took the glass from tito and aided me to take a sip from it.
"Drink a few more, anak."
After draining the whole glass of water, I felt better. Saka ko pa naramdamang kumakalam 'yong tiyan ko sa gutom at nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang uhaw. Tatlong araw na pinarusahan ko ang sarili ko sa pag-iwan kay Blaze. Tatlong araw at tatlong gabi akong umiiyak at umaasa sa pangako niyang susunod siya... na ligtas siya.
"How are you feeling now, Lai?"Ashton worriedly asked.
I tried to open my mouth to say something but nothing came out. I tried to make a sound but I heard nothing. Siguro wala na akong boses ng dahil sa walang tigil na pag-iyak ko.
"Cole called this morning."mahinang sambit ni tito makalipas ang ilang saglit ng katahimikan. "There are only few bodies left that are not yet identified. He said that everything will be done within the day."
Hindi kasali si Blaze do'n. Alam kong ligtas siya...
"Kailangan nating tatagan ang sarili natin sa kung ano man ang maging resulta."matapang na pahayag ni tito na nagpahikbi na naman kina ate at tita Miah.
"Dad... I don't know what to do if they will be able to confirm that Blaze's no longer—"
"Summer, hindi. Ligtas ang kapatid mo. Ligtas si Blaze."
Kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili kong okay siya, hindi nawawala 'yong boses na bumubulong sa'kin na tanggapin na ang katotohanang iniwan na nga niya ako. Buong araw na naghintay kami sa result ng examination. Ang daming namatay sa insidente. Sa sobrang laki ba naman kasi ng hospital at napakaraming taong naroon. About two hundred casualties have burns and almost a thousand were dead. About ten more are left unidentified.
The doorbell rang and nobody stood up to open the door. Afterwards, we watched one housemaid went out of the house to see who the visitor is. She returned with the man named Cole. Napatayo agad sina tito Snow at tita Miah. Gusto kong tumayo pero wala akong lakas. Nanlalambot ang tuhod ko.
"Cole..."tita Miah called out.
When I gazed at the man, his eyes did the revelation. Hindi pa siya nakapagsalita, humikbi na ako habang nakaupo sa couch. Nooooo. Hindi pwede! Nangako ka sa'kin Blaze! Nangako kang susunod ka! Wag ka namang madaya oh!
"Lai..."utal ni Ashton sabay yakap sa'kin.
"Cole, sabihin mo sa'kin. Hindi kabilang ang anak ko do'n diba? Hindi di ba?"umiiyak na tanong ni tita. "Cole, magsalita ka!"
"Mommy."ate Autum gripped tita's arms to stop her.
"Cole! Please... I can't lose him. I can't..."umiiling na sambit niya.
Nagpipigil lang si tito na humagulhol nang yakapin niya ang asawa niya ngunit hindi nagpaawat ang mga luhang pumatak sa mga mata niya. Ate Summer ran to hug me. We sobbed on each other's shoulders.
"Ry... wala na ang kapatid ko. Wala na si Blaze. Wala ng magagalit sa'kin kapag inaaway ko si Autumn. Wala ng maglalambing sa'kin para bilhan ko ng mga gusto niya. Hindi man lang niya kami hinintay Ry. Isusorpresa pa namin siya ni Autumn para sa paborito niyang bike eh."
"Ate, hindi..."ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Wala na, Ry. Iniwan na niya tayo. Ashton, iniwan na tayo ng kaibigan mo."
—-
"The forensic team were able to identify first the woman who covered Blaze' body before the explosion."the man began explaining.
Nobody dared to speak. We were all exhausted. Wala ng luhang lumalabas sa mga mata namin at nawawala na rin ang mga boses namin sa kaiiyak.
"She was identified as Crystal Murray. It's the explosion that caused her death but not Blaze's."
Si Crystal. Mabuti pa siya... Hindi niya iniwan si Blaze. Ako dapat ang nando'n. Hindi ko siya dapat iniwan.
"Forensics weren't able to use his remains for the study other than fragments of dental evidence. The fire consumed the whole building and it was too huge already to be saved even when the government enforced a few bunch of teams to stop the flames. Bombs were planted in all areas of the hospital. Himala na ngang nakalabas itong si Rylai at Ashton nang hindi nagkaroon ng kahit na anong gas-gas."
Himala. Iyan palagi ang pinaniniwalaan ko. I always believe in miracle but as of now, I'm no longer certain. I don't know. Maybe if I will get my heart and its wounds cured, then miracle will still be existent. But I doubt it because I am so sure I will never forget this torment they've made me felt in all these years, the world has torn me so much already, fate has ruined my life immensely and time has taken a lot from me; I can't foresee myself forgetting and burying this past in my future.
No. Not a single chance.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.