Rylai
For a week, I managed to stay at their place without talking to him and seeking his attention. Naging busy rin ako sa pagprepare ng mga documents ko dahil next week, magsisimula na ako sa trabaho. It was supposed to be this week but I requested to start next week.
"Mga anak, sa labas tayo magdi-dinner. Ang daddy niyo kasi nagsasawa na raw sa mga luto ko."
"Hindi ganyan ang sinabi ko– "tito Snow justified. "Ang sinabi ko, ayaw kong magluto ka ngayon dahil ayaw kong mapagod ka."
"Hoy Azcona, in few years time, magti-thirty years na mula ng pakasalan kita, alam ko 'yang ganyan mong linya. Akala mo hindi ko gets 'yang positive scripting mo?"
For the first time this week, I heard my chuckles again. Ang saya lang panoorin nina tita at tito. Akalain mo 'yon, sa higit dalawanpong-taon na kasal sila, walang nagbabago. Silang-sila parin daw 'yong dating Miah at Snow no'ng kabataan nila. Palagi man silang nag-aasaran at nagbabangayan, kita naman 'yong pagmamahal nila sa isa't isa. Kung may nagbago man sa pagsasamahan nila, it's how they love each other more this time.
"Misis ko– "
Ayon. Nagwalk-out na si tita Miah. Tumawa si tito Snow saka niya ito sinundan. Bago pa siya tuluyang makalayo, humarap siya sa'kin– sa'min, rather.
"Sumunod kayo Blaze."he said and threw the car keys to him.
Why am I having a bad feeling about what has just happened? Darn. How could you forget, Rylai? Tita Miah was once an icon in Showbiz industry.
Awkward. Walang umiimik sa'min habang nakabuntot kami sa kotseng sinasakyan nina tita Miah at tito Snow. Pinili ko ring sa labas nalang tumingin. Biglang nag-ring 'yong phone ko at agad na tiningnan ko kung sino ang tumawag para narin hindi ako mailang.
Ang galing mo talagang humanap ng timing, Ashton. Bestfriend nga talaga kita.
"Ashton."bungad ko nang sagutin ko ang tawag.
"Nasa labas ako ng bahay nina Blaze. Samahan mo 'ko. Maglibot tayo."yaya niya.
"Naku. Umalis kami eh. Sa labas kami kakain. Tatawagan nalang kita kapag nakauwi na kami tapos aalis na agad tayo– Ano'ng nangyari?"baling ko kay Blaze nang bigla kaming huminto. "Wait Ash. I'll call you back."
Bago ko mapatay ang tawag, nakababa na ng kotse si Blaze. Agad naman akong bumaba at sinundan siya. He was angry as he stared at the deflated wheel.
He doesn't have to say anything. I get it. Like me, he realized everything was a setup.
"I'll call Ashton– "
"What for?"
"Blaze, wala akong balak ma-stuck rito buong gabi. Magpapasundo ako kay Ashton sa ayaw at– "
"Ang yabang mo. Sino'ng pinagmamalaki mo? Si Ashton?"singhal niya sa'king nagpaatras sa'kin hanggang sa mapasandal ako sa kotse.
"Ano'ng pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba?"
Hindi siya sumagot. Tinitigan niya ako ng masama habang namumula sa galit ang mukha niya.
"Alam mo, nagtataka ako kung paano kita nagawang intindihin sa walong taon diyan sa sobrang pagkabipolar mo. Nagagalit ka nalang ng walang dahilan. Ba't hindi mo nalang amining nagseselos ka?"naiinis na pahayag ko.
His ears, reddened, are moving involuntarily which usually happens when he tries to hold back his anger. I was mad earlier but then I wondered why I'm smiling right this moment. Siguro dahil nakumpirma kong nagseselos nga siya.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.