Ashton
Muntik na akong mahulog sa kama nang makita ko si Rylai pagkagising ko. Ba't ang aga niya yatang naparito? Mamayang gabi pa naman ang flight namin.
"Lai? Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ko nang makitang namumugto ang mga mata niya. "Lai?"tawag ko ulit ngunit nakatitig parin siya sa kawalan habang nakaupo sa couch at yakap-yakap ang mga binti.
Bumangon ako't nanghilamos. Paglabas ko ng bathroom, nasa ganoong ayos parin si Rylai, ni hindi na nga halos kumukurap.
"Rylai, you're acting weird. What is happening?"I expressed out my jittery and panic as possible events crowded my mind.
Instead of answering my question, she threw herself to me and hugged me really tight.
"Lalai? Sabihin mo naman sa'kin oh? Ano'ng nangyari?"I insisted again.
"Si Blaze..."
Siya na naman. Akala ko ba tinapos mo na lahat Lai. Ano na naman 'to? Sumisikip ang puso kong hinay-hinay na namang napupunit pero wala akong karapatang magreklamo dahil ako naman ang kusang umasa.
"In the middle of the night... he got in my room."parang wala sa sariling kwento niya. "Nagising ako nang nakayakap siya sa'kin at umiiyak."
Darn. Nakaramdam ako ng galit kay Blaze. Pero nanaig 'yong awa ko para sa kanya. When we talked last time, he confessed how much he still loves her. Paano kung may mabigat na dahilan kung bakit niya nilalayo si Rylai sa kanya?
"Nakipagbalikan ka sa kanya?"nautal ko ng hindi nag-iisip.
"No. I am... I am just scared that letting him go was a bad idea. Paano kung... pagsisisihan ko 'yon?"
During the last few days, she was so sure. Sigurado na siyang layuan si Blaze. Ang sakit pala talagang umasa. The hope I'm clinging to is now getting slimmer. Along with it is my heart slowly breaking like a torment. I'm falling to pieces and I'm afraid I will no longer have the strength to pick up my torn self. Kapag nangyari 'yon, paano na si Rylai kapag sasaktan na naman siya ng taong mahal niya?
"Sinabi niya kasing mahal niya ako... na ako ang totoong mahal niya. Naguguluhan ako Ashton. Paano kung may dahilan siya kung bakit niya ako pinagtatabuyan palayo? Paano kung—"
"Paano naman ako Lai?"naluluhang tanong ko na nagpatameme sa kanya.
Bakit ang sakit naman yata? Ang laki ng pag-asang kinapitan ko no'ng sabihin niyang handa na siyang kalimutan ang kaibigan ko. How could this damn world be so unfair? Hindi ko kayang mawala si Rylai.
Pero mas hindi ko kayang magsinungaling sa kanya o ang ipagkait ang kasiyahan niya. Dapat naman noon pa diba? Dapat sinabi ko na sa kanya na mahal parin talaga siya ni Blaze. I should have told her even if it means seeing them together again. I should have let her know even if it means letting go of her once more.
"Ash—"
"Hindi Lai. Okay lang ako. Okay lang."I persuaded her and enveloped her in my arms. "Okay lang. Just go. Go and try again. Baka this time, ipaglalaban ka na niya."narinig kong utal ko habang pinipilit itago sa kanya ang luhang umaagos sa pisngi ko. "But in any case that he won't, Rylai, I'd still be here. I'll be waiting for you."
Yumakap siya sa'kin at humikbi sa dibdib ko. Please, Lai. Enough, please. With you crying in my arms and I became helpless, is what truly breaks my heart.
"Rylai, it's okay. I will be okay."
I have to. I have to be okay so you can still lean on me when you come back to my arms.
"I'm sorry, Ashton. Ayaw kong saktan ka—"
"Matagal na akong nasanay sa sakit, Lai. Walong taon na."sagot kong nagpahikbi lalo sa kanya. "Please, stop it baby. Please. I love you so much Lai. Sobrang mahal kita kaya kung kailangan kitang ihatid sa kanya, gagawin ko ng walang pag-aalinlangan mapasaya ka lang."
----
8 Years ago...
Nakahanda na ang tickets papuntang Cebu para sa birthday ni Rylai. Aaminin ko narin sa kanya 'yong totoong nararamdaman ko. Kinakabahan ako at the same time, naeexcite sa mangyayari. Kaya kahit mukhang matatalo kami ni Blaze sa game namin ngayon, hindi ko maalis-alis 'yong ngiti ko.
"Bro... I have something to tell you."he said while we waited for our heroes to respawn in the game.
"Sure. Ano 'yon?"
"Liligawan ko si Rylai."
Hindi ako nakapagsalita. He can't be serious! He knows I'm in love with her since before! Alam niya rin 'yon, matagal na. What is he trying to do?
"Alam kong may gusto ka sa kanya. Pero dude, tinamaan ako eh."dagdag pa niya.
That very moment, gustong-gusto ko siyang suntukin at bugbogin pero wala akong nagawa dahil hindi ko naman pagmamay-ari si Lalai.
Dahil narin sa emergency trip namin ng pamilya papuntang New Zealand, hindi natuloy ang pagpunta ko ng Cebu para sa birthday ni Rylai. We stayed there for a few weeks. At pagbalik ko, nalaman ko nalang nililigawan na nga ni Blaze ang babaeng mahal ko. I was so mad that when I arrived back in the Philippines, I went directly to his place.
"Alam mong mahal ko si Rylai. Itong tatandaan mo Blaze, sa oras na papaluhain mo siya, subukan mo lang na saktan siya, sisiguraduhin kong panghabangbuhay ang magiging pagsisisi mo."saad ko matapos siyang tamaan sa mukha ng ilang beses.
Hindi siya gumanti. Nakatayo lang siya sa harapan ko at matapang na sinasalubong ang mga tingin ko.
"Ashton, pinapangako ko. Hinding-hindi ko siya sasaktan."
Sinikap kong maging masaya para sa kanila. I told myself everytime I saw their photos together that it's fine... na mas mabuti nga 'yon di ba? Na sa bestfriend mo mapupunta ang babaeng mahal na mahal mo. For the long years that they've been so happy together, I lived mine enduring the unending pain of my heart because I continued loving her.
Hinahanda ko ang sarili ko sa araw na bibitiwan siya ni Blaze. Sinisigurado kong ako ang sasalo sa kanya. Pero naging mas mahirap dahil kusang lumayo si Rylai. It was after two years of their relationship when she distanced herself from me.
"Sana maintindihan mo, Ashton. Hindi naman kita kakalimutan eh at walang kahit na sino ang papalit sa'yo sa puso ko. You will always be my bestfriend. Kailangan ko lang lumayo dahil ayokong ikaw ang dahilan ng pag-aaway namin ni Blaze. Ayokong dumating sa punto na madadamay rin pati ang pagkakaibigan niyo."
Lumayo siya. Kapag magkasama kaming tatlo, she treated me like how she treated our other friends. Kahit alam kong kaibigan lang ang turing niya sa'kin noon, ramdam ko sa lahat ng ginagawa at sinasabi niya na espesyal ako.
Ngunit nagbago lahat. Masakit. Pero sinanay ko ang sarili ko sa sakit na 'yon.
----
I lived with the pain for eight years and I will for more years until you come to realize, penguin, that I will be the one who will always wait for you. Sana naman makita mo 'yong halaga mo sa'kin. Hindi mo siya kailangang habulin, dahil sa sitwasyon ngayon hindi mo naman siya maaabutan. Ang kailangan lang gawin, Rylai ay ang lumingon para makita mo 'kong naghihintay na bumalik ka sa'kin. Pero paano mo 'ko makikita sa paglingon mo kung hindi mo muna ako iiwan?
With that told telepathically, I let go of her.
"Just go, Rylai."
_____________________
AUTHOR'S CORNER:
Winasak mo ang puso ko Ashton. :(( Hindi mo ba naiisip? Paano kung sa sobrang focused niyang habulin si Blaze ay hindi na siya makakalingon pa? Paano ka na? Aww-- okay lang. Nandito pa naman ako. Lumingon ka lang din para makita mong naghihintay ako.Hahaha. Charoooooot na naman.
BINABASA MO ANG
Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionDear future-ex, Please let me stay longer. I promise I will leave, just not today.