Chapter 2: The Paintings

285 7 4
                                    

~~~~~ IU's POV~~~~~~~

I'm in the middle of my moment when I heard the door cracking... When I look at it closely I was shocked of what I saw....

Si JiYeon. Oo si Ji Yeon yung nakita ko. Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa mesa kagabi.

"DEAR! Ba't di ka pa nag prepare? Anong oras na oh! We're running out of time. Maaga dapat tayo ngayon kasi si boss mag oobserve siya. Di ka ba na inform? " tanong niya sa akin.

"Hindi eh. Bakit? Ano bang gagawin niya dun?" I asked her while trying to wake myself up.

"May mga new products daw kasi na dumating na nag originate daw sa Go-goryeo ba yun? If I'm not mistaken" paliwanag niya habang kinakain yung natira kung chocolates kagabi.

"Goryeo?" bulong ko sa sarili ko. Parang narinig ko na yan huh. Goryeo.

"Hoy! Dear! Hello? Sige na. Faster! Prepare yourself."

~~~~~~~Fast Forward~~~~~~~~

~~~~~~Ji Yeon's POV~~~~~

It's past 8:00 a.m na nang makaalis kami sa bahay ni IU. Katabi ko si IU ngayon ako kasi nagdrive. Napansin ko kanina pa siya walang imik. So I break the ice.

"What happened? May sakit ka ba? Parang kanina ka pa tahimik ah? Care to share I'm here." saad ko habang nagmamaneho.

"Huh? Ahh.. Hehe .. Wala.. To. Ok lang ako. Medyo di lang maayos pakiramdam ko ngayon" sabi niya habang tanaw ang bintana ng sasakyan.

"Uminom ka ba ng gamot? Yung gamot mo baka nakalimutan mong inumin?"

"Oo tapos na.".

"Parang kanina ka pa huh? Ba't ang lalim ng iniisip mo? May problema ka ba? " tanong ko ulit sa kanya.

Para akong sirang plaka na paulit ulit na nagtanong sa kanya if may problema ba pero di niya ako pinansin. Until we arrived at the Empire World.

~~~~IU's POV~~~~

Di ko namalayan na nakarating na pala kami. Bumaba ako sa sasakyan ni Ji Yeon at pumasok na sa loob kung saan doon ako na assign.

I positioned myself. Habang nakatayo ako di ko maiwasang tumingin sa mga tao na tila ba parang may pinagkakaguluhan. Sumilip ako at nakita ko yung boss pala namin. Si Ji Mong.

Di ko na tinuon yung pansin ko dun kasi may customer ako.

"Hi ma'am good morning. Ano po kailangan nila? Hmm.. Ito po make up. Bago po ito ma'am *Gagamitin ko to para palagi kitang maalala* " bigla akong nawala sa sarili ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki na tila ba familiar sa akin.

"Excuse me? Are you ok?" Tanong ng customer. Bumalik ako sa katinuan ko ng narinig ko ang boses ng babae.

"Aahhh.. Ye-yes ma'am." Ibinalik ko yung make up na kinuha ko kanina at pinalitan ito ng perfume.

"Ma'am ito na lang po. Perfume made of fresh petals from a gerberia. *Alam mo na ako ang nagtanim ng mga bulaklak na ito?*" halos nanghina ang mga tuhod ko ng marinig ko ulit ang boses ng isang lalaki.

Di ko namalayan na ang boss ko na pala ang kaharap ko.

"Miss Lee Ji Eun are you okay? Di ka pa ba magaling? Magpahinga ka muna." sabi niya sa akin habang inalalayan ako.

"Miss Ji Yeon. Can you please take in charge of this area? Hayaan muna natin si IU magpahinga"

"Ok sir. No problem" sagot naman ni Ji Yeon na tila bakas sa kanya ang pag-alala.

"OK. Magpahinga ka muna Miss IU"

"Thank you sir."

Agad akong pumunta sa CR upang magpalit ng damit. Pagkatapos ay papunta na sana ako sa rest area nang makita ko ang painting ng isang lalaki sa may GORYEO museum. Inilipat ko ang tingin ko sa gilid ng painting ng lalaking tila ba parang isang hari.

Lumapit ako at pinagmasdan yung painting. Unti-unti kong naramdaman ang init ng aking mga pisngi dulot ng mga luhang kusang pumapatak sa aking mga mata.

"Bakit parang nakita na kita? Bakit parang familiar sa akin ang lugar na to? Bakit parang kilala ko kayo?" bulong ko sa sarili ko habang patuloy ang aking pag iyak.

Humahagulhol na ako sa pag-iyak hanggang sa napagtanto ko na siya ang pinakamamahal kong lalaki na nakilala ko sa Goryeo. Di ko na napigilan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mukha.
"Mahal patawad dahil iniwan kita. Patawad dahil ako ang unang bumitaw sa'yo. Mahal patawad"

Biglang nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa ako'y napaluhod. Hinayaan ko yung sarili ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari.







Scarlet Heart Ryeo: Moon Lovers Season 2Where stories live. Discover now