Chapter 25: Offer

53 4 0
                                    

~~~~ IU's POV~~~~

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko ba't parang ang bigat ng pakiramdam ko? Ano bang nangyari sa akin kagabi? Haayy...

Muntik na akong mahulog sa hinihigaan ko ng maalala ko yung nangyari sa akin kagabi. Kinapakapa ko yung katawan ko pero wala akong maramdaman na sakit.

Gusto kong maiyak ng makita ko yung dalawang nurse na papunta sa akin. Ba't ba nandito ako? Ano bang nangyari sa akin kagabi?

"Ma'am. Let's check your vital signs." kinuha nila yung kamay ko.

"Miss. Ano bang nangyari sa akin kagabi?" tanong ko sa isang nurse.

"Naku! Mam kung naalala mo lang kung sino yung naghatid sayo rito baka di mo na gustong magising." sabi nung isang nurse. Di ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Basta nakita ko yung pagbatok nung isang nurse sa kanya kaya bigla nawalan ng sigla yung mukha niya.

"Ma'am. Maaari ka nang makauwi mamaya kung gugustuhin mo. Sige mam aalis na po kami" and they finally went outside.

Talagang aalis ako mamaya. Ayaw kong magbayad ng pagkalaki-laki jusko! Baka di ko na kakayanin yun.

~~~~~ 5 hours later~~~~~

Finally, nakalabas din ako ng walang gasto kahit piso. I was greatful of the person who saved me yesterday. Sino kaya yun?

Pumara ako ng taxi para makauwi.

Sakto namang pagkasakay ko biglang tumawag si Ji Yeon sa akin.

"DEAR!!!! MAY GOOD NEWS AKO SAYO!!" sigaw niya sa kabilang linya. Halos mahulog yung eardrum ko dahil dun.

"Ok. Go spill it." sabi ko sa kanya ng wala sa mood.

"May offer si Sir Ji Mong sayo!!"

"Oh tapos?"

"Ano ka ba? Di ka ba masaya?"

"Pano ako magiging masaya eh di ko pa nga alam kung ano yung offer na yun eh"

"Ayy.. Oo nga pala haha.. Bilisan mo na kasi late ka na oh! Ok bye nandiyan na si sir." then she ended the call.

~~~ after 30 minutes~~~~

I went home. Agad akong umakyat sa itaas upang kumuha ng maisusuot ko para sa trabaho ko. Mga ilang minuto lang natapos ko na rin lahat. Maligo, magluto at maghugas ng pinggan.

And, I'm totally ready for my work today. Na excite tuloy ako sa offer ni Sir Ji Mong hahaha..

Bago ako makaalis sa bahay parang napansin kong may kulang eh. Pero di ko na lang pinansin iyon sa halip pumara ulit ako ng taxi papuntang Empire World.

~~~ Ji Mong's POV~~~

Di ako makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid ko. Para bang nag-iba ang ihip ng hangin. Parang may mali eh.

Nandito nga pala ako ngayon sa office ko. I'm waiting for IU to come. Ba't ba ang tagal niya? Sigurado akong matutuwa siya sa offer ko.

Ilang minuto pa akong naghintay pero hindi pa rin siya dumarating. Kaya naman naisipan ko munang bisitahin ang mga staffs upang tignan kung handa na ba ang lahat ng mga products. Saktong pagdating ko nakita ko si IU na tila ba habol ang hininga dahil kakarating lang niya.

"Oh! Miss IU!! You're here. Late ka masyado saan ka ba nanggaling?" tanong ko na medyo sarcastic.

"Sir. Sorry po. Na-ospital.. Este! Dumaan pa po ako sa hospital" then she smiled at me.

"Oh! I see. Please follow me!"

~~~~ IU's POV~~~~

Pagkarating ko palang bumungad kaagad sa akin yung mukha ni Sir Ji Mong. Parang galit ata siya kasi late ako. Pero di na ako nag over think.

When he said that I will follow him. Sumunod naman ako. Ayokong mawalan ng trabaho eh.

Nasa harap na kami ng office niya when he asked me na...

"Wala ka bang napapansin na may kulang ngayon sayo?"

"Huh?! Ano pong kulang?"

"Pano ka nakapasok without your identification card?" sarkastikong tanong niya. At agad siyang pumasok sa opisina niya. Naiwan naman akong nakatulala sa harap ng pintuan niya.

Doon ko na lang napagtanto na yun pala yung nawawala. Kaya naman pala may kulang eh. Pero teka! Nasan na ba ID ko? Ba't ako nakapasok? Hindi siguro baka pinapunta ako ni Sir Ji Mong dahil sa ID ko?

"Please come in IU"

"Ye-yes sir." at pumasok na nga ako.

"Gusto mo bang makuha ulit yung ID mo?"

"Yes sir."

"Ok. You will get it from our CEO" he said without any hesitation.

Muntik na akong mawalan ng lakas when I heard the word CEO.


Scarlet Heart Ryeo: Moon Lovers Season 2Where stories live. Discover now