Chapter 44: Confession

49 2 0
                                    

~~~~ IU's POV ~~~~

Pagkatapos ng trabaho ko agad akong umuwi ng bahay. Hinagilap ko lahat ng mga papeles ni mom and dad. Pero sad to say, wala akong nahanap na magbibigay ng clue sakin kung sino nga si Sir Ji Mong.

Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng tawag kay Joon Gi. Sabi niya pauwi na raw siya kaya ayun sinabi ko na mag-iingat siya.

(Ps. Nasan ang Sir? Ba't Joon Gi na lang? 😂)

After that call, I cleaned my room kasi di ako nakalinis kahapon dahil ano basta.! 😅 Tumunog ulit yung phone ko and nakita ko si Suzy pala yung tumatawag.

*Hello dear!!* sigaw niya.

"Ikaw huh?! Wag mo akong matawag tawag na dear! Ba't di ka man lang nag paalam sakin na aalis ka. What am I to you?!" galit na sabi ko sa kanya.

*hala! Wag ka na kasi magalit. Nandito ako sa Busan hindi pa ako umalis ng bansa. Pinapunta ako dito ng kapatid kong si Z.Hera. Graduation niya kasi and mom won't attend because she's busy as always. Kaya sige na wag ka ng magalit. Please."

"Ewan ko sayo! Ibaba ko na tong phone!"

*oopppssss... Teka lang! Sige na tatanggapin ko na na galit ka sakin. Pero you can't deny the fact that hindi ka na single.*

"Huh? How did you know?!"

*Sabi mo ibaba mo na yung phone haha... Joke! Sino pa ba edi si Ji Yeon! Sige na nandito na kapatid ko. Bye. Ingat. Don't step in your boundaries ah? Alam mo na baka magkaroon ako ng pamangkin ng wala sa oras haha*

"Pamangkin? Ikaw ah! Stop that imagination of yours! Hindi nakakatawa!"

*Galit na talaga siya haha. Ok bye I love you so much kahit masungit ka. By the way, nangungumusta nga pala tong kapatid ko sayo. Miss ka na raw niya*

"Dinadaan mo ko sa ganyan ah. Pero sige paki sabi na rin sa kanya na miss ko na siya and congrats"

*ok ok noted. Sige bye.* Then she ended the call.

Bumaba ako upang uminom ng tubig bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. Nabitawan ko yung basong hawak ko at dali-dali ko itong niligpit kaya naman nasugatan yung kamay ko.

Bigla naman tumunog yung phone ko. When I looked at it I saw the name of Sir Ji Mong kaya sinagot ko ito.

"He-hello sir?"

"IU. Pumunta ka ngayon dito sa hospital.!"

"Huh? Bakit? Anong nangyari?!" gulat na tanong ko.

"Someone stabbed him kaya dinala siya sa hospital. Sige na bilisan mo. He needs you right now!"

"Ok cge po. Pa-papunta na ako." mangiyak ngiyak na sabi ko.

Dali-dali akong lumabas ng bahay hindi ko na nga alam kung ano yung suot ko basta gusto ko ng pumunta sa hospital.

Hindi ko alam kung bakit sobrang dami na ng luhang naubos ko. Lalo na wala pa akong mahanap na taxi. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. I tried to call his number pero unattended.

Biglang may dumaan na kotse at huminto sa harapan ko. Bumukas yung window at nakita ko yung lalaking palaging nasa labas ng bahay. Nabalot ng takot ang puso ko hindi ko alam kung tatakbo ba ako pabalik ng bahay o hihingi ng tulong.

"Wag kang matakot. Ipinadala ako ni Sir Ji Mong para sunduin ka. Kung ayaw mong maniwala pwede namang tawagan ko siya ngayon." sabi ng lalaki.

"Wag na manong. Sige sasakay na ako."

Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ako. Para akong wala sa sarili ko. Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe biglang nagsalita yung manong.

"Ma'am. Hindi naman ako nanghihimasok ano? Pero bakit wala kayong kasama sa bahay niyo?"

Scarlet Heart Ryeo: Moon Lovers Season 2Where stories live. Discover now