~~~~~ Joon Gi's POV ~~~~~
*Mahal na hari, ikanalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na wala na po si Hae Soo* ---
*Wag kang magsalita ng ganyan sa harap ng hari Ji Mong! Baka nakakalimutan mo na pwede kitang parusahan dahil sa iyong mga sinabi*
*Patawad mahal na hari pero pawang katotohanan lamang ang aking mga sinasabi sa inyo*
Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Sinulyapan ko ang mga sulat na ipinadala ni Wang Jung at tinitigan ko ulit si Ji Mong.
*Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong maparusahan!*
*Mahal na hari ni isang segundo hindi po ako nagsinungaling sa inyo sapagkat ako'y tapat natagapag lingkod ninyo.*
Hindi ko na alam ang aking gagawin kaya naman naisipan kong buksan ang mga sulat na ipinadala ni Wang Jung sakin.
Biglang pumatak ang aking mga luha ng makita kung nasa loob pala nito ang mga sulat ni Hae Soo.
Halos himatayin na ang kabayong sinakyan ko dahil sa sobrang bilis ng takbo nito.
Gusto ko ng makita si Hae Soo. Gusto ko ng yakapin ang mahal ko. Ang tanga tanga ko. Sobrang pinagsisihan ko ang hindi ko pakikinig sa mga rason niya. Sobrang nagsisi ako.
Hinayaan ko na lamang ang mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mga pisngi.
*Hae Soo mahal hintayin mo ako. Mahal wag mo akong ewan. Parating na ako Hae Soo. Huwag kang bibitiw mahal* bulong ko sa sarili ko.
Sobrang pinagsisihan ko ang lahat. Mas ipinaglaban ko yung trono kaysa sa pinakamamahal ko. Pano pa ako mabubuhay ng wala siya.
Binilisan ko pa ang pagtakbo ng aking kabayo.
*YAAAHHH!!*
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng dumating ako sa kinaroroonan ni Hae Soo at Wang Jung.
Bumungad sa akin si Wang Jung at Wang Wook. Hinanap ng aking mga mata si Hae Soo ngunit wala akong makita. Hinanap ko siya habang patuloy ang aking pag iyak.
*Hae Soo mahal. Nandito na ako. Hindi na kita iiwan mahal. Hae Soo lumabas ka na!" sigaw ko.
*Mahal na hari! Tama na po! Wala na si Hae Soo!" pigil sakin ni Wook.
*Ikaw! Ikaw! Ang dahilan kung bakit kami nagkalayo ni Hae Soo! Ikaw Jung! Ba't mo nagawa sakin to?! Bakit!?" Sigaw ko sa kanya habang patuloy ang pag iyak.
*Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon!? Ako na lang palagi eh!*
Inawat kami ni Wook. Kaya hinanap ko si Hae Soo hanggang sa nakita ko ang isang jar.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko matanggap na wala na ang pinakamamahal ko.
*Hae Soo tara mahal. Aalis na tayo dito. Titira ka na sa palasyo kasama ko*
Tuluyan na akong umalis habang dala dala ko ang jar na pinaglalagyan ni Hae Soo.
Di ko na alam kung saan patungo ang buhay ko. Gusto kong sumama kay Hae Soo kung nasaan man siya ngayon.
*Mahal wag kang mag-alala. Kahit saang mundo ka man mapadpad hahanapin kita. Magkikita pa tayo mahal ko. Dahil ikaw lang ang babaeng para sakin at ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay*
¥¥×¥_^¥¥©¥°°~Π~÷~=~\£¶¢Π|÷'×£_<
"Charge to 100. 1,2,3 Clear!"
Di ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Pero parang ang init ata ng dibdib ko.
"Again Charge to 150. 1,2,3 Clear!!" I heard it again.
Until I easily opened my eyes.
"Get the flashlight faster!"
"Iho. Can you hear me? If you hear me please blink 3 times"
So I blink my eyes.
"Good job! The patient is alive." sabi nung lalaki.
Pinipilit kong magsalita pero di ko maibuka ang bibig ko.
*Hae Soo, Hae Soo, Hae Soo* bulong ko sa sarili ko. Di ko alam kung bakit biglang may pumatak na luha sa aking tainga.
"Mom and Sir the patient is now ok."
"Thank you so much doc. Thank you so much!" sabi ng isang babae.
"Thank you doc." sabi naman nung lalaki.
Sa di kalayuan tanaw ko ang isang babae at lalaki na unti unting lumalapit sa akin.
"Anak! I'm so happy today. Di mo alam kung gano mo ako napasaya ngayon. Salamat dahil lumaban ka anak." sabi ng babaeng umiiyak.
"Kuya!!" sabi naman nung lalaki at niyakap ako.
Kinausap nila ako pero hindi ko matandaan kung sino sila. Wala akong nakikilalang tao dito. Wala akong maalala kundi tanging si Hae Soo lamang.
Pinipilit kung magsalita ngunit di ko maigalaw ang aking bibig.
Hanggang sa pumasok na naman yung isang lalaki.
~~~~ To Be Continued~~~~
YOU ARE READING
Scarlet Heart Ryeo: Moon Lovers Season 2
Fiksi PenggemarThis is the continuation of Scarlet Heart Ryeo in a KDrama. It is not the official one. I just made this because there are a lot of KDramaAddicts who wants to have a part 2 of it. I hope you like it guys.