Chapter 1

115K 2.6K 218
                                    

Chapter 1

Paula

"Woohoo! C'mon Paula! Bottom's up baby!"

Unang baso. Pangalawa, hanggang sa tuksihin na naman ako sa pangatlo kong baso ng tequila. Naghihiyawan ang mga kaibigan ko--actually, new found friends. Sila iyong mga block section na kailan ko lang naging ka-close sa batch namin. Irregular Business Management student kasi ako pero this coming October ay ga-graduate na rin, sa wakas.

Hiyawan at tuksuhan ang naganap sa lamensa namin sa loob ng Peyton club, sabi nga nila ay elite bar ito around Taguig at dahil sa buyo nila--napahiyaw na rin ako nang deretsuhin kong lagukin ang basong binigay sa akin. Inabot sa akin ni Iah ang isang sliced ng lemon at mabilis ko iyong sinipsip--nalukot ang mukha ako sa init na dinala ng alak sa lalamunan ko at sa asim ng prutas.

"Shit!" Sigaw ko. Tinawanan nila ako, pagkadilat ko na naman ay umiikot na ang paligid ko! Shit! "Last ko na 'to,"

Binunggo ni Iah ang balikat ko, nalukot ang mukha n'ya sa sinabi ko.

"No way! Nag-sstart pa nga lang tayo rito e! Let's go, sumayaw tayo!"

Binaba n'ya ang hawak na baso at saka tumayo. Inayos pa n'ya ang pagkakalaglag ng palda n'yang maiksi at saka isang beses na sinuklay ang mahabang buhok.

Hindi ako gumalaw at tiningnan ang paligid. Baka kasi nandito pa iyong lalaking bastos at walang-modo.

"C'mon Paula! Let's go!" Aya na naman sa akin.

Binaba ko ang tingin sa sariling suot, sinigurong walang nalalaglag. I'm started to get bored dahil parang hindi naman pupunta ngayon si Oliver. Iyong huling beses, nakita ko pero nalasing naman ako, balewala rin ang pagpunta ko rito. Mahal pa naman ng bayad dito tapos makakakilala pa ako ng bastos na lalaki.

Hinila na ako ni Iah patayo, agad akong nahilo-naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

He closes his body to mine, I felt it and whispered on my ear.  "You're drunk baby,"

Ang init ng hininga n'ya ay nanuot sa balat ko. His breath smells the liquor kaya napangiwi ako--I don't like it. Tinabig ko ang mga kamay n'ya pero nakakalokong tawa ang binigay n'ya sa akin.

"You can sit on my lap, if you want to?"

Mabilis ko siyang nilingon pero agad akong nahilo. Shit! Sana pala ay hindi ko dinamihan ang inom! Malalagot na naman ako nito kay Ate Melody. Tinaas ko ang isang kamay para duruin ang sira-ulong iyon pero ni hindi ko naman maaninag nang maaayos, then he made fun of me! Pati ng mga kasama n'ya!

"You..you! 'Wag mo kong mahawak-hawak ah!" Sigaw ko.

Pinagtawanan na naman nila ako. Hinanap ko si Iah, pero mukhang iniwan ko. Napahawak ako sa ulo ko at sa gilid ng sofa, I'm not going to faint, I'm noy going to faint! Not again! No--

Nawalan na ako ng balanse at inasahang dadapo ang katawan ko sa sahig. This is gonna hurt me when I wake up, shit!

****

Bumaling ako ng higa at hinatak pa ang malambot na kumot sa katawan ko. Nilubog ko pa ang mukha sa napakalambot na unan nang mabanguhan ako. I smiled, nagbago ba ng fabric conditioner si ate? To be fair, ang bango. At ang kumot at kutson, parang bago sa sobrang lambot, pati ang air-con, gosh ang sarap matulog maghapon. Ganitong-ganito iyong naramdaman ko no'ng malasing ako at nagising sa kama no'ng walang-modong lalaki sa club.

Natigilan ako. Mabilis kong dinilat ang mga mata. Nanuyot ang lalamunan ko nang mabungaran ang puting kobre kama. Pamilyar na higaan, amoy--shit! Wala kaming air-con sa bahay at lalo sa kwarto ko!

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon