Chapter 27

70.7K 2.2K 341
                                    

Chapter 27

Paula

"Mam nandito na po tayo."

Bumalik lang ang diwa ko nang pagbuksan ako ng pinto nung lalaking sumundo sa akin. Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Hindi rin ako inantok dahil may lamig akong nararamdaman sa tiyan ko. "S-salamat po.." hilaw kong ngiti at sagot sa kanya.

Napakalamig sa loob ng sasakyan, pero mas nanlamig pa yata ako pagkalabas. I was welcomed by the cold wind.

"Mam, ako na po.."

Sa gilid ko ay agad na kinuha mula sa akin ang hawak kong maliit na bag. Binuka ko ang bibig para sana pigilan siya pero kay bilis ng kilos niya at hinintay na lang akong pumasok sa loob ng bahay.

Alam ko itong bahay. The same house where he first..in the boxing ring..end it, Paula!

Okay. Fine. Stop.

Bumuntong hininga ako. Ayoko na munang punuin ang isip ng kung ano-anong bagay. I have so much on my plate right now.

Naglakad ako at pumasok sa loob ng bahay. I almost gasp when I realised, his house put so much memories in my head. And the fact na ilang beses lang ako nakarating dito—isa lang yata pero hindi ko nalimutan ang alaala no'n sa akin. Goosebumps raised on my skin.

"Mam tawagin ko lang po si Sir William," sabi sa akin nu'ng driver niya.

Tumango na lang ako at nakatayong naghintay sa sala. I looked at his gray big couch. Iba na iyong sa dati. But his chandelier still the same, I guess.

Wala pa yatang isang minuto mula nang maiwan ako mag-isa, a voice from somewhere filled the lured silence in the living room. Tumahip ang kaba sa dibdib ko. I had just seen him the other day, pero kakaiba pa ring kilabot ang dating na kumikibot sa akin.

"Are you hungry? Nagpahanda ako ng makakain mo.."

Nilingon ko siya. Halos mapakunot ako ng noo nang makita ko siyang nakapantalong maong at simpleng tshirt lang. Ganito pa ang pambahay niya? I expect him na nakapang-opisina pa siyang damit, pero hindi naman.

Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin. Umiling ako. "Kumain na ako samin. Gusto ko na lang magpahinga." Sagot ko. Tumingala ako at tiningnan ang second floor. I could maybe occupy his guest room tuwing nandito ako. Inaalala ko lang saan nga iyon sa taas.

"Okay. Umakyat ka na."

Binalik ko ang tingin sa kanya. Hindi ako tumango kahit na nakatitig pa siya sa akin. Napalunok na lang ako sa tiim ng pagkakatitig niya na para bang gusto akong sunggaban. Tinungo ko ang hagdanan. Ayoko siyang tanungin kung saan ako matutulog, hanapin ko na lang mag-isa. Pero nang nasa hagdanan na ako ay may pahabol pa siyang sinabi.

"Look for my room."

Huminto ako at natigilan. I got curious and scared at the same time. Nilingon ko siya. "Ano'ng sabi mo?"

Namulsa siya at nagkibit balikat. "Look for my room. Doon ka matutulog." ulit niya.

Napaawang ang labi ko sa gulat. Seryoso ba to? Bakit doon? Hindi naman sa nag-iinarte ako at nagpapakainosente. Pero hindi bat galit kami sa isat-isa? Paano namin maaatim na matulog sa iisang kwarto lang? Bakit hindi lang sa ibang kwarto ako tapos kung gusto na niyang—ah shit! What were you thinking, Paula?!

"B-Bakit doon, meron ka namang ibang kwarto, 'di ba?" I asked with my voice shaking.

Tumingin muna siya sa paligid bago ulit binalik sa akin. "You'll be only here every weekends and you should be in my room during that day. That's my order." Matigas niyang litanya sa akin.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon