Chapter 7

77.6K 2.3K 526
                                    

Chapter 7

Paula

The moment na nilapat n'ya ang pinto-doon lang ako nagpakawala ng buntong hininga dahil sa unang halik na natamo ko. He just named my first kiss! Hindi lang basta halik iyon dahil nakabukas pa talaga ang labi ko! Damn the oppportunity he got a while ago!

Inabutan na ako ng hapon bago maka-get over sa halik n'ya. Pinuntahan ako ni ate at sandaling nakipag-usap sa akin bago s'ya sunduin ng asawa. I heaved out a sigh. Saglit lang malayo sa ate ko, palagi nang nakasundo itong si Kuya Oliver. Hindi na tuloy namin nagagawa iyong matagal-tagal naming kulitan.

Inaya nila akong kumain sa labas, but I refused dahil parang tama si William, kailangan kong magpahinga muna.

Nahiga lang ako, inantok ako at nakatulog, ang sarap sa balat ng malaking kama pati ang simoy ng aircon ang humahatak sa akin na makaiglip man lang. Madilim na sa labas nang nagising ako. Naupo ng ilang minuto sa gilid ng kama, I felt a little unorganized dahil sa ibang kwarto ang nagisingan ko, napakalaki pa.

I checked my phone, I grimaced when I found a few miscalls and lots of messages! May emergency ba ulit si William? I haven't registered his number yet, pero pamilyar na sa akin ang numero n'ya.

Gumuhit ang kaba sa dibdib ko habang binubuksan ang messages n'ya, mag-iisang oras na ang nakaraan.

William: Did you take a nap?

William: Babe?

William: Text me when you read this please.

William: I'm worried babe. Please answer my call.

I bit my lower lip as I only scanned all his text messages. Lahat iyon ay puro pag-aalala sa akin na para bang may masama pang mangyayari sa akin dito. This is a high-end hotel, hindi naman siguro basta-bastang nakakapasok ang sinuman sa mga suite--and I'm in a presidential suite pa!

He's over-reacting. Big time.

Me: Kagigising ko lang. Wag praning, babe.

Napanguso ako. Hindi pa ako mapakali at kinurot-kurot ko pa ang labi ko dahil sa pagbugso ng init sa mukha ko. Hinagis ko sa kama ang cellphone at tumungo na sana sa banyo pero mabibilis na hakbang nagawa ko nang tumunog ulit ang message alert tone ko.

William: Hindi mo na iyon matatanggal sa akin, pagkatapos ng kanina. Are you practicing our endearment?
____________________________________

Me: Sorry, wrong send pala.

I giggled after I sent my reply to him. Tumayo ako sa tapat ng malaking bintana, hinawi ko ang makapal at kulay pulang kurtina--the city lights are sparkling up and brightens the night sky. Hindi ko na nabitawan pa ang pagkakahawak ko sa kurtina dahil sa nakatanaw na lang ako sa mga matataas na building sa labas. I had never been in a hotel lalo na five-star hotel na katulad nito, hindi namin kakayanin ang bayad dito. Ilang buwang sweldo ni ate ang isang gabi? Mamumulubi kami.

Napaigtad ako sa gulat nang biglang nag-ring ang cellphone ko. "Shit!"

Tumatawag si William.

Tumikhim ako at hinanda ang paggu-goodtime sa kan'ya. I was on my playful mind and answered his call. "Hel---"

"Who the fucking man you texting with?" galit n'yang sagot agad sa akin.

Naiwang nakaawang ang labi ko dahil sa hindi inaasahang galit nito. Isang text pa lang iyon, sobrang init na ng ulo n'ya? "You are the fucking man I am texting with." pilosopo kong sagot.

"What? May iba kang tinatawag na 'babe'?"

I rolled my eyes. "Wala pang isang araw, nang-aaway ka na? Pa'no pa ang mga darating na mga araw, linggo, buwan? Palaging na lang may gyera?" My cheeks automatically flared. Burnt. So, feeling ko magtatagal kami nang ganoon? Pinaglaruan ko na ang kurtina dahil sa pumasok sa kokote ko. What am I thinking? Para bang totohanang girlfriend lang ah!

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon