Chapter 25

67.9K 2.1K 454
                                    

Chapter 25

Paula

Nanginginig ang mga kamay ko sa pagkuyom nito. Napapako ang mga paa ko semento habang pinagmamasdan ang malaking building sa harapan ko. Ilang beses akong umurong para rito. Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa bayan para pilitin sa kaya naming presyo ang renta ng isang maliit na opisina, pero ang malupit na kapalaran ay ayaw akong pakinggan.

Inaamin ko, nakakaramdam ako ng pagsisisi. Pagsisisi sa posisyong tinanggap. May isang beses kong sinabi ito kay Beth at Ayen. I told them to represent the agency, pero ayaw din nila. Nalaman iyon ng boss namin kaya agad akong kinausap.

Ako raw ang gustong makausap ng Sullivan Corporation. The fuck. He did this. He planned this. Gumaganti siya sa akin. Dahil sa ego niya? Dahil nagsabi ako ng totoo? And now, I was forced to talk with him to save our office.

Pero..pwede ko ring maisalba ang buong palengke 'di ba?

Dammit! Napabuga ako ng hininga at mariing napapikit. Nandito na ako. Ang layo ng binayahe ko para makarating dito, ngayon pa ba ako aatras? I can save our agency and even the public market in just one meeting right? I'd expect him to be professional despite our last encounter. Hes Kuya Oliver's friend, I'd expect na magkakaroon kami ng maayos at pormal na pag-uusap. He requested this. He requested my presence. That would be fine.

Talaga, Paula?

Shit, self. Just be calmed and be professional.

Napakapit na lang ako ng mahigpit sa tali ng shoulder bag habang papasok sa revolving doors ng building. Dumeretso ako sa information desk at sinabi ang pakay. I wasn't surprised nang nasa listahan na ako ng expected visitors at agad akong pinaakyat na sa opisina ng Presidente nila.

I used the employees' elevator, may nakasabay pa ako na sa parehong palapag din bababa kaya hindi na ako pumindot sa babaan.

And right there, my chest pounded so fast and so wildly. Pinokus ko na lang sa numero sa taas para ma-relax ako kahit kaunti dahil makikipag-usap ako sa demonyo. I smirked. Doon talaga nabawasan ang kaba ko.

We were only two inside the elevator when we reached his floor. Nagmamadaling umalis sa loob ang nakasabay at tinungo yata ang lamesa niya. I swallowed. I didn't expect na ganito pala kaganda ang daratnan ko rito. Alam kong mas malaki na ang negosyong hinahawakan niya pero iba pa rin pala kapag nakikita na ng mga mata ko.

I made a secret research about his company. Kung dati, iyong WDS Aircraft services lang ang alam ko, ngayon ay mas lumago ang negosyo niya. He owned an expensive jet plane, nasa website niya iyon at pang pribado niya lang daw ginagamit. The Gulfstream G650. Nag-iisa sa Pilipinas. And Aircraft Services niya ay lumaki rin. It has the numbers of helicopters, Cessnas and his Gulfstreams. He owned a private Resorts and beach too. Mayroon din siyang shares sa ilang kompanya na may kaugnayan sa pabahay, a private subdivisions.

Everything about him for the past years boomed. I knew his intelligence in business, I should have expected all of these—pero talagang nakakalula. The demon knew how to play well.

At siguro, kung kasama niya ang mga bata sa loob ng taon iyon, baka ayaw niyang may sagabal sa tagumpay niya. Shucks. I never wanted my kids to feel how they were not accepted by their father. I couldnt bear to see them being ignored by that asshole man. Shit.

Iniwas kong hindi makagawa ng ingay sa takong ng sapatos ko. Good thing na carpeted and buong floor. Paglabas ng lift, sa kaliwa ko ay mayroong hallway. Sa harap ko naman ay ang glass door papasok sa President and CEO's office. Mabagal na hakbang ang ginawa ko at pumasok doon. Agad na nag-angat ng tingin sa akin ang isang babaeng sa tingin ko ay sekretarya nito sa labas. She stood up and sweetly smiled at me. Shes wearing a red coat and white polo inside. Her colored hair was in tight french knot. "Good morning, ma'am. How may I help you?" mahinhin niyang bati sa akin.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon