Chapter 11

82.8K 2.2K 291
                                    


Chapter 11

Paula

Hinatid ko hanggang sa airport sina ate, pagkatapos ay pinahatid ako sa eskwela, bilin ni Kuya Oliver. Tatlong araw silang mananatili sa Dubai, but I felt na baka mas mahaba roon ang ilalagi nila dahil parang may iba pang balak si Kuya kay ate. I sighed as I listened to my professor na nakikipagbiruan na sa mga estudyante n'ya.

I've a got a new assignment. Hindi naman ako masyadong loaded ngayon dahil lima na lang ang naiwan kong subjects. At exactly 4pm, natapos ang huling klase ko. A few chitchat with my classmates, I was ready to go home pero isang grupo ng estudyante ang nakangising lumapit sa akin, and Iah was one of them. Sumandal s'ya sa pintuan ay nakahalukipkip na tiningnan ako.

"Paula, sama ka?"

I knew that tone. Tiningnan ako ng mga kaklase ko at ng mga kasama n'ya. Informing me that I should be ready to go with them, which I willingy did before, when I was still chasing my brother-in-law.

Bumuntong hininga ako at sinukbit ang bag sa balikat ko. I'm happy I don't feel any excitement right now. Malaking factor iyon sa akin dahil ibig sabihin nalusaw na ang dati kong pagtangi kay Kuya Oliver--and there's one man I only thought about. Damn, heart.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na, Iah. Uuwi na lang ako, may report ako next meeting." I said as a matter of fact.

Tiningnan n'ya ang pisara at saka ako tinaasan ng kilay. She's mocking me. Palagi ko iyong nakikita dati pero hindi ko binibigyang pansin, siguro dahil nasa iba naman talaga ang focus ko noo'n. Pero ngayon, I felt the intimidation she's sending in me. The feeling that shouldn't be felt if she's really treating me as her friend.

"Are you sure? We're going to Peyton tonight, hindi ka talaga sasama?"

I gave her a friendly smile and I felt my phone vibrated inside my pocket. "Yup. Sige, alis na ako," nilingon ko na rin ang tatlo ko pang mga kaklaseng babae para makalabas na ng classroom. We were a bit bothered nang hindi kaagad umalis sa pintuan si Iah at nagsipulan ang mga kaibigan n'yang lalaki habang pinapanood kami. I received the tension but eventually she gave us a way to leave.

Nang nasa quadrangle na kami ay saka pa lang naglabasan ng saloobin ang mga kasama ko. They felt it too. I yanked my phone out of my pocket and read the text I received.

William: Babe, nasa labas ako. I missed you.

Agad akong napahinto sa paglalakad nang makita ang text na iyon ni William. My chest automatically pounded as I felt my scalp prickles on its root. He's here! He's here again! Nag-angat ako ng tingin sa gate namin, tinatanaw na naman kung naroon sa harap ang magara n'yang sasakyan--that black porche is killing me! Nag-iinit ang mukha ko sa hiya kapag naaalala ang huling beses na sinundo n'ya ko, where high school students were his crowd and didn't mind if he's bothered or not.

Malalaking hakbang ang ginawa ko, sinilid ang cellphone sa bulsa ng palda ko.

"Uy, Paula sa'n ka pupunta?" rinig kong sigaw sa akin ng mga kasama dahil nilagpasan ko na sila.

"Mauuna na ako! Sige bye!" sigaw ko na lang din. Ayaw kong usisain pa nila ako kapag nakita nila si William.

Pagkalagpas ko sa gate ay may isang kamay na humatak sa wrist ko! I almost fell on my knees when he did that. "Ano ka ba? Muntik na kong.." when I felt his eyes on me, it bugs me to continue my rants at him.

He grinned. "Sorry. I'm just excited to see you. Come."

Hatak-hatak ako ay tiningnan ko ang paligid. Hinahanap sa kung saan may bilog na mga tao at may pinagkakaguluhan na namang bagay o tao. But he's with me, alone. No one is shouting or screaming because of fangirling, just him. Wala rin akong makitang magarang sasakyan na namumukod tangi sa parking area.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon