Chapter 35

92.7K 2.7K 785
                                    

Chapter 35

Paula

Kumuha ako ng bimpo sa taas at agad ding bumaba para punasan ng pawis at ang walang ampat na luha sa mukha nina Sue at Earl. Nagboluntaryo si Beth na punasan si Sue, lumuhod ako sa harapan ni Earl—I pursed my lips together when I saw his swollen eyes dahil sa walang-tigil na pag-iyak. Inabot ko ang bimpo para sana punasan ang pisngi niya, but he refused. Iniwas ang mukha at nilayo ang kamay ko. Tinutusok ang puso ko dahil nakikita ko siyang humahagulgol at mas nanikip ang dibdib ko nang ilayo niya ang kamay ko sa kanya. What would a mother felt when his son refused to wipe his tears by her own hand?

Parang may na-detach sa akin. 

Sinubukan ko ulit, pero tinulak niya ulit ang kamay ko. I bit my lip nang uminit ulit ang mukha ko at bumalong ang luha sa mga mata ko. Hindi niya ako tinitingnan at tanging ang pag-iyak at pagtawag sa 'Daddy' lang ang sinasambit.

Kung nasasaktan lang ang puso ko kanina, ngayon ay durog-durog na. Suminghap ako at tumayo. Ilang beses kong kinagat-kagat ang ibabang labi para bumuhos ang luha ko.

Bakit ganito ang epekto niya?

Masakit sa dibdib. Nang ramdam kong talo na ako, tinalikuran ko sila at pumunta sa harap ng lababo. Doon ay malayang bumuhos ang luha ko. Tahimik na hikbi na agad kong pinipigil para hindi marinig ng mga bata. I gripped on the edge of the sink, pressing my hands so tightly just to lessen the pain and hurt I was feeling right now. Wala naman akong magagawa ngayon, kundi ang maghintay.

"Paula.." mahinang tawag sa akin ni Beth.

Hindi ako agad na lumingon at pinunasan muna ang luha sa magkabila kong pisngi. Suminghap ako. I composed myself before I turned at her. And when I did, I saw her gave me a cursory nod outside.

Ramdam ko kaagad ang lalong pag-usok ng mukha. It took him only nearly ten minutes, I gues, to get back here. Talagang hindi pa pala siya nakakalayo.

Tiningnan ko muna ang mga bata, same positions and emotions. Saka ako naglakad palabas ng pintuan. Nakatanaw pa rin sa labas si Beth. Lumabas ako pero nakita ko na siyang pumasok sa gate ng compound kaya naghintay na lang akong makalapit siya. Yumuko siya para makapasok sa loob. He was wearing his usual get up from the office. A black longsleeves, curled up sleeves up to his elbows. Hindi na naka-tuck in ang pang-itaas at itim na slacks paired with his shiny black leather shoes. His silver big wristwatch was his only accessory. Itsura pa lang niya, obvious na hindi nababagay sa tinitirhan namin.

Ang ilang kapitbahay kong nasa labas ng kanya-kanyang bahay ay nakuha niya ang atensyon at hindi na nabawi pa.

Napahawak ako sa magkabila kong siko. Hindi lang ang suot niya ang hindi bumabagay dito, pati siya mismo. He's tall and well-built body. Muscles perfectly shaped in his body. Una niyang tiningnan ang mga matang sinusuri siya at hindi naman nagbigay ng anumang reaksyon. Walang ingay niyang sinarado ang gate at nagsimulang maglakad. Naghinang ang mga mata namin. A kick in my chest released. I gasped. Isang sulyap ang ginawa sa loob ng bahay bago ko muling sinalo ang tingin niya.

Deretso siyang nakatingin sa akin ay malalaking hakbang na tinutungo ang kinatatayuan ko. Pero bumagal lang ang lakad niya nang agawin ni Mang Boy ang atensyon niya. His eyebrows twitched, gumawa ng ilang guhit ang kanyang noo at nakinig sa sinasabi ni Mang Boy kasabay ang pagturo nito sa dereksyon ko. Then he looked at me once more. This time, parang humigpit ang pagkakatitig niya sa akin. Nagkalaman. Tinanguan niya ang matanda at naglakad ulit palapit sa akin.

Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa akin ay inaabot na ng mga kamay niya ang mukha ko. When he finally reached me, kinulong niya sa mga palad ang mga pisngi ko, yumuko para magpantay ang mga paningin namin. He's worried. I can feel and I can see it.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon