Chapter 31

78.9K 2.4K 471
                                    

Chapter 31

Paula

Mataman ko siyang tinitigan habang naghahapunan kami. Mas lalo pang nadagdagan ang curiosity ko sa kanya nang naging mas tahimik na siya at hindi na ako kinikibo mula nang umuwi na sina Quinn at Ridge. Iniisip ko iyon at kinukulit ang utak kung bakit naging seryoso ulit ang mukha at awra niya. Lagi naman siyang ganoon pero ang bilis naman magbago? Talaga yatang ang weirdo na niya.

Hindi na niya ako kinikibo hanggang sa makauwi ako. Nakatalikod na rin siya sa akin nang magtabi kami sa kama.

Kinabukasan, bago umuwi ay nagpadaan muna ako sa isang Mall para bumili ng laruan kina Earl at Sue. Sinabay ko na rin ang pagbili ng regalo kay Austin. I bought him books and crayons. Ang hirap bilhan lalo na kung alam kong mayroon na siya no'n. Kaya para hindi masayang, educational gifts na lang ang napili ko. I also bought for my kids too.

Pagbalik ko sa sasakyan ay naabutan ko pang nagte-text ang driver ni William sa labas ng sasakyan. When he noticed me, saka niya lang tinabi ang cellphone sa bulsa ng slacks niya. I pouted my lips and just hop in the car.

***

Wednesday morning, saka kami naka-byahe pa-maynila. I texted Art na pupunta kami roon. Pinagalitan pa nga ako nang hindi ko kaagad sinabi para siya na raw ang sumundo sa amin. I cant help but smiled while talking to him. Nakakainit sa puso kapag ganong nariringgan ko siya ng concern sa aming mag-iina. Pero wala namang dapat ikabahala dahil pinasundo rin kami ni Kuya Oliver at Ate Melody. Kaya maaga kaming umalis.

Nakatulog naman sa byahe sina Earl at Sue. Sa sobrang excited kagabi, late ring natulog.

Pagparada pa lang ng sasakyan sa labas ng bahay ay nakaabang na si Ate Melody sa pintuan. She was all smiles nang makita ako. At nang bumaba na sina Sue ay mas lalong lumaki ang ngiti nito.

"Lapitan mo na si Tita Melody mo at mag-bless," nakangiti kong utos kay Sue.

"Yes, Mommy!" she wiggled and run to her Tita. Buong ngiti naman itong sinalubong ng ate ko.

Pumasok ako ulit ng sasakyan para gisingin si Earl. Nahiya pa ako ng kaunti dahil ang mismong driver na nila ang kumuha ng ilang bag namin. Dalawang maliliit na bagpack ng kambal at ang akin.

Marahan kong tinapik-tapik ang pisngi ng anak ko. "Earl..baby, gising na. Nandito na tayo.." malambing kong bulong sa tainga.

Umungot siya at gumalaw. Nagtandahaba-haba pa ang nguso nito habang nag-iinat. Sinuklay ko ang nagulo niyang buhok at napalunok na lang.

Hindi ko alam kung ano pang masasabi ko once na makita na nila si Earl. Ang carbon copy niya.

"Nakarating na po tayo, Mommy?" inaantok pa niyang tanong sa akin. Pinunasan niya ang nalukot na pisngi at nagsimulang bumaba ng sasakyan.

I can here how my older sister patronizing my daughter and ask for his twin brother. I swallowed again and closed the cars door.

Hindi ko na nagawang sabihan pang lumapit si Earl sa kanila dahil kusa na itong tumakbo sa kapatid niya.

"Oh, ito na ba ang twin brother..mong..si Earl..." Ate Melody's voice faded word by word while staring at my son's face. Nakaawang ang labi niya at titig na titig sa kanya.

Lumapit ako at matiim na nilapat ang labi. Natahimik na siya nang kunin ni Earl ang kamay niya at nag-bless.

She then looked at me. Nagtatanong at nagtataka ang mga mata niya sa akin. But I just gave her a cursory nod.

"I'll tell you later." Walang malisya kong agap dito.

Doon lang siya nahimasmasan at malalim na bumuntong hininga.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon