Chapter 40

119K 2.6K 736
                                    

Chapter 40

Paula

Marahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa tabi ni Sue. Sinuklay ko muna ang buhok niya bago tuluyang bumangon. I reached for Earl's cheek too and mildly caressed. There was an empty part in my chest for them that now is filled. I'm happy. I can't explain the true reason. Siguro dahil nae-excite kapag nalaman nilang nakabalik na si William.

Which reminds me na nasa baba nga pala siya at pinaghintay ko bago sana papasukin.

My heart jogged nang pinihit ko ang seradora ng pinto at binuksan. Tumagos ang liwanag mula sa ilaw sa nakaupong si William sa tapat ng pintuan. Pinapak na ng lamok pero wala pa ring imik. Nagpapahinga na rin si Mang Boy kaya wala itong makausap sa labas. Agad siyang tumayo nang makita ako. I felt the hollow in my heart when I look at his eyes and his face..kakaibang sakit o kirot ang pumipighati sa akin dahil sa iba niyang itsura ngayon. Nandoon pa rin ang intimidasyon, ang tindig at ang awra na hindi na yata mawawalay sa kanya. Pero ang paraan ng pananamit, buhok niyang hindi ko gusto at ang kulay ng balat, were all new to me—and I don't—hate it rather.

I gripped on the door's edge and firmly look at him. Humakbang siya at pumasok. I heaved out a sigh. It's just so different.

Sinarado ang pinto at humalukipkip sa harapan niya. Nakatitig siya sa akin na para bang naghihintay ng sintensya niya.

Pinakatitigan ko siya. I scanned his worn out clothes. Sinong magsasabing nagmamay-ari ito eroplano? And it pinched my chest. Pumutok ang labi niya at may bahid na ng dugo. "Wag kang tumayo lang dyan, umupo ka. Kukuha ako ng panggamot sa sugat mo." Malamig kong utos sa kanya. Iyong galit ko hindi na maitago. Nang makita kong sasagot pa siya at mabilis ko nang tinalikuran at tinungo ang pinaglalagyan ng palanggana at malinis na bimpo na nakasipit sa barandilya ng hagdanan.

Dala ng ngitngit sa dibdib ay padabog ko iyong binaba sa lababo at pati ang pagbukas ng gripo ay pinagbuntungan ko rin. Binanlawan ko iyon at sinabon ng maigi. Tumingala ako at binuksan ang cabinet, nilabas ko ang isang tupperware na pinaglalagyan ko ng betadine, cotton buds, bulak at gasa— napahinto ako sa ginagawa nang maramdaman ang paglapit niya sa likuran ko—bumilis ang tibok ang puso ko nang makita kong nilusot niya ang mga kamay sa baywang ko at nanantsang pinulupot paikot sa akin. Pigil akong napasinghap. He locked his arms around my waist, wrapped tightly and laid his head on my neck so warmly.

Mas napasinghap ako ng mag-init ang magkabilang dulo ng mga mata ko. Ramdam kong dapat akong magreklamo sa paraan ng pagyakap niya sa akin but I let him setback and fulfilled his needs to hug me like I was wanted in his life. I couldn't found any reason and brave to wiggle and curse him..I needed it too—I missed it—I missed him so badly.

So crazy.

Siniksik niya ang ilong at labi sa leeg ko. Bahagya akong napaatras dahil sa higpit ng hatak niya sa akin. I pursed my lips. Bumagsak ang mga mata ko sa mga braso niya at napahawak doon. He gasped against my hot skin. Now I trembled.

"I love you. I miss you." He whispered.

Bumigkis ang higpit sa dibdib ko nang marinig ko iyon sa kanya at hindi ko na pinigilan ang pag-alpas ng luha sa mga mata ko. Makakapal na luha na para bang nag-aantabay na ma-trigger. Malalim akong bumuntong hininga para ikalma ang sarili, nakatulong iyon pero hindi pa rin nawawala ang emosyanal kong nararamdaman. "Anong nangyari sa iyo?" I almost whispered too.

Pagkatapos kong magtanong ay mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay mawawala ako sa tabi niya.

Hindi siya kaagad na sumagot. Sa sumunod na mga minuto ay walang nagsalita sa amin kahit na gustong-gusto kong mag-usisa sa pinanggalingan niya. Dahil sa mga oras na iyon, pinaramdam niya sa akin kung gaano siya nangulila sa matagal naming hindi pagkikita. He didn't anything, he made me felt it.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon