Chapter 6
Paula
Hindi ako kaagad huminahon at nanatili ang higpit ng yakap ko sa kan'ya. I felt all my weight was drifted on him while his embrace slowly tightens on my waist. Nanginginig ako sa kabila ng relief na nararamdaman. His heat and scent sent so much comfort in despite my horrible state of mind. Wala ibang laman ang isip ko kundi ang makatakas, makaligtas at lumayo. Pero alam ko ang nasabi ko, and I meant it, somehow.
I released a sob, he moved a bit and whispered on my ear.
"Ano'ng nangyari?" The tension builds up. Bumitaw ako, kumapit ako sa damit n'ya at lumayo sa pintuan.
"M-May n-nakita akong..p-pumasok do'n sa b-banyo.." I gasped and tightens the grip of my hands on his shirt. I looked at my back, scared that he might get out and hurt us. Hinawakan n'ya ang mukha ko sa paraang napakagaan at pinagtagpo ang mga mata namin. For the first since we've met, I saw a genuine care and worries on his face, especially in his eyes.
"Someone's hiding in your comfort room? Did he hurt you?" An anger crossed on his tone and face.
Tumango na lang ako sa sobrang takot. Tiningnan n'ya ang loob ng bahay at saka ako ginilid. Pero parang hindi s'ya nakuntento at hinila ako sa braso palayo pa sa bahay namin. Ilang hakbang at narating namin ang sasakyan n'ya, pinagbuksan ako ng pinto at hinintay akong makapasok. I stood there at nag-aalalang papasukin n'ya rin ang bahay namin.
Umiling ako. "'Wag ka nang pumasok, baka my dalang panaksak 'yon!"
"Dito ka muna at 'wag na wag kang lalabas, understand?" Imbes ay sagot sa akin.
Napalunok ako at walang nagawa. Sinundan ko s'ya ng tingin, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-igting ng kan'yang mga braso at pagkuyom ng mga kamao na parang may laban sa susugurin. Hindi ko pa rin matapos ang pagnginginig ng mga kamay ko, hanggang sa pumasok s'ya sa loob at tinungo ang pa-kusina. Nagmamadaling dinayal ko ang numero ni ate.
After a few rings, she picked up. "Hello, Paula?" I heard some laughters from the background.
Tiningnan ko ulit ang nakabukas naming pinto. "A-Ate, may nakita akong p-pumasok sa loob ng banyo natin at nagtago.."
"Paula, what is it?...Excuse me," Pakiramdam ko ay tumayo s'ya at lumayo sa pinagpupwestuhan. Napapikit ako at suklay sa sariling buhok. "Ulitin mo nga?" She sounds more serious and alert.
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa pagbuso ng iyak at nginig. "May n-nakapasok sa bahay--sa likod-bahay d-dumaan, nagtatago sa b-banyo,"
"What? Where are you?" I knew then, she'd going to hysterical.
"Dumating si William, pinaghintay n'ya ako rito sa sasakyan n'ya--s'ya ang pumasok sa loob."
"'Wag kang aalis d'yan! Pupuntahan kita." She immediately cut the line.
Binaba ko sa kandungan ko ang cellphone at dalawang kamay na tinakpan ang bibig ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. At this hour. Pero ang lalong sumasakit sa dibdib ko ay ang pagpasok sa loob ni William na mag-isa!
And before I could create a speculation--lumabas na s'ya ng bahay, bakas ang galit sa mukha, pag-igting ng panga habang hila-hila sa braso ang nakataling patalikod ang lalaking kumausap sa akin kanina. Gusot ang pangtaas nito at may bahaging basa--I knew then na nanlaban ito nang makita ni William.
Lumabas ako ng sasakyan n'ya, he saw me pero halos kilabutan ako nang salubungin ako ng galit n'yang mga mata. "William.."
"Stay in the car." Mariin n'yang utos sa akin.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
Aktuelle LiteraturSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...