Chapter 29
Paula
Sa buong linggo ko ay palagi ko siyang naiisip. Kung minsan ay maging sa trabaho. When I was alone in my office, during breaktime at kahit sa pagsakay ng tricycle, iniisip ko pa rin ang ugaling pinakita niya nong araw ng linggo.
Dapat ba akong kabahan pagbalik ko? May doubt ako kung uulitin niya ang pag-istay sa library niya. Maniningil at maniningil iyon hanggang sa masulit ang kahuli-hulihang kusing nagastos niya para sa akin.
Iniipitan ko si Sue ng buhok niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Si Earl naman ay natutulog sa upuan.
"Mommy, malungkot ka po?" inosente niyang tanong sa akin. Napakunot ang noo ko.
Pero sa huli ay napanguso na rin. "Bakit mo naman natanong?"
She pouted too. "Kasi tahimik ka e. di mo ko sinasagot.." may tampo na niyang sabi sa akin.
Napangiti ako. Kumuha ako ng kulay pink na goma at iniikot sa bago kong trintas na buhok niya. "Hindi naman malungkot si Mommy ah. May iniisip lang po."
Binalik niya ang tingin sa nilalarong barbie doll. "Ano pong iniisip mo?"
I sighed. "Work.." almost.
"Hmm..para may pambili tayo nung doll house saka lutu-lutuan, Mommy?" bigla ay na-excite ang boses niya at nakangiti na rin.
I smiled at her. "Opo. Sa linggo pag-uwi ko bibilhan na kita ng laruang gusto mo." Iyong lutu-lutuan na lang muna siguro. Iyon pa lang ang kaya ng wallet ko. Pinag-iipunan ko pa kasi iyong Doll house, ang balak ko ay gagawin kong regalo sa birthday nila. At kay Earl naman ay eroplano.
Tumayo pa siya at nagtatalon sa tuwa. "Yehey! May bagong toys ako sa linggo! Pati si Earl, Mommy ah? Wag mo po kalimutan si Earl." Cute niyang bilin sa akin. And I sweetly nodded at her.
"Syempre." I said. Tuwing may bibilhin ako para sa kanila ay palaging dalawa. Mapadamit, sapatos, bag o kahit laruan ay nakarehistro na sa isip ang ganong bilang. Like a mothers instinct. I guess.
Siguro dahil lumaki rin akong ganoon. Palaging kaming binibilhan ng sabay ni tatay at kahit ng namayapa na naming nanay.
Nililigpit ko ang lalagyanan ng mga pang-ipit sa buhok ni Sue nang mag-ring ang cellphone kong nasa gilid ng tv.
Tumatawag si ate Melody. Kaya naman pagkahawak ko palang sa cellphone ay nakangiti na agad ako.
"Hello, Ate!"
"O, di naman excited nyan?" biro niya kaagad.
I chuckled.
"Ipapaalala ko lang sayo yung birthday party ni Austin, next week na yun ah pumunta kayo ng kambal," sa boses ay parang nasa kalagitnaan ito ng pag-aayos o pagliligpit.
Napalingon ako sa kalendaryo. Nai-text niya nga iyon sa akin last week pa. Muntik ko na ngang makalimutan dahil sa ilang pangyayari sa buhay nitong linggo. Kaya kumuha na ako ng ballpen at mamarkahan ang araw na iyon.
"Ano'ng oras po ulit?" tanong kong natatawa na.
She groaned. "Sinasabi ko na nga ba e, nakalimutan mo! Sa miyerkules na, alas-tres ng hapon simula ng party. Sa bahay lang naman gaganapin yung party kaya mag-overnight na rin kayong mag-iina. Para maka-bonding na rin ni tatay ang mga apo niya."
She sounds a little excited. Napangiti ako binilugan na ang petsa ng birthday ni Austin. Even the time.
"Sige ate. Naikwento ko nga ang pagpunta namin dyan ng kambal," na-excite na sila.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
Ficção GeralSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...