Chapter 13

70.2K 2.1K 339
                                    


Chapter 13

Paula

My heart pounded so fast because of the way William is treating me. Bukod sa ang tahimik n'ya, hindi ko na magawang ibangon ang inis na lumukob sa akin kanina lang. Mas natatalo ako kapag siya na ang ganito, nai-intimidate ako. Tuwing titingnan ko ang pagitan ng mga kilay n'yang may lukot, naiinis na ito o may malalim na iniisip. His eyes, it didn't send any reflection of his contentment and happiness. Ayoko 'pag ganito siya. Ayoko at nalulungkot din ako. Para na akong nagsisisi kung bakit sinabi ko pa saa kan'ya ang nangyari sa school kanina.

Hindi ko sinabi ang pangalang hinihingi n'ya. He just let me eat and change my clothes too.

Inalalayan n'ya ako pababa sa sasakyan n'ya, I tried to look at his eyes but he was just looking at my dress. I swallowed. Wala naman akong ibang magandang damit na pang bar, maliban sa lagpas tuhod kong bestida. Iyon nga ang sinuot ko, it was a pink sleeveless plain dress below the knee and I paired with a flat shoes. Dala ko rin ang kulay itim kong sling bag.

And I finally came back here in Peyton, napagmasdan ko nang maigi ang ibang tao-lalo na ang mga babaeng may pasulyap-sulyap kay William, sana pala pumili ako ng ibang damit. Mukha akong highschool na first time magpa-party nito. Bakit ba hindi ko ito nararamdaman dati? Before, para akong sanay na sanay sa pagpunta rito dahil kay Kuya Oliver. I didn't mind my clothes too at wala ako pala akong problema doon dahil pinapahiram ako ni Iah. Ayoko namang suotin 'yung damit na huling sinuot ko rito, iyon ang suot ko na ayaw ni William.

Bumuntong hininga ako nang hilahin ni William papasok at salubungin ng mga nagkikislapang ilaw. Ang tugtog at kasiyahan ay nakakabingi. I fit my eyesight to scan the dance floor, sa ganitong oras ay halos hindi mahulugang karayom ang mga tao. Careless and free, swaying their hips and waving their hands up in the air. Ang mga lalaki ay malayang nakakahawak sa bawat baywang ng mga babaeng kasayaw. These people obviously knew how to live life freely and wildly.

Napatingin ako sa lalaking tumapik sa balikat ni William at may binulong dito. He nodded and follows the cursory nod. May tinuro itong direksyon at sinulyapan, akala ko nga ay naroon na ang mga kaibigang sinasabi n'ya pero sa opposite na direksyon kami pumunta.

Sa isang pabilog na asul na sofa at lamensa kami pumunta.

"William's here! Finally," a tall man stood up, handling a glass of whisky at tinaas sa kan'ya. He has a soft features pero gwapo rin at halatang may kaya. Tiningnan n'ya ang mga kamay namin ni William at ngumisi. He smiled at me. "Hi," mas lumamyos ang boses sa akin.

No'ng una ay nahiya ako sa bigla n'yang pagbati sa akin. Nagsitinginan na rin sa akin ang dalawa pang lalaking nasa area nila. William look down at me, hinatak ako at hinawakan sa baywang.

Umayos ng upo ang isa at binaba ang hawak na baso, pinagmasdan kaming dalawa.

"Babe, these are my friends, Quinn," turo n'ya sa lalaking unang bumati sa akin. "Dale and Lennox, guys, this is Paula, my girlfriend." pakilala n'ya sa akin sa kanila. Napa-O ang bibig ni Quinn at ngumisi-ngisi pero sa hali ay tinadyakan lang ito ni Lennox.

Dale stood up first. Nakangiti s'ya sa akin, he knew dahil kay ate at Kuya Oliver. Kinamayan n'ya ako. "Nice to meet you, alam ba ng Kuya Oliver mo kasama mo si William?" he asked playfully.

William sighed. "We're legal."

Dale chuckled. "Should be."

Lennox was the tallest among the three. "Finally met you. Lennox," he offered his hand. Nginitian ko s'ya, nahiya na akong ipakilala ang sarili dahil parang walang kwenta ang sasabihin ko.

"Quinn by the way! Ang cute mo pala," buhay na buhay n'yang sabi sa akin. Nag-init ang mukha ko at nahihiyang ngumiti na lang. I felt so awkward.

They are my boyfriend's friends. And I was as introduced as his girlfriend. Legal and official..ang sarap pala sa pakiramdam nito.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon