Chapter 36

99K 2.8K 424
                                    

Chapter 36

Paula

Pasado alas-siete ng umaga na ako nakabangon kinabukasan. Pimipintig pa ang sintido ko kaya hindi ako kaagad nakatayo, kung hindi ko lang nakitang gising na rin ang dalawa kong anak ay hindi pa ako tuluyang makakabangon. Naiwan na akong mag-isa sa kama. I heard their heavenly giggles downstairs so I forced myself to wake up. I have to make them a breakfast. Iniisip ko ngang iyong binili kong fast food kagabi pero baka ayawan na nila iyon. Wala namang kumain kagabi.

Nagtiklop ako ng kumot namin at inayos ang mga unan. Pinatay ko ang bentilador bago bumaba.

Sa hagdanan pa lang ay naririnig ang tunog ng de bateryang kotse-kotsehan ni Earl. Isa iyon sa mga bigay kahapon ni William. Early in the morning iyon kaagad ang ginawa ng magkapatid, ayos na rin kaysa naman ay maabutan kong nasa labas na ng bahay. Sinulyapan ko ang pinto, naka-lock pa naman. Una akong napansin ni Sue habang nagsusuklay nito ang blonde hair ng doll niya.

"Good morning, Mommy!" ang ngiti niyang naka-stretch ang mapulang labi ang nagpangiti sa akin. I love how she shown her little teeth. Tinagilid pa niya ang ulo at parang mino-model ang hawak na pang manikang suklay. It was colored pink and made of plastic.

Binaling din sa akin ni Earl ang mukha habang may hawak ng controller ng laruan niyang sasakyan. My heart melts when I saw his eyes a little swollen. Hindi na naman iyon kasing lala katulad kahapon pero nagmukha itong may eyebag sa ilalim ng mga mata niya. But then, still he managed to give me a wide cute smile. "Good morning, Mommy!"

Lumapit ako sa lamesa at sandali silang pinanood. Nakawala na ulit sa kanya-kanyang kahon ang mga bagong laruan. Kasing gulo ng sala namin ang mga buhok nila. I smiled. But suddenly, I remember the last scene I was here..him kneeling and crying like a broken child. Nawala ang ngiti ko at binukod ng kirot sa dibdib. Kahit nakikitang kong masaya at nalilibang ang kambal, hindi pa rin nagbabago ang katotohanan na kilala na sila ni William, same with the kids too. He will claim them. He already did last night and Ill be waiting what will happen next.

Nang hindi ko na maibalik ang ngiti ay napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kalan. Nagsalang ako ng takore para tubig mainit. Hininaan ko lang muna ang kailan. Kinuha ko ang coin purse sa ibabaw ng refrigerator at saka tinawid ang ang mga laruan sa sala. Kasalukuyan kong binubuksan ang pinto nang bigla akong tanungin ni Earl.

"Mommy kailan babalik si Daddy namin?" in his small and innocent voice.

Napahinto agad ako. Changes. Changes.

I bit my lip. I closed my eyes and opened. Hinanda ko ang ngiti at saka nilingon ang anak. "Hindi ko natanong baby e. Tawagan na lang natin mamaya," nilapatan ko pa ng assurance.

"Pakisabi po Mommy, wait namin siya ah.." magalang niyang sagot sa akin.

I just smiled and nodded. Ayoko mang magsinungaling ay baka hindi ko iyon magawang tawagan at ayain ulit dito. "Okay. Bibili lang ako ng pandesal ah? 'Wag munang lalabas."

"Yes po, Mommy!" sabay nilang tugon sa akin.

Nang mabuksan ko na ang lock ng pintuan ay nagsuot na muna ako ng tsinelas bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Umapak na muna ako palabas bago ko napansin ang ilan taong akala koy mga kapitbahay ko lang. Pero nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan ko si William na tumayo mula sa plastic na upuan sa tabi ni Mang Boy na galing pa yata sa pakikipagkwentuhan ang dalawa. Binuhat niya ang dalawang brown bags mula sa sahig at nakangising nagsalita sa matanda. Hindi ko na iyon narinig dahil tinungo na niya ang kinatatayuan ako.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa gulat. Nandito na siya agad ng ganito kaaga? At may groceries pa yatang dala-dala. Nakakunot noo ko siyang tiningnan at tinanong. "A-anong ginagawa mo rito?"

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon