Chapter 34
Paula
Pagbalik sa mesa namin ay agad akong sinalubong ni Vergel at pinaghila ng upuan. Alena was eyeing me but returned her attenstion when William says something. My chest ached when I saw how closed they are from each other. But not theatened when I felt his lips awhile ago. Hindi ko na nga nakuhang mag-retouch ulit dahil sa kalabog ng dibdib ko.
Naghintay ako ng ilang minuto sa loob ng Ladies' room bago tuluyang lumabas. Thoughts of him occupied the space in my head. Iba't-ibang dahilan ang sumasagi sa isip ko. Pwedeng, selos? Baka nagseselos siya sa oras na nilalaan ko kina Earl at Sue. Pero hindi malinaw sa akin iyon. Bakit naman siya magseselos? Gusto lang niyang makipag-agawan ng oras sa kambal. Gusto niya lang sulitin ang binayad niya sa akin, that's it.
Bumuntong hininga ako at pinanatag na lang ang sarili. Mabuti na lang at walang nakapansin sa amin sa loob ng cubicle, iyon ang mas aalalahanin ko pa kung sakali.
Patapos na kaming kumain ni Vergel nang maramdaman ko ang vibration ng cellphone ko. Binuksan ko ang bag at kinuha. Lihim akong napasulyap kay William ng makita kong siya ang nag-text.
William: Your bank account number. I need it right now.
Me: Ang kulit mo naman!
Nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone niya. Binasa niya iyon. And typed a response with a poker face.
William: Magugulat ka na lang sa gagawin ko kapag hindi mo binigay.
Kumunot ang noo ko.
Me: Are you threatening me, Mr. Sullivan?
Nakita ko ang pagtaas ng mga kilay niya. He typed again.
William: I will kiss you infront of them if you still refuse.
Namilog ang mga mata ko at agad na nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa akin at mataman na nakikinig sa sinasabi ni Alena. Si Vergel naman at nakikipag-usap sa waiter na tinawag nito.
My heart pounded rapidly again!
Me: No, you don't!
"Ahmm..water please?" nahihiya kong hingi sa waiter. Nakangiti naman niyang nilagyan ang baso ko pero pinagpapawisan na ako ng malapot.
Binasa niya ang text ko.
"Sa'n nga pala ang bahay ng Ate mo, Paula? Pwede kitang ihatid." Untag sa akin ni Vergel.
"Sa Enclave Alabang lang. Kaya ko na namang mag-commute, salamat." Maayos kong tanggi.
"Malapit lang pala e, edi ihatid na rin kita para hindi ka na ma-hassle."
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Okay lang talaga. Saka ni-libre mo na ang lunch ko, nakakahiya sa'yo." Sigurado akong mahal din dito.
Napatingin ako sa cellphone nang mag-reply na.
William: Wag kang magpapahatid sa kanya.
Vergel chuckled. "That's fine. Sana maulit pa 'to para makabawi naman ako sayo kahit papaano. Matagal ko nang pinapangarap na malibre ka rin na hindi ko nagawa years ago."
That was sincere. Nginitian ko siya at nakaligtaan ng mag-reply sa ka-text. And I received another message.
William: There's no next time.
I heaved out a sigh. Hindi ko na sinagot ang text niya at hinarap na lang si Vergel. Kapag siguro nabalik ako ulit dito. I smiled at him. But were both struck nang hinawakan ako sa pisngi ni William at siniil ng halik!
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
General FictionSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...