Galacia 6:9
Chapter 39
Paula
Agad akong napahawak sa pader ng opisina nang mahilo. Pumikit ako at pinakalma ang sarili. Napahawak ako sa maliit ko pang tiyan.
Baby, wag mo munang pahirapan si Mommy ah. Kailangan kong mag-work para sa atin.
And suddenly—pero--palagi ko namang naaalala ang Daddy niya.
Kapag nagpakita na ulit ang Daddy mo, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.
Minulat ko ang mga mata at ang pag-aalala ay napalit agad ng inis at init ng ulo. Dahil hangang ngayon ay wala pa ring appearance ang bumuntis sa akin. Ano, baka sabihin na naman niya hindi siya ang ama ng nasa sinapupunan ko? Sisipain ko talaga siya!
Shit! Sobra talaga ako kung mainis ngayon at ayokong isipin na dahil sa buntis ako kaya minsan ay ang grumpy ko na. Shit!
Bumalik na lang ulit ako sa upuan at uminom ng tubig bago sumandal. This may calm me. Pero ilang segundo pa lang ako nakakapagpahinga nang mag-beep ang cellphone ko.
Quinn the devil: It's Friday! Alam u na ah? Sundo mamaya. :P
Kumunot ang noo ko.
Me: Si William?
For the nth time, hinanap ko na naman siya.
Quinn the devil: Busy pa. Pero malapit nang makauwi yun. Miss na miss ka na raw niya. <3
Naramdaman ko kaagad ang pag-init ng mukha ko. Ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. I bit my lip habang nakatitig sa text niya. Napasinghap ako at saka tinawagan ang numero.
Isang ring at sinagot na agad ni Quinn. "Hello? Paula? Whats up?" masayang sagot niya sa linya.
Hindi ako kaagad na nakasagot dahil parang nanginig na ang kalamnan ko at sobrang naiiyak na ako!
Thats when I started to sob in the line and tears flow on my cheeks. Sinubukan ko pang pigilan pero sumasakit lang ang lalamunan ko. Gusto ko lang..na umiyak sa frustration.
Dahil gusto ko na siyang makita. Marinig ang boses niya. Ang hawakan siya. Ang sabihin sa kanyang nagdadalang-tao ulit ako—pero hindi ko magawa dahil wala siya! At mas lalo akong napaiyak. Napasubsob na ako sa palad at doon binuhos ang nadaramang frustration sa buhay.
I heard him cursed. "Teka, Paula, uy! Bakit ka umiiyak dyan? May nang-aano ba sayo dyan?"
I gasped shakily. "N-nasaan ba t-talaga si William? B-bakit hindi pa r-rin siya b-bumabalik? Ha? Hindi ba niya alam na buntis ako? Wala ba siyang pakielam sakin? Sa mga bata?" and I sob again.
"Ay naku pambihira. Wag ka namang umiyak, uy! Ako malalagot nito e.."
"Sabihin mo sa akin kung nasaan yang kaibigan mo!" pakiramdam ko tumaas na ang presyon sa pagtatago nila. At nawawalan na ko sa tamang katinuan sa pag-iisip.
"Mahal ka nu'n, wag kang mag-alala."
Sandali akong natigilan. And his words attacked my feelings and I cried even harder and louder.
"Hala! Baka makasama sa iyo ang pag-iyak, Paula. Please calm down.."
Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto at magkasunod na pumasok sina Beth at Ayen na parehong may pag-aalala sa mga mukha. I even see a few of my co-worker peeking.
Nilapitan ako ni Beth ay hinimas ang likuran. "Paula anong nangyayari?"
Napalunok ako at pinunasan ang luha sa pisngi. "Ibalik mo si William sa akin, Quinn! Hindi ako titigil sa pag-iyak dito hanggat hindi mo binabalik si William." I warned him. Gusto kong bawiin pero parang kay dulas ng dila ko.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
General FictionSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...