Chapter 32
Paula
Niyakap ko nang mahigpit ang unang nahawakan ko at nilubog pa doon ang mukha. Ang sarap pang matulog. Ang lamig. Ang lambot-lambot ng kama at ng kumot. Sarap sa pakiramdam. I was so tired yesterday night, sa trabaho at naglaba pa ako ng mga damit naming mag-iina, walang mag-aasikaso no'n dahil na kay William ako—wait!
Agad akong napadilat nang maalala ang nangyari kagabi—I mean, ang alam ko walang nangyari dahil nakatulog ako sa byahe—tapos ngayon nakahiga na ako sa kama niya!
Napabalikwas ako ng bangon. I'm alone but..paano ba ako nakarating dito? Pagod na pagod ako kahapon kaya tinulugan ko ang byahe tapos..tapos..hindi na nila ako ginising? Ibig sabihin binuhat ako?
Tiningnan ko kaagad ang damit na suot-suot ko. Namilog ang mga mata ko. Iba na rin ang suot ko! At hindi sa akin ito ah! It's his white Vneck shirt. Amoy niya ito e. Sinilip ko pa ang loob—wala akong bra! Tinanggal ko ang kumot sa ibabaw—panty lang ang suot ko! I nearly gasp but I'm not freaking out. Napakamot na lang ako sa buhok dahil sa walang maalalang binuhat at pinalitan niya pala ako ng damit. Kainis.
Dahil tanghali na rin ay bumangon na rin ako para makapaligo na. Maaliwalas sa labas. Pagkalapag ko palang ng mga paa sa carpeted floor ay siya namang bukas ng pinto. Tumambol agad sa pintig ang puso at napahila sa damit niyang hindi umabot sa pwitan ko. Sa akin agad siya nakatingin at nakakunot ang noo. Hinila ko pa ng kaunti ang dulo ng damit, but I almost groaned nang sumisilip naman ang cleavage ko! Anak ng footspa oh!
Pasimple ko pang tinaas ang kamay para ipantakip sa bumabakat sa dibdib ko.
Nakatingin lang siya sa akin kahit nong sinasarado na niya ang pintuan. He looked fresh. Palagi naman. He's wearing a powder blue Tshirt na bahagyang humahapit sa dibdib at abdomen niya at tinernuhan ng itim na boardshorts. He's on his usual slippers which shown his clean toes. Mamula-mula pa kahit hindi naman bagong linis. Ang balahibo sa kanyang mga binti ay parang ang sarap hawakan.
Talaga ba?
Napailing na lang ako at nilimot ang itsura niya sa utak.
"Good morning. Breakfast?" mababang tonong boses niya.
Nag-angat ako ulit ng tingin sa kanya. Bumaba iyon sa ilalim ng isang mata niya. Nagtagal ang tingin ko roon. Hanggang sa napakunot na ako ng noo.
"Pasa ba yan?" curious kong alam sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin, bahagyang ngumuso at nagkamot ng sintido niya. "uhuh.." simpleng sagot.
Tumayo na ako at nilapitan siya. Lumapat din ang mga mata niya sa akin. Particular sa katawan ko. But I looked closely at his faded bruise beneath his eye.
I softly stretched his cheek and check. Napansin ko rin sa malapitan ang tuyot na sugat sa labi niya. "Sa'n mo nakuha 'yan?"
Gumalaw ang adams apple niya at kinagat ang ibabang labi. Hindi ko malaman kung nahihiya ba ito o natatawa.
Kinamot niya ang ulo. "Napa..away lang." Halatang umiiwas sa akin.
"Napaaway ka? Bakit?"
Kunot-noo niya akong tiningnan at saka namulsa. "Wala lang. Nakainom."
"Ano ka? Kung kailan tumanda saka ka pa nakipagbasag-ulo?" nakainom lang nakipagsuntukan na.
Napakamot na naman siya at ulo niya at pinipigil mangiti. "It was my fault. Ayos na naman.." tiningnan ako sa mga mata.
"Bati agad?"
Tumaas ang dulo ng labi. I heard a very soft chuckled. "It was just a petty things. Never mind it," and he licked his lips. Nabasa rin ang sugat.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
General FictionSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...