Chapter 23
Paula
Nag-angat ako ng tingin sa konduktor nang may sinigaw itong babaan na lugar. Binuksan niya ang pinto at may ilang nagtayuan na para makababa sa destinasyon. Nilingon ko ang bintana at dinugaw ang kalsada kung nasaan na ako. Magdadalawang-oras na akong nasa byahe. Noong unang beses kong napunta sa tinitirhan ko ngayon ay mas mabilis ang binayahe namin ni Art, siguro dahil nasa pampasaherong sasakyan ako ngayon kaya may kaunting paninibago. Pero, baka naman sa pag-aalala kaya ako parang sinisalaban sa puwit at hindi ako mapakali.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag, may text ulit ako galing kay Art.
Art: Nasaan ka na?
Kada trenta minutos ay tinetext niya ako kung saan na ako nakakarating. I texted him the street signs and he’d adviced me kung ano’ng susunod na lugar na madadaanan ko.
Hindi ko na rin tinatawagan si ate, I told her na babyahe ako kinabukasan pauwi ng manila. Hindi ko muna sinama ang mga anak ko at pinasuyo kay Art. He’s volunteered though. Hindi na ako umangal pa para makaalis na din ako. Though, I had a hard time na makapagpaalam kina Earl at Sue.
Hindi ko rin kasi sigurado kung anong oras ako makakauwi mamaya o baka kinabukasan na. Nagsisikip ang dibdib ko sa tuwing naalala si tatay. I prayed silently. I knew, we will see each other again.
Hindi rin ako nakatulog kagabi. Saglit lang ako nakapahinga at gumising agad nang maaga. Art slept in my apartment too.
Ilang menuto pa ay narating ko nang bababaan ko.Nakipagsiksikan na ako sa ibang pasahero para makasakay agad ng taxi. Tumabi ako sa gutter ng kalsada at kinaway ang kamay sa paparating na taxi, nang makita kong bumagal ang takbo nito at hihintuan ako ay naagaw ko nang pansin ang isang seksing babae na mukhang uunahan pa ako sa pagsakay—kaya tinakbo ko iyong taxi at bahagya siyang tinulak,’buti na lang ay hindi siya tumalsik though napamura, “Sorry!” sabi ko na lang at binuksan ang pinto ng taxi. Agad kong sinabi sa driver ang village nina Kuya Oliver.
Nalamigan ako sa loob ng taxi kaya saka ko lang napansin ang tagaktak ng pawis ko nang manuot iyon sa aircon ng sasakyan. Binuksan ko ang bag at naghanap ng panyo, pero wala akong mahanap. Natigil ako, hindi ba ako nakapagbaon? Never mind. Palad na lang ang ginamit kong pamunas sa noo ko at leeg. I only have with me my shoulder bag and nothing else. I don’t even have any clothes to change. Ang focus ko lang ay ang makauwi ng maynila.
It took me 45 minutes, kasama na roon ang traffic nang makarating na ako sa Enclave. Nang sabihin ko lang ang pangalan ko ay pinadaan din kami ng guard pagkatapos ay inangat nito ang receiver ng telepono. I closed the window and took a deep breath. Habang palapit nang palapit sa bahay nila ate mas lalo akong napupuno ng luha ang mga mata ko. Hindi ko alam kung sa pagka-miss ba o sadyang sobra-sobra ang takot na nararamdaman ko kapag nakita na sila.
“Sa tabi na lang po, Manong..” kalabit ko sa driver nang makita ko na ang bahay nila.
Pero hindi naparada ang taxi sa tapat ng bahay dahil may tatlong magagarang sasakyan na roon ang nakaparada. Inabot ko ang bayad at hindi na hiningi pa ang sukli. Kaya sa pagbaba ko ay narinig ko na lang pasasalamat ng taxi driver. But I still managed to give him a quite smile.
Nanliliit ako nang madaanan ang tatlong sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay nila. Hindi ko naman maalala kung lahat ito ay kay Kuya Oliver. May mga sasakyan din iyon, car racer iyon dati kaya alam kong may taste iyon sa mga luxury cars.
But another man popped in my head who has a another luxury car way way back. And I threw that away from my head.
Nakabukas na ang front door kaya hindi na ako nakakatok pa. Lalo na nang makita ko kaagad si Kuya Oliver na nakatayo sa baba ng hagdanan ay kausap ang isang nakaputing polo na lalaki. Kumalabog na naman ang dibdib ko at parang may mga batong nakaharang sa lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
General FictionSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...