Chapter 5
Paula
Despite the nervous and almost a heart attack, I spent my night and midnight cleaning the house. Kahit ang kwarto ni ate Melody ay nilinis ko na rin kahit hindi n'ya binilin sa akin. The last time we talked, tatawagan daw nila si Tatay sa Dubai, a video call para ipakilala si Oliver, but I even heard on the line that Oli--Kuya Oliver suggested na puntahan na doon si tatay. I can't help but to agree with him. He has a point.
Tinext ako ni ate bago pa ako makatulog.
Ate: Okay lang matulog kami d'yan? Hindi ko na itutuloy kung hindi ka kumportable. Textback.
Napangiti ako. Kinuha ko ang spare pillow at niyakap habang nagta-type ng reply sa kan'ya.
Me: Tumuloy na kayo rito. Sayang naman paglilinis ko sa kwarto mo.
Inexit ko ang messenger at binuksan ang social media account ko. Nakita ko sa facebook ang bagong friend request sa akin--William Drei Sullivan-sent me a friend request!
Muntik pa akong mapabangon nang makita ang pangalan n'ya at litrato sa profile n'ya. Well..I just accidentally clicked his name.. half of me was lying.
Kailan ba ako huling nagbukas nito? Ilang araw din yata. Kailan n'ya ito ni-send sa akin? Bago ba n'ya ako alukin o pagkatapos?
Wake up Paula! Why so many questions? I reprimanded myself.
Tiningnan ko ang profile n'ya. We have common friend, si Kuya Oliver. He has a few number of friends, mahigit isang daan lang. Wala s'yang post kahit isa sa timeline n'ya maliban sa mga litratong naka-tag s'ya, pero iilan lang din iyon at hindi lahat ng litrato ay kasama s'ya.
There was one picture that caught my attention. Nasa loob iyon ng bar-pero hindi sa peyton, a different bar. Beside him is a very pretty woman. An angelic small face, mahaba ang straight na buhok at makurba ang katawan. Nakaakbay sa kan'ya si William at genuine ang ngiti sa labi ng bawat isa. Marami ang naka-tag na kasama kaya hindi ko siguro kung ano'ng pangalan n'ya.
Natigilan ako. "Bakit gusto kong malaman?" Takang tanong ko sa sarili. Eventually, I dismissed the topic and returned my attention sa request n'ya.
Napanguso ako. Alam kong dapat ay hindi ako nagdu-dwell sa isang bagay na ito kaya lang, parang may tumutulak sa akin para pansinin s'ya. I already cut our connections by turning down his offer, why would I even bother to this, right? Kaya sa huli, hindi ko na iyon in-accept pa, hindi ko rin dinelete.
ate: Is it okay with you?
Ay, pault-ult? Me: I'm fine with that, ate. No big deal anymore. Kung masaya ka sa kan'ya, masaya na rin ako para sa'yo. Si tatay ang problamahin n'yo 'wag ako.
Wala akong pasok kinabukasan kaya wala akong ibang inasikaso kundi ang pagluluto ng pananghalian. Ang sabi ni ate ay sasabay na silang magla-lunch dito kaya dinamihan ko ang luto ng sinigang na bangus sa bayabas, paborito ni ate at porkchop--kung sakaling hindi mataypan ni Kuya Oliver ang sinigang. Sinalang ko ang kanin sa rice cooker kaya sa sala na lang ako naghintay at nonood ng TV.
Napaigtad ako nang makarinig ng kalabog sa labas ng pinto. Tumayo ako at hinawi ang kurtina para silipin, wala namang tao. Kaya binuksan ko na ang pinto, wala pa rin akong taong nakita sa labas. Hindi kaya pusa lang? Nagkibit-balikat ako at tumalikod na nang makita ko ang basag na paso sa ibaba ng bintana. I bit my lower lip and chest pounded wildly when I found a foot prints sa tabi ng paso. Ang dereksyon ay paalis, palayo ng bahay namin.
May sumisilip sa bintana!
I swallowed. Sa kaba ay pumasok agad ako sa loob at ni-lock ang pinto. Tumaas baba ang dibdib ko sa sobrang pintig nito at alaala sa nagdaang gabi ang pumarada sa takot kong isip. Was it them? Binabantayan ba nila ang bahay dahil may binabalak na masama sa akin at wala akong kasama? My hands trembled at halos takbuhin ko ang remote control ng TV para hinaan ang volume. Nagpa-panick ako dahil sa matinding takot. I have never been scared all my life not until last night and today.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
Fiksi UmumSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...