Chapter 3

76K 2.1K 198
                                    

Chapter 3

Paula

Goosebumps. Natulala ako sa kan'ya habang nakatingin s'ya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at awang ang labing nakatunghay sa kan'ya--g-go talaga e 'no? Uminit ang mukha ko. Nasusunog na yata sa lumabas sa labi n'yang pulang-pula. Ilang sandali kong inulit-ulit sa isip ang huling sinabi at sinuguradong hindi ako nagkakamali.

He wants me..he said likes me? And he asked me..he offered me--g-go!

Nang mahimasmasan ay dinampot ko ang tinidor at tinutok sa kan'ya.

"Woah.." He uttered pero hindi man lang nasisindak sa ginawa ko.

"Ulitin mo nga 'yang sinabi mo? Gusto mo kong..gusto mo kong gawing kabit mo?!" Medyo napalakas ag boses ko kaya ang katabing mesa namin ay agad napatingin sa akin. Mas lalong uminit ang mukha ko lalo na nang nakatutok ang tinidor kay William. Habang s'ya ay nakakunot lang ang noo at walang pakielam?

Ako pa yata ang nahiya dahil sa lakas ng boses ko at--nabanggit ko ba ang kabit? Tngina.

Tumikhim ako at binaba ang tinidor. Umayos akong parang walang nangyari pero binigyan ko s'ya ng matalim na tingin. "Sira ulo ka talaga!" Mahina pero nangigil kong sabi sa- kan'ya.

Dumkwang s'ya at ngumisi sa akin. "I told you, dapat sa pribado tayong lugas nag-usap, ang bayolente mo," And he winked at me! Putsa!

Masama ko s'yang tinitigan na para bang may umuusok na sa ulunan ko. Kinuha ko na ang gamit ko at walang salitang nilayasan ko s'ya sa mesa.

"Hey," He calls me but I didn't look back. Manigas ka sira ulo!

Lumabas ako ng kainan na iyon at dere- deretsong pumunta sa sakayan ng jeep. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit at iritasyon samahan pa na-offend ako sa inalok n'ya. I want you to be my woman..in bed. It keeps on repeating in my head na parang sirang plaka. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakaranas magkaroon ng intimate na relasyon sa lalaki. Tapos ngayon ay may mang-aalok sa akin ng ganoong sitwasyon?

Hindi ako old-fashioned na uri ng babae pero hindi rin ako easy-to-get! Hindi ako palaging on-the-go na parang kahit sinong lalaki ay papatulan basta gwapo. Choice ko ang habulin si Oliver dahil mahal ko s'ya at iyon pa ang unang beses na gawin iyon! At hindi rin pumasok sa isip ko ang gawin iyon sa kan'ya kahit na ba crush na crush ko s'ya. Pero itong narinig ko sa walanghiyang William Sullivan na 'yan, nanggagalaiti ang lintid ko at gusto ko s'yang sapakin sa mukha!

Huminto ako sa stop lights at naghintay ng jeep--nang may humablot sa braso ko at hinila ako paalis doon.

Nakilala ko ang likuran n'ya kaya pilit ko ring hinila pabalik ang braso ko. "Ano ba! Bitiwan mo nga ko!"

Pinagtitinginan kaming dalawa. Hindi n'ya ako sinagot hanggang sa pinagbuksan n'ya ako ng pinto at binalingan. "Sakay," Utos n'ya.

Matalim ko s'yang tiningnan. "Ayoko!"

Umigting ang panga n'ya. "Isa,"

Namilog ang mga mata ko. "Sino ka para takutin ako nang gan'yan? Hindi ako sasama sa lalaking tulad mo! G-go!"

Mariin s'yang pumikit na parang nauubusan ng pasensya--at s'ya pa ang makapal ang mukhang maubusan ng pasensya?

Nang tingnan n'ya ako ulit ay nawala na ang mabagsik n'yang tingin sa akin. He heaved out a sigh.

"Just, get in. Ihahatid na kita sa inyo, at hindi rin kita tatantanan hangga't hindi ako nag-uwi sa'yo."

Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil hingal at sama ng loob. He got to be so annoying but sometimes..I felt the chivalry in him. Something that made my mind--confused?

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon