Chapter 28
Paula
"Kasi naman e.." naibulong ko sa sarili dahil sa inis. Umagang-umaga pero ang pinoproblema ko ay itong pajama na pinunit niya kagabi. Suot ko na ngayon ang pang unang araw ko rito, maong skirt na abot sa tuhod ko at three-fourth sleeve shirt. Medyo kinabahan pa ako kanina sa banyo dahil namumula ang ibabang parte ng dibdib ko pati ang paligid ng tuktok, he gave me hickeys! Pati sa leeg ay mayroon din. Kaya mas kailangan ko ng mas conservative na blouse para maitago pati iyong balikat ko.
At ngayon, namomoroblema ako sa pajama ko. Naghanap ako ng sinulid at karayom dito sa kwarto niya, wala naman. Kung hindi ko matatahi ito, itong palda ang susuotin ko mamaya. Pisting lalaki iyon.
Binaba ko ang punit-punit na pajama sa ibabaw ng kama. I was biting my lips. Nahihiya kasi akong lumabas at makita ng mga kasambahay niya. Ano kayang iniisip nila sa akin?
Babae niya syempre!
Napapikit ako at bumuntong hininga. Tinawagan ko na kanina ang cellphone ni Beth. Nakuha ko na sina Earl at Sue. I miss them already. Sa ganitong oras ay pinaghahanda ko na sila ng almusal tapos bandang hapon ay papasyal kami sa pinamalapit na mall para makapaglaro naman sila roon, sa Arcades o sa mga play station. Kahit isang oras lang ay nagsasawa rin naman ang mga iyon.
I smiled tiredly. He really ruined my life now.
Lumabas ako ng kwarto at nagbabakasaling may mahahanap na sinulid at karayom sa baba. Kailangan ko talagang magtanong sa kasambahay kung mayroon sila.
Nasaan kaya iyong lalaking 'yon? Paggising ko ay hindi ko na nakita. Nasa puno na ako ng hagdanan nang mapahawak sa tiyan. "Nagugutom na ako.." bulong ko.
Walang tao sa sala. Bumaba ako at hinanap ang kusina niya. When I get there, walang nakahain sa lamesa niya. Wala ring tao. Nagpalinga-linga ako. Maaga naman akong nagising..bakit walang..hindi bale na nga. Gutom na ako. Pwede naman sigurong maghanap ng makakain 'no?
Kaya kahit wala iyong may-ari ng bahay ay tinungo ko ang fridge niya at naghanap ng maluluto. Im impressed. He got it full. Hindi mahulugang karayom ang fridge niya ah. Kumuha ako ng hotdog, itlog at spam. Sinilip ko ang rice cooker niya, may natira pang kaning lamig. Dinurog-durog ko iyon para maisangag ko. Nagpaikot-ikot pa ako sa kusina niya para mahanap ang kutsilyo at chopping board. Nakita ko iyon sa isa sa mga drawers.
Spacious ang kitchen pero hindi kalat-kalat ang mga kasangkapan.
I scrambled the eggs, sinasaw ko roon ang hiniwang spam at saka nilagay sa pan. Sa counter island naman ay binuksan ko na ang coffee maker. I was a little off sa paggamit ng appliances. Nangangapa kasi ako. But in the end, nagtatagumpay din ako.
Binaligtad ko ang spam at saka sinimulang maglagay ng mantikilya sa kabilang kawali. Naggisa ako roon ng bawang at sibuyas, Earl love my sinangag dahil sa sibuyas. Ganoon na rin ang ginawa ko rito. Hininaan ko ang apoy sa spam at saka hinango ang naluto na. I put another batch at saka ko binalikan ang sinangag. May nakita akong green peas at carrot sa fridge niya, naghiwa akong maliliit na carrot at sako hinalon sa sinangag.
Nang matapos ay pinatay ko muna ang apoy sa spam saka ko hinango at nilagay sa plato. I did the same sa sinangag ko. Nilagay ko iyon sa lamensa at saka ako kumuha ng mga plato at kutsara. Binalikan ko iyong coffee maker at nagtimpla para sa dalawa. I put a creamer on my own, black naman sa isang tasa.
Tiningnan ko ang mga nagawa. Nilingon ulit ang paligid, maging ang bintana. Imposible namang wala siyang kasambahay dito.
Pero nagkibit balikat na lang ako. But then, nagdalawang isip pa ako kung hahanapin ko ba siya o kumain na lang ako mag-isa. E, bakit dalawang kape ang tinimpla ko? Damn.
BINABASA MO ANG
Fiery (Boy Next Door #4)
General FictionSynopsis: Naging bulag si Paula para sa tinuturing n'yang 'pag-ibig' kay Oliver Montejo. Pero gano'n na lang pagbagsak ng mundo n'ya nang malaman na pinakasalan nito ang ate n'ya. She was devastated and surely heartbroken, at sa gitna ng pighati ay...