Chapter 20

66.1K 2K 351
                                    

Chapter 20

Paula

Inalalayan ako ni Art mula sa pagbaba sa sasakyan niya hanggang sa iwanan ako sandali sa tapat ng gate ng compound para isunod ang bag ko. Madilim ang langit, mag-aalas kuatro pa lang ng hapon pero ang kulimlim ay pang alas-sais na.

Sinulyapan ko ang nayuyuping kulay asul ng gate ng compound. Vandelism was painted. Names and lettering that I can't figure. It was a single gate, pero sabi ni Art ay may anim na bahay ang nasa loob no'n.

Nilapitan niya ako at nginitian.

"Tara?" aya niya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

He has a key. Kilala raw niya ang may-ari nitong compound kaya't isang tawag niya lang ay nakuha niya ako ng isang apartment. Natutulala ako. Iniinda ang pasa sa panga at sugat sa noo kaya tumatango na lang sa tulong na kaya niyang ibigay sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ay agad napatingin sa amin ang isang matandang lalaking nagpapaypay na nakaupo sa labas ng bahay nito. Ginamit ang tungkod niyang pangturo sa amin.

"Arthuro ikaw ba 'yan?" inayos niyang maigi ang reading glass na para bang hindi makapaniwala.

Huminto sandali si Art at nginitian ang matanda, pero bahagya akong nagulat nang malakas na boses siyang sumagot sa matanda.

"Oho, Mang Boy!" pasigaw niyang sagot.

Tumango ang matanda, pagkatapos ay binalingan ako. Pinasadahan pa ako ng tingin. "Nag-asawa ka na ba? Aba'y kay gandang dalaga nito ah, Bernadeth! Halika rito—nandito na si Artruro!"

Sarado ang karamihan na pinto sa mga bahay. Hindi ko pa alam kung alin dito ang tutuluyan ko, bukod sa patay pa ang mga ilaw ay tahimik din.

"Nasa'n, nasa'n!" isang hinhihingal na boses ang narinig namin mula sa loob ng bahay na iyon. Napatingin ako sa katapat nilang pinto nang bumukas iyon at may lumabas ang isang ginang.

"Arthuro! Aba, naligaw ka?" lumabas ang tinawag niyang Bernadeth. She was wearing a large men t-shirt, though she has a large figure, malaki pa rin para sa kanya ang suot na damit pang-itaas. Siguro ay american size iyon kaya kahit malaki na ang katawan, mabilog ang tiyan ay malaki pa rin ang damit sa kanya.

Bernadeth has a pleasant-sweet smile. Napakalaki at genuine ang ngiti niya nang makita si Art at ako. May curiosity sa mga mata niya pero hindi naman siya bulgar na nagtanong kung sino ako at bakit ako kasama ni Art.

Nagkamustahan si Art at Beth, pagkatapos ay hinayaan na nila kaming tumuloy sa apartment. I felt like it was a small community. Ramdam ko ang pagsunod nila ng tingin sa akin. I was so conscious that time. Alam kong nakikita nila ang pasa sa mukha ko at gasa sa noo, pero wala akong pag-uusisang narinig. Though a small province like this, walang balitang hindi kakalat sa buong barangay.

Ang pintong binuksan ni Art ay iyong nasa sentro ng compound. Mala-eskenita ang daraanan pagkatapos makapasok sa gate.

Sa harap ng pinto ay ang likuran ng hagdanan. Maliit lang ang sala, hindi rin nalalayo sa kusina. Siguro ay nasa lima hanggang anim na hakbang lang ang distansya. Ang sahig ay sementado na nilapagan ng renolyum. Kulay puti ang pintura sa dingding, at maliban sa kuwardernong may bible verse, wala nang kahit na ano pang dekorasyon sa loob.

"Pasensya ka na, maliit lang 'tong apartment. Hahanapan kita ng iba pero pansamanlatala ay dumito ka muna, ma'am Paula." hinging dispensya niya sa akin. Binaba niya ang bag ko sa square na lamensang malapit sa lababo. Ang isang timbang may takip ay nasa tabi lang din ng lababo.

Nahihiya ko siyang nginitian. O baka mula kanina ay ngayon ko lang siya nangitian. "Maraming salamat, Art." halos walang boses ang lumabas sa akin. Maybe for now, that's all I can give. Napapagod pa rin sa haba ng binayahe namin.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon