Chapter 21

64.3K 1.9K 506
                                    

Chapter 21

Paula

Present day.

Napaigtad ako sa gulat nang marinig ang matinis na sigaw ng anak ko. Muntik ko pang mabitawan ang tinatabi kong damit sa closet dahil doon. From the she screams, malamang nakarating na ulit si Art galing manila. Dahil tuwing napaparito iyon, ganito palagi ang eksena ng mga anak ko. Excited at sigaw ng sigaw. Minsan na kasi nila nakikita si Art. His job really ate his time, but I swear, ako ang napapagod sa lingguhan niyang byahe para dalawin kami. He was looking for local aircraft services but his fate was in manila. I guess.

Sinarado ko ang pinto ng closet at binisita ang sarili sa salamin. Tiningnan ang magkabilang tainga, nang makita ang nakaligtaan ay inabot ang hikaw sa tabi ng pabango ko at nagmamadaling sinuot sa akin. Okay na ako sa lipstick ko at kaunting powder, when I was totally done, kinuha ko na rin ang shoulder bag ko sa ibabaw ng tokador at tinungo ang hagdanan.

Mas lalo kong narinig ang sweet na giggle ni Sue, nasa pintuan sila kaya hindi ko kaagad nakita. Pero nang makarinig ng maliit na ungol ng aso ay kumunot ang noo ko.

"Thank you, Papa Art!" she said.

Pagkababa ko ay nakaabang na agad ang mga mata ni Art sa akin. Maybe he anticipated because of my footsteps. Tumayo nga mula sa pagkaka-squat at namulsa habang sinandal ang gilid ng balikat sa hamba ng pintuan. He got that boyish smirked look at me. He knew would be my reaction dahil sa puppy na dinala niya. Tinaasan ko siya ng kilay. He smiled even wider.

"Mommy, binili kami ni Papa ng dog!" lumapit sa akin si Sue at kay laki ng ngiti habang nakataas ang mga kamay sa sobrang tuwa. Her long straight brownish hair jumped together with her.

Nginitian ko siya, pero nang makita ko ang asong tinutukoy ay halos maiwan sa ere ang labi dahil isang chow-chow ang inuwi sa kanila ni Art! Akala ko ay nagbibiro lang siya na gan'yang breed ang bibilhin niya—mahal ang ganyan hindi ba? Pang mayaman na aso. Naka-squat din si Earl sa harap ng cute ng aso at hinahaplos-haplos ang balahibo nito. Tumakbo pabalik doon si Sue at ginaya rin ang kapatid.

Bumuntong hininga ako at humalukipkip. Tiningnan ko ulit si Art, napakamot na lang siya sa buhok niya at nangingiting tiningnan ako.

"Tuwang-tuwa naman ang kambal, Pau. 'Wag ka na manermon,"

"Gumastos ka na naman." Iniiwasan ko na nga na gumastos siya para sa aming mag-iina. I was saving for us, at ayokong palagi siyang naglalabas para sa akin, sa kambal. Lubos-lubos na akong nagpapasalamat sa mga tinulong niya sa amin. Kamuntik na nga siyang hindi makakuha ng trabaho alang-alang sa amin.

He pouted. "Wala lang 'yan. Investment,"

Kumunot ang noo ko. "Investment?"

"Oo. Investment sa kaligayahan nina Earl at Sue, that's just a simple gift, Pau. Never mind the price or whatsover. Papasok ka na ba sa trabaho?" pag-iiba niya sa usapan namin.

Napailing na lang ako. Ngayon ay may investment pa siyang nalalaman ah? "'Yan ba ang natutunan mo sa pagpunta-punta sa mga bar?" teasing him. Lumapit ako sa lababo at naghugas ng mga kamay. Pagkatapos ay nagpunas sa tuwalyang nakasabit sa handle ng fridge.

"Liwaliw lang 'yon, walang mai-investment do'n. Sige, ako na munang bahala sa mga bata." pumasok siya loob at naupo sa harap ng tv, kinuha ng remote at binuhay iyon. Naghubad din siya ng jacket at sinampay sa armrest ng inuupuan. Ginawang busy ang sarili sa panonood para hindi ko matukso.

Bahagya akong nangisi. He really matured now. Not that he wasn't before, but for the years that we've known each other, he think really quick and decides based for the good of other people. Kung minsan nga ay nagwo-worry na ako at baka wala na itong tinitira para sa sarili. Worries and aches were with me during my first couple months I was accepting his help without any choices. Sina Art at Bernadeth ang kasa-kasama ko sa apartment palagi. Walang pera, dumating din iyong araw na halos wala na akong makain kundi crackers at tubig gripo na lang.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon