Chapter 22

64.2K 2K 315
                                    

Chapter 22

Paula

Natigil ako sa pagta-type nang malingunan ko ang maliit na opisina ng boss namin sa agency. Hindi lang naman ako ang nakakapansin pati ang ibang katrabaho ko. Mula kaninang dumating siya ay may kausap na siya sa cellphone at parati na itong napapahilot sa noo niya. Ang naririnig kong bulungan ay mukhang taga-city hall ang kausap at may kaugnayan sa memo'ng nakapaskil sa labas ng palengke.

Kahit ang mga staff sa barangay center ay bumisita na rin rito iparating ang balitang iyon sa amin.

Na magsimula na raw kaming magligpit-ligpit ng mga gamit at lumipat muna pansamantala.

Nalipat ang tingin ko kay Beth nang bumagsak ang mga balikat niya at malalim na bumuntong hininga. Kaalis lang ng isang aplikante at nasa examination room na.

"Bakit naman nataon pa 'tong renovation nila, kung kailan marami ang gastos ngayon." sumimangot siya at matamlay na pinagsama-sama ang mga papel sa desk niya. Nasa kabilang lamensa lang siya kaya kitang-kita ko ang problemado niyang mukha.

Sinave ko lang ang ginagawa ko at kinausap niya. "Siguro man nilaan silang lilipatan kaya biglaan ang paglilipat," kahit ako ay nakaramdam din ng pangamba sa balitang iyon. Tulad nila, ayoko ring mawalan ng trabaho kahit sabihin nilang pansamantala lang iyon. Dito lang ako kumukuha ng panggastos ko sa bahay at sa mga bata. Lalo pa at sa pasukan ay kinder na sila. Ilang taon lang ay tatapak sila sa elementarya, high school at college! Dalawa pa iyon at paniguradong malaking gastos. Ngayon pa lang ay maaga ko na iyong pinaghahandaan dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako malakas para makapagtrabaho.

Nilingon ako ni Beth at nginusuhan. "Buti nga kung gano'n. Sa bagong gawang muli-purpose hall ililipat ang barangay center, hindi na tayo pwedeng makisilong doon,"

Napaawang ang labi. I was scared pero ayokong idagdag pa iyon sa agam-agam nila. I was about to share my thoughts pero natigil ako nang lumabas sa opisina niya ang boss namin at huminto sa gitna, she looked at us, para bang pinasadahan ang lahat kung nakukuha ba ang atensyon.

I can't deny the loaded of stress in her eyes and on her face. Ang lahat ay natigil sa kanya-kanyang ginagawa. Pati ang pag-iinterview sa mga aplikante ay natigil din. Kabado ang mga empleyado at ang mga aplikante ay walang nagawa at hustong hinintay na lang din ang maririnig.

Bumuntong hininga siya at mahigpit na hinawakan ang cellphone. "Nasa'n 'yung iba?" seryoso niyang hanap sa iba.

"Nase examination room lang po, ma'am—tawagin ko lang po," presinta ni Ayen.

Pagbalik ay kasunod nito ang kulang na empleyado. Bumalik sa kanya-kanyang lamensa at lahat ay tumahimik na ulit.

"Okay..ayoko nang pahabain pa 'to, pero..sakop ng memo galing sa city engineer ang lupang kinatitirikan ng opisina natin,"

Walang nakapag-react agad sa binalita ng boss namin. Para kasing kanina pa lang ay alam na namin ang masamang balitang iyon.

Nilibot niya ang mga mata sa amin at bumuntoong hininga ulit. "Nakiusap na ako na 'wag na tayong paalisin dito, pero kahit ang city hall daw walang kontrol sa memo'ng lumabas.."

Nagtaas ng kamay si Ayen. "Pa'no nangyari 'yon ma'am? 'di ba ay legal naman ang palengke at nagbabayad din tayo ng renta sa kanila?"

Tumango siya. "Ang sabi kasi ay renovation lang gagawin. I-expand ang palengke—meaning palalakihin, palalawakin kaya kasakop tayo sa matatapyas na lupa. Nasabihan na rin sa kabila na, magsimula na agad tayong maglipit dito dahil itong lupa ang unang gagalawin. Ngayong araw nga ay nagliligpit na sila at lilipat sa multi-purpose hall, so tayo..kailangan na ring magligpit-ligpit. We can accomodate the applicants today, pero bukas ay magliligpit na tayo."

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon