Chapter 15

67.7K 1.7K 151
                                    

Chapter 15

Paula

Napapakagat ako sa sariling labi habang pinagmamasdan si ate Melody na iniinspeksyon ang townhouse na inaalok sa amin ni William. Nakataas kasi ang noo niya at may pahawak-hawak sa mga kagamitan na para bang tinitingnan kung may dumi o wala. Nakakatawa naman kung ganoon nga. Ang sungit kasi ngayong tingnan ang ate ko habang tinitingnan ang buong bahay. Si Kuya Oliver naman ay tumitingin-tingin din pero madalas ay nakasunod lang sa asawa ang mga mata at paminsan-minsang ngumingiti.

"Paula," biglang tawag sa akin ni ate.

Lumapit ako sa tabi niya. She's looking at the window, I gulped, the same position where William hugged and pushed me on the bed. Sumikdo kaagad ang puso ko at mabilis na pumikit para iwaksi ang mga naalalang eksena dalawang araw na ang nakakaraan.

"Ate?" kabado kong sagot sa kanya.

Humalukipkip siyang nilingon ako. She's not smiling either. Tinitigan niya ako sandali at saka bumuntong hininga. "Madalas kitang kakamustahin dito,"

Napatitig ako sa kanya. What's that mean?

Pigil akong ngumiti. "P-Pumapayag ka nang lumipat ako rito?" may bahid na ng excitement ang boses ko. Tumabingi ang mukha niya at agad na nakuha ang saya sa tono ng boses ko.

"Excited?"

Inikot ko kaagad ang mga kamay sa braso at naglambitin. "Thank you, ate! Love mo talaga ako," ngiti kong lambing sa kanya.

Ngumuso naman siya at pabirong pinanliitan ako ng mga mata. "Pero off limits 'yang boyfriend mo ah? Baka gabi-gabi na 'yong pumunta rito, sandali ka lang naman pinag-istay ni tatay hanggang sa maayos ang sa bahay natin."

Naintindihan ko ang sinabi niya. Mula sa Dubai ay nalaman na ni tatay ang insidenteng nangyari sa bahay namin. Hindi naman nagalit si tatay sa agarang pag-aasawa ni ate, tanggap na tanggap pa nga si Kuya Oliver, pero pagdating sa akin, nang sinabi ni ate na may boyfriend ako ay nagpasabi itong gusto agad makilala si William kahit sa video call lang. Si Kuya Oliver daw ang nagpaliwanag ang tungkol sa townhouse, pero napapayag niya ito na tumira ako rito.

Doon ako napabilib sa kanya. Pero kung sabagay, sobrang lapit lang naman talaga nitong titirahan ko sa bahay nila. Kaya siguro pumayag na rin ang tatay namin.

Tumango na lang ako sa kanya at nanahimik. Part of me, feels so guilty. But another part of me feels so free and I wanted to span that freedom 'till it lasts.

"Where's your boyfriend?" tumayo si Kuya Oliver at sumandal sa hamba ng pintuan. "I admit, he has a keen eyes for architecture, ha?" pinasadahan niya ng tingin ng kwarto. "Very wide bed,"

"Oliver.."

Tinambol ang dibdib ko. Naramdaman ko naman ang warning sa boses ni ate.

Tinaas ni Kuya Oliver ang dalawang kamay bilang pagsuko sa asawa. "I was just complimenting the furniture, honey." Hugas-kamay niyang sagot dito.

Inirapan ni ate ang asawa at saka ako hinarap. "Basta, kakamustahin at bibisitahin kita rito palagi. Ite-text mo ko bago pumasok at pagkauwi ng eskwela ah? Dadalhan na lang kita ng pagkain mo rito pati stocks mo..kukunin ko rin pala ang cellphone number ni William para nate-trace ko kung nasaan kayo,"

Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Ate!"

Nginisihan niya ako. "Ibabalik kita sa bahay 'pag may ginawang hindi maganda 'yang William na 'yan,"

Tumawa rin si Kuya Oliver. "Isumbong mo lang sa akin, Paula, ako'ng bahala sa'yo. Ipapa-salvage natin si Sullivan." Biro nito na agad ding tinikom ang bibig nang tingnan ng masama ng asawa.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon