Joshua Nicole Devera's
"Ang saya ah? Ano meron?"Tanong ni Julian ng makita akong kumakain ng Kwek kwek sa may kusina habang nakangite.
"Wala lang! Pero alam mo? Si Austin---"Di ko naman natuloy yung sasabihin ko ng lumapit sya agad saken.
"Bakit? Ano meron kay Austin?"Excited nyang bulong atsaka nilapit pa yung tenga saken.
"Binigyan nya ako ng Kwek kwek! Naka---"Di ko naman natapos sasabihin ko ng sumigaw sya.
"ANOOOOO!"Sigaw nya atsaka tinarayan ako.
"Mang aagaw! Che!"Sabi nya atsaka tinarayan ako kaya napa nganga ako.
"W-wait! Bakla ka?"Gulat na sigaw ko kaya agad naman nyang tinakpan yung bibig ko.
"Hindi ah!"Deny nya atsaka binitawan yung bibig ko.
"Wehhhhh?"Sabi ko atsaka tiningnan sya ng nakaka loko.
"Fine. Oo na! Bakla ako!"Bulong nya kaya napanganga ako.
Alam ko matagal ko ng sinasabing parang bakla sya pero akala ko PARANG lang talaga yun pero TOTOO pala!
Fvck.
ANG GWAPOOOO NYA MASYADO PARA MAGING BAKLAAAAAAAA💔
Madudurog puso ni Claire nito Bwahahahaha😂 Crush na crush nya to eh!
"Huy!"Sigaw nya ng matulala na pala ako.
"Huh?"Gulat na sabi ko.
"Sabi ko si Austin ba talaga nag bigay nyan?"Sabi nya ng nakanguso.
Waaaaaah?
Bat ang cute nya?
"O-Oo! Sabi nung sa speaker dun sa Pulang button na yun!"Sabi ko atsaka tinuro yung red button.
"Psh! Wala syang gusto sayo ah? Baka nagfifeeling ka!"Sabi nya atsaka ako tinarayan kaya natawa ako.
"sus! Selos ka lang! Bleeh!"Sabi ko atsaka dinilaan muna sya bago nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto ko ng may makabunguan ako.
"Sorry!"Sabi ko atsaka tumingala para makita ang nakabunguan ko.
Nagulat naman ako na si Austin yun.
"A-Austin!"Sabi ko at napatingin naman sya sa dala kong plato na may lamang Kwek kwek.
"Did you ate----Did it taste----Argh! Forget it."Naiiling na sabi nya atsaka kumamot saglit sa batok nya.
"Huh?"Naguguluhang sabi ko.
"Tss. Look at your way so you won't bump to anyone, Stupid."Sabi nya atsaka ako nilagpasan.
"Austin,Saglit!"Sigaw ko kaya huminto sya saglit pero nakatalikod pa din.
"Tingin ka muna!"Sigaw ko.
"Tss."Sabi nya atsaka kunot noong humarap saken.
"Thankyou dito ah? Don't worry! Gagawin ko yung sinabi mong 'Rest' sa papel! Babye!"Sabi ko atsaka ngiting ngiti pumasok sa kwarto ko.
Nafifeel ko Austin.
Konti na lang!
KONTING KONTI NA LANG MAGUGUSTUHAN MO DIN AKO.
Sa ngayon?
Kailangan ko munang makuha ang loob ng mga kabigan mo para matapos ko na ang Way #3 at magawa ko na ang Way #4.
~*~
"Eh ano nga gagawin ko? Paano ko papa-amuhin yung buong Knights?"Tanong ko kila Claire habang kumakain kami sa garden ng S.U.
BINABASA MO ANG
11 ways to make him fall (Knights Series #1)
Teen FictionHindi ka ba crush ng crush mo? Pero gusto mong mahulog sya sayo? Edi ano pang hinhintay mo? Basahin mo na'to para mabasa mo ang 11 na paraan para makuha ang puso crush mo! Kasi ako si Joshua Nicole Devera na niyayaya kayong sabay nateng gawin ang 11...