Prologue

2.2K 61 23
                                    

"Grabe! Alam nyo ba? May bagong member daw yung knights ah?"Usapan ng mga babaeng nadadaanan ko kaya di ko maiwasang mapangise.

"Oo! Joshua nga daw pangalan eh!"Sabi naman ng kausap nya.

"Grabe! Panigurado? Gwapo yun!"Sabi ng isa pa.

"Aba syempre! Meron bang panget na member yung Knights?"Sabi ng kausap nya.

"Ano kaya ugali nya noh?"

"Mala Sceven Galvez kaya sya na may pagka badboy?" Sabi nya na parang kilig na kilig sa pagbigkas pa lang ng pangalan ni Sceven.

"Baka parang Falcon Twins lang yan! Fuckboy!"Sabi ng isa at tumili pa kaya naiiling akong sinabayan sila sa paglalakad.

Naglalakad din kasi sila at palagay ko iisa lang naman patutunguhan namin.

Sa concert ng Knights dito sa campus.

"Alam mo pakiramdam ko? Parang Julian Mclain yung Joshua eh! Yung lucky go lucky tapos adik mag vlog at sobrang gwapooooo!"Sabi ng isa pa kaya lahat sila nagwala sa kilig.

"Wait! What if parang Laimer Matsumoto sya? Yung sobrang down to earth at friendly! Di mo nga iisiping marunong manakit yun eh! Kasi sobrang bait nya! Gentleman tapos caring! Wahhhhhh!"Sigaw ng isa.

"In short boyfriend material!"Sabi ng isa at nagtilian ulit sabay sabay.

"Paano kung parang Austin Sierra ang datingan nya? Yung walang kibo! Laging poker face! Mysterious Mute talaga! atsaka parang....."Sabi ng isa at nagtinginan pa sila.

"Parang.....pusong bato!"Sabay sabay nilang sabi at natawa pa.

"Oopppsss! Pero kahit ganun sya? Sya pa din type ko!"Sabi ng isa.

"Hay nako! Mas bagay kaya kami!"

"Guys stop! Ikakasal na kami!"

"Kapal ng mukha mo! Kilala ka nya? atsaka akin na sya!"

Mag aaway pa sana sila ng may magsalita sa speaker.

"Calling the attention of Sierranians especially the Knighters!" Panimulang sabi ni Julian kaya nanahimik ang lahat na parang nagpipigil ng kilig.

Sierranians tawag sa mga tulad naming nag aaral dito sa Sierra University (S.U.)

Knighters naman tawag sa mga fans ng Knights.

"Knighters? Naririnig nyo ba kami?"Sabi ni Dandreb sa husky na boses kaya nagtilian lahat ng babae.

"Oh! I guess naririnig nyo nga kami! Right, Mga babe?"Sabi naman ni Leslie kaya mas nag ingay ang lahat ng mga babae at todo sigaw ng yes na akala mo lahat sila Babe ni Leslie.

"Okay! So quiet muna tayo Knighters! So ngayong nariring nyo nga kami! Gusto ko lang sabihin sa inyo na---"Di naman natuloy ni Laimer yung sasabihin nya ng parang may umagaw ng mic kasi biglang pumangit tunog yung parang *Krrrrrr*

"Dami nyong mga sinasabi eh! Knighters? Pumila na kayo! Magsisimula na yung show."Masungit na sabi ni Sceven na magpabaliw naman lahat.

Tss.

Imbis na mabadtrip sila sa pagsusungit ni Sceven kinilig pa sila?

Well fangirls will always be fangirls.

"Teka? Nasaan si Austin? Bakit di nagsalita?"Sabi ng mga babae.

"Oo nga! Bakit di sya nagsalita?"

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon