C4: Stop

538 30 1
                                    

Joshua Nicole De Vera

"So naisip mong ituloy na yung 11 ways?"Sabi ni Mish kaya tumango ako.

"AHHHHHHHH!!!!!! gusto ko yan!"Kinikilig na sigaw ni Claire atsaka kami nag apir.

"Sigurado ka ba dyan,Cous?"Tanong ni Mish at tumango naman ako.

Bumuntong hininga naman sya bago ngumite.

"Okay! But promise me dont expect too much,okay?"Sabi nya kaya mabilis akong tumango at nginitian sya.

Ngumite naman sya saken pabalik.

"Then i'll support you."Sabi nya kaya mas napangite ako.

"Ang cheesey nyo! So ano na ngang plano mo? Ano ba yung Way #2?"Excited na sabi ni Claire.

Nginitian ko naman sya.

"Way#2: Show him what you got." Sabi ko kaya napa isip sila.

"What if kumanta ka sa stage?"Sabi ni Mish.

"Huh? Bakit naman?"Sabi ko.

"Para mapanuod ka ni Austin dahil im sure di ka naman nun papakinggan kung lalapitan mo lang sya para kantahan atsaka ang creepy nun noh?"Sabi ni Mish kaya napatango ako.

"Atsaka pwedeng way mo na din yun para ipakita sa Knights na pwedeng pwede ka sa banda nila and kapag sa stage ka kumunta marami makakakita! So ibig sabihin nun mahihiya ang knights tanggihan ang pagka gusto mo sumali sa banda nila!"Sabi naman ni Claire kaya napangite kaming magkakaibigan.

"Kumanta sa stage para makasali sa knights at mapakita ang talent ko kay Austin?"Sabi ko kaya tumango sila.

"Okay!"Sigaw ko atsaka sila kinindatan.

Ang problema na lang ngayon paano ako kakanta sa stage at paano sila makakapanood.

*******
"Bakit ba ayaw nila ipagamit yung stage? Kainis naman!"Sabi ko ng nakanguso.

"Si Sir Ramirez ansabe?"Tanong ko kay Claire
"Kinulit ko na si Sir sa text pero galit pa sya sayo! Ikaw kase eh! Na stress sya sayo nung isang araw!"Sabi ni Claire kaya napabuntong hininga ako.

"Paano na ako kakanta sa stage nito?"Nakangusong sabi ko.

"JOSH! JOSH! JOSH! JOSH!"Sigaw ni Mish atsaka nagmamadaling pumasok sa room at umupo sa harap namin ni Claire.

"Ano? Bat ba tarantang taranta ka?"Tanong ko.

"Tubig! Tubig!"Sabi nya kaya inabutan sya ni Claire ng tubig.

"Oh! Kalma kase!"Saway ni Claire sa uhaw na uhaw na si Mish.

"Bakit ba?"Curious na tanong ko.

"Ugh! Napagod ako!"Hinihingal na sabi nya atsaka pinunasan yung pawis nya.

"Ganto kase yan! May narinig ako sa baba na pinag uusapan ng mga SSG!"Paninula ni Mish kaya mas nacurious kami ni Claire.

"Tapos?"Sabay na tanong namin ni Claire.

"Naghahanap sila ng kakanta para sa flag retreat mamaya!"Sabi nya kaya nanlaki mata ko.

"Tapos?"Sabay na sigaw namin ni Claire.

"Tapos sinali kita kaya kakanta ka mamaya sa stage at siguradong mapapanood ka dun ng Knights!"Sabi nya kaya sabay kaming napataling tatlo.

"Halaaaaaa! Pano? Ayusan nyo na ako! Tapos? Mag papractice na ako! May minus 1 na ba? Bakit naman biglaan?"Sabi ko ng natataranta.

"Pano tayo makakapag handa eh may klase pa tayo kay Mam Lopez! Meron pa syang 2 hours saten bago mag uwian!"Sabi ni Mish kaya napanguso ako.

"Girls? Kalma. Ako ng bahala!"Sabi ni Claire atsaka kami kinindatan.

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon