C9: Confession

483 23 1
                                    

Joshua Nicole Devera

"Ano? Member ka na ng Knights?"Sigaw ni Mish kaya agad kong tinakpan ang bibig nya.

"Shhhhhhh! Secret lang muna daw namin to ng Knights kaya wag kayo maingay!"Sabi ko kaya umarte naman si Mish na parang sinizipper nya yung bibig nya.

"Peron paano?"Sabi ni Claire kaya kwinento ko sa kanila yung buong storya.

"Ang astig nyan,Josh!"Sigaw ni Claire pero agad akong umiling at ngumuso.

"Kung alam mo lang Claire! Kung gaano tumataas yung balahibo ko sa mga cheesey lines at kindat ng Falcon Twins. Geez! Kainis! Tapos kung gaano na lang kasaya si Julian sa tuwing mapapahiya ako kase malalagay nya yun sa vlogs nya! Tapos si Sceven naman sobrang lakas nang asar at lagi akong pinag tatawanan! Tapos si Austin walang ginawa kundi magsabi ng 'tss' at tawagin akong 'stupid' kapag naman nagsalita ng mahaba puro trash talk saken! Alam nyo? Si Laimer na lang talaga matino sa bandang yun eh! Sya lang yung tao!"Sabi ko kaya natawa si Claire.

"Does it mean wala ka ng gusto kay Austin dahil alam mo na totoo nyang ugali?"Sabi ni Mish kaya saglit akong napa isip.

"Di ko alam eh. Nasasaktan kasi ako sa mga ginagawa at sinasabi ni Austin pero ewan ko nagwawala pa din yung puso ko sa tuwing makikita sya! Yung sya lang yung nakakadurog ng puso ko ng sobra sobra pero in the end of the day sya lang din makakaayos nun sa tuwing makikita ko lang sya."Sabi ko atsaka bumuntong hininga.

"Thats a hopeless case talaga, cous!"Sabi ni Mish atsaka ngumuso.

"Wait! Ano nga ulit yung Way#3 dun sa papel na napulot mo?"Biglang tanong ni Claire.

"Huh? Ano nga ba yun?"Sabi ko habang inaalala.

"Ahhh! Way #3 Be friend to his friends! Bakit? Ano meron?"Tanong ko.

"Binggo! Diba natapos mo na yung Way 1 kase nakilala ka na nya! Yung Way 2 tapos na din kasi kumanta ka na sa stage at napanood nya pa nga diba? Kinuha ka pa nga ng banda nya! Which means Way#3 ka na! And madali mo ng magagawa ngayon yung Way#3 kung nakatira na lang kayo ng Knights which is mga kaibigan nya sa iisang bubong,right?"Sabi ni Claire kaya lumiwanag bigla ang mukha ko.

"OO NGA NOH!"Nama-manghang sabi ko atsaka kami nag apir ni Claire.

"Itutuloy mo pa din yang ways na yan?"Sabi ni Mish kaya nagkibit balikat ako.

"Maybe? Wala naman mawawala,right? Atsaka palagay ko destiny na mismo gumagawa ng paraan para masagawa ko yung mga ways eh!"Sabi ko atsaka ngumite ng nakakaloko.

"Oo nga! I-support na lang naten yung kaibigan naten,Mish! Sermunan mo na lang sya kapag nasaktan na naman sya!"Sabi ni Claire.

"Fine.Just remember to be careful with your heart,cous. What you'll enter is really risky to your heart.You might get hurt in the end."Sabi ni Mish pero nginitian ko sya.

"Who knows it might be worth the pain,diba?"Sabi ko kaya natawa si Claire.

"Walastik! Kelan pa naging englishera ang dalawang tropa ko?"Sabi ni Claire kaya naiiling kaming natawa ni Mish.

"Pres?"Tawag saken ng isa naming classmate.

Vacant kasi namin ngayon first class dahil naka confine pa din si Sir Lopez.

"Yow?"Sagot ko.

"May meeting daw sa AVR yung mga Class Presidents! Tawag ka."Sabi nya kaya agad akong napatango.

"Sige!"Sabi ko.

                      ~*~
Pagpasok ko sa AVR ay nakita kong si Austin pa lang nandun.

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon