Joshua Nicole Devera
"Hoy JoshuaShunga!"Sigaw ni Sceven kaya umiwas agad ako sakanya ng tingin atsaka nag punas ng luha.
"A-Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko.
"Ang mga shunga lang ba na kagaya mo pwede dito sa park?"Pamimilosopo nya.
"Umuwi ka na nga lang dun!"Sabi ko at tatayo na sana ng hilahin nya ako paupo.
Kinuha naman nya ang daliri ko at nakita kong nilabas nya yung first aid kit na dala nya.
"Di mo man lang inisip na pano kung may bubog na pumasok dito!"Naiiling na sabi ni Sceven habang nilinis yung sugat ko.
"Aww! Pano mo nalamang nadito ako?"Tanong ko.
"Saan ba laging puntahan ng mga isip batang malungkot?"Sabi nya habang busy sa sugat ko kaya napangise ako.
"Wala ka talagang sinabing maganda!"Naiiling na sabi ko atsaka pinanuod kung paano nya gamutin yung sugat ko.
"Salamat."Sabi ko ng matapos na sya at nalagyan nya na din ng benda.
"Tss. Na iganti na kita!"Sabi nya kaya kumunot noo ko.
"Sinapak ko yung Austin na yun tapos trinashtalk ko yung Krishna!"Sabi nya kaya nanlaki ko.
"Bat mo naman ginawa yun? Wala naman syang masamang ginagawa eh! Kung gusto nya talaga si Krishna tanggap ko naman kahit masakit eh!"Sabi ko.
"Martyr ka din no? Deserve nya din yun! Tapang nga eh! Lumaban pa at pinag tanggol si Krishna! Nag explain na daw sakanya yung tao! Tss!"Naiiling na sabi ni Sceven.
"Kamusta na sya? Okay na ba sya?"Tanong ko.
"Talagang sya pa tinanong mo no? Akala ko ba ako gusto mo?"Nagtatampong sabi nya kaya natatawa ko syang hinampas.
"Antagal ko na naman sinabing iba gusto ko diba?"Sabi ko.
"Oo na! Tara na nga! Nagugutom na ako!"Sabi ni Sceven atsaka ako inakbayan.
"Scev?"Tanong ko habang naglalakad kami.
"Hmmm...?"Tanong nya.
"Nasugatan ka ba?"Tanong ko atsaka sya hinarap habang naka akbay pa din sya saken.
"Ako pa? Hari yata ako ng sapakan! Edi magaling ako umilag!"Sabi nya kaya hinarap ko sya ng nagdududa.
Nilapit ko naman ang mukha ko sakanya.
"Patingin!"Sabi ko at nakita ko namang may dugo sya sa gilid ng labi nya.
"Tsk! Sabi mo wala! Ayan oh!"Sabi ko atsaka tinuro yung sa gilid ng labi nya.
"Wala yan kumapara sa bugbog ni Austin,ano!"Sabi nya.
"Tss! Lika nga! Gagamutin kita!"Sabi ko atsaka kinuha yung first aid kita nyang dala.
"Seryoso ka ba? Sa kalasada?"Tanong nya kaya natawa kami pareho.
"Ang layo na ng park kung babalik tayo no? Dito na lang!"Sigaw ko atsaka kinuha yung ointment sa kit atsaka pinahid sa gilid ng labi nya.
"Sa susunod kase wag masyado dinadaan lahat sa sapakan!"Naiiling na sabi ko.
"Kundi ka ba naman kasi shungang na-in love pa kay Austin eh!"Sabi nya atsaka nauna na naglakad kaya napangite ako.
"HOY SCEVEN ABNO!"Sigaw ko kaya huminto sya.
Inakap ko namn sya patalikod.
"THANKYOU SA PAG SAPAK SA MAHAL KO PARA LANG IPAG HIGANTI AKO! THANK YOU DIN KASI GINAMOT MO YUNG SUGAT KO DAHIL SA KASHUNGAHAN KO! Wag kang mag alala! Kakalimutan ko na sya!"Sigaw ko atsaka kinalas yung akap at nauna ng pumasok sa mansion at pumasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
11 ways to make him fall (Knights Series #1)
Teen FictionHindi ka ba crush ng crush mo? Pero gusto mong mahulog sya sayo? Edi ano pang hinhintay mo? Basahin mo na'to para mabasa mo ang 11 na paraan para makuha ang puso crush mo! Kasi ako si Joshua Nicole Devera na niyayaya kayong sabay nateng gawin ang 11...