Joshua Nicole Devera
"1....2....3!"Bilang ni Julian habang kinukunan ako ng picture.
Andito kasi kami sa Taal Volcano and grabe ang ganda dito!
"Hala! Ang galing mo talaga kumuha ng litrato! Mag jojournalism ka?"Tanong ko kay Julian pagkatapos makita ang kuha nya saken pero malungkot na ngite binigay nya atsaka tinapat ang DSLR camera sa mata nya na parang kinukunan ng litrato ang Taal Volcano.
"Business Ad ang gusto ni Dad na kunin ko. Ako na lang ksi inaasahan nya sa mga anak nya. Yung panganay kasi namin nag asawa agad kaya tinakwil na ni Dad. Si Ate pa naman pinaka may potensyal mamahala ng komoanya. And dahil ako sumunod kay Ate at only son ako? Ako na ngayon ang inaasahan ni Dad sa kompanya. Ano namang yung bunso namin mamahala eh puro pagmomodel inaasikaso nun!"Sabi nya atsaka bumuntong hininga.
"Pero ikaw? Ano ba mas gusto mo?"Tanong ko.
"Hindi pa ba obvious Josh? Ano ba mas lagi kong hawak camera o business papers?"Pamimilosopo nya kaya natawa ako.
"Nasabi mo na ba sa Dad mo yung gusto mo?"Tanong ko pero umiling sya.
"Di mo kilala si Dad,Josh. Kung alam mo lang kung gaano ako strikto yun? Nako!"Pananakot nya pa ng naiiling.
"Pero Jul---"Di naman nya ako pinatapos.
"Tama na Josh,okay? Okay lang ako. Matagal ko ng tanggap na pagkagraduate ko? Si Dad na cocontrol ng buhay ko! Kaya nga todo pag eenjoy na ako ngayon sa camera eh dahil alam ko sa mga susunod na taon? Paperworks na hawak
ko."Malungkot na sabi nya."Alam mo,Julian? Laging sinasabi saken ng Lola ko na dapat lagi kang masaya. Kasi kapag masaya ka? Sasaya din sa paligid mo. Ang labo ba? Pero dapat magpakatotoo ka sa Daddy mo kahit gano pa yan kasungit. Kasi pag nakita nya din namang masaya ka sa kung anong meron ka? Sasaya din sya,Pangako yan!"Sabi ko atsaka sya tinapik sa likod.
Sakto namang tumawag sina Claire at Mish nagyayaya mag videocall kaya sinagot ko.
"Hi?"Sabi ko atsaka kumaway pa.
"Hoy Lokaloka ka! Asan ka? Bat absent ka?"Sigaw ni Mish.
"Huh? Nasa Taal kasi ako nagcecelebrate!"Sabi ko.
"Celebrate? Sa Taal? Aba! Di mo man lan kami inimvite ano? Napaka bait mo!
Loka---"Sigaw ni Claire na di nya natuloy ng itapat ko kay Julian yung camera."J-julian?"Gulat na sabi nya sa namumulang mukha kaya natawa ako.
"Hi?"Simpleng sabi ni Julian.
"OMG! WAHHHHHH!"Tili nyang walang tigil kaya pareho kaming natawa ni Julian.
"Sige,Josh! Iwan ko muna kayo! Anyways? Salamat sa advice. pag iisipan ko yan!"Sabi nya atsaka ako tinapik sa balikat at pumunta sa pwesto ng Knights.
"OMG!!!!!"Wala pa ding tigil na tili ni Claire kaya binatukan sya ni Mish.
"Ka-OA! Wala na! Umalis na!"Naiiling na sabi ni Mish kaya mas natawa ako.
"Grabe! Kamukhang kamukha nya kasi si Sehun ng Exo!"Sigaw nya kaya napa iling na lang kami ni Mish.
Ayan na naman sya.
"Ano? Kamusta Ways?"Tanong bigla ni Mish.
"Nasa Way #4 na ako! Know his secret! And palagay ko mahihirapan ako dun! Una hindi naman pala kwento yan si Austin! Pangalawa laging nakasunod yang Krishna na yan sakanya! Di lang naka sunod! Take note? NAKA KAPIT BES!"Inis na sabi ko atsaka tinapat yung camera kay Austin habang naka suot ng shades at nakatayo sa overviewing ng Taal habang naka kapit sa braso nya si Krishna.
BINABASA MO ANG
11 ways to make him fall (Knights Series #1)
Teen FictionHindi ka ba crush ng crush mo? Pero gusto mong mahulog sya sayo? Edi ano pang hinhintay mo? Basahin mo na'to para mabasa mo ang 11 na paraan para makuha ang puso crush mo! Kasi ako si Joshua Nicole Devera na niyayaya kayong sabay nateng gawin ang 11...