Joshua Nicole Devera
DATE: April 21,2022
TIME: 11:00 Midnight"Di na ako makapaghintay para bukas,Josh!"Sabi ni Austin habang naka akap sa akin patalikod habang yung baba nya ay nakadukdok sa balikat ko.
Nandito kasi kami ngayon sa terrace ng Penthouse nagpapahangin dahil pareho kaming di makatulog sa excitement.
And yes.
TAGALOG NA SYA MAGSALITA!
Di na dudugo mga ilong naten Tutang Readers hehe!
"Ako din."Pag sang ayon ko sakanya atsaka sya hinarap.
Nakangite ko namang pinulupot yung mga braso ko sa leeg nya atsaka sya tinitigan sa mga mata nya.
"Excited na ako dahil finally di ko na din kakailanganin magtiis mag aral ng mag aral dahil graduation na naten bukas!"Sabi ko sa puno ng excitement na tono pero kumunot ang noo nya.
"Dun ka lang excited?"Kunot noong tanong nya.
"Anong dun lang? Wag mo nga ila-LANG yung graduation naten! Di ka ba masaya? Tapos na paghihirap
naten mag aral dahil bukas imbis na libro at notebooks? Toga na ang hawak naten!"Sobrang sayang sabi ko."I mean..Wala ka bang naiisip na mas nakaka excite para bukas?"Tanong nya kaya kumunot yung noo ko.
"Ano pa ba nakaka excite bukas? Ahm....Graduation's After Party? Teka! May graduation ball ba? Nako! Wala pa akong masusuot! Tatawagan ko sila Claire saglit!"Excited na sabi ko pero umiling sya at hinawakan ako sa braso.
"Walang after party at graduation ball! Atsaka hindi yun yung tinutukoy kong nakaka excite!"Umiiling na sabi nya.
"Ahm...Bakasyon?Yun ba tinutukoy mo? Oo nga naman! Alam mo tama ka eh! Di na din ako makapag hintay magbakasyon! Nakakamiss mag roadtrip kasama ng buong knights,diba?"Excited na sabi ko pero bumuntong hininga lang sya at umiling lang ulit kaya kummunot na
yung noo ko."Eh ano ba kasi meron?"Naguguluhang tanong ko.
"Josh? April 22 bukas! APRIL 22, 2022! Wala ka bang naalala?"Frustrated na sigaw nya habang pinagdidinan lahat ng salitang lamalabas kaya kakamot kamot ulo akong umiling.
"Ay oo nga pala! Naaalala ko na!"Nakangiteng sabi ko kaya bigla kuminang ang mata nya at lumiwanag ang mukha nya.
"Ano?"Tanong nya nang nakangite atsaka hinawakan yung dalawang kamay ko sa excitement.
"Birthday ng aso ni Mish na si Cindy bukas! Yun yun diba? Naku! Buti pinaalala mo dahil di pa pala ako nakakabili ng regalo dun! Kahit naman nakaka badtrip yung asong yun na mahilig mangalkal ng mga underwears ko ay napa mahal saakin yun! Wait! Tatawagan ko lang si Mish para naman---"Nakangiteng sabi ko atsaka sya nilingon pero nawala yung ngite ko ng makita yung dismayado nyang mukha atsaka kinalas yung pagkakahawak nya sa mga kamay ko kanina.
"Teka! Uy? Di pa din ba yun?"Nagtatakang tanong ko pero walang gana syang umiling.
"Ano ba kasi meron? Swerte ba kapag 22 yung day ng month at may 22 din sa year? Dapat bang tumaya na tayo sa lotto? Di kasi kita maintindihan eh!"Nag aalangang sabi ko pero inis nya lang akong nilingon.
"Alam mo naman sigurong masyado ng mayaman ang pamilya ko para sa lotto diba? Tss. Stupid!"Inis na sabi nya atsaka sya umalis na kaya napanguso ako.
"Alam mo namiss ko yung pag sabi mo ng 'Tss. Stupid!' na yan!"Nakangiteng sabi ko pero di nya ako pinasin at dirediretso walk out lang kaya hinabol ko sya at hinablot ang braso.
BINABASA MO ANG
11 ways to make him fall (Knights Series #1)
JugendliteraturHindi ka ba crush ng crush mo? Pero gusto mong mahulog sya sayo? Edi ano pang hinhintay mo? Basahin mo na'to para mabasa mo ang 11 na paraan para makuha ang puso crush mo! Kasi ako si Joshua Nicole Devera na niyayaya kayong sabay nateng gawin ang 11...