C24: Tour

426 24 4
                                    

Joshua Nicole Devera

"Josh! Bilisan mo!"Sigaw ni Nay habang kinakatok ang pinto ko.

"Eto na Nay! Tapos na!"Sabi ko atsaka kinuha na yung malaking travel bag na hawak ko atsaka lumabas ng kwarto ko.

Nagamamadali naman akong naglakad ng makita ako ni Laimer.

"Josh! Tulungan na kita!"Sabi nya atsaka inagaw yung bag ko.

"No! Kaya---"Di ko naman natuloy yung sasabihin ko ng makuha nya ng tuluyan yung bag ko.

"Thankyou! Alam mo ang perfect mo talaga!"Sabi ko ng naglalakad kami papunta sa elevator.

Nasa Van na kasi ang ibang Knights.

Ngayon kasi alis namin papuntang airport para sa Out of the town tour namin.

"Bolera ka talaga!"Naiiling na sabi nya.

"Huy hindi ah? Kumpara sa lahat ng lalakeng nakilala at nakita ko? You're the best! Sobrang perfect mo kasi talaga! As in! kumbaga complete package na to the point na wala ng hahanapin pa!"Sabi ko pero ngumite sya ng malungkot.

"Siguro nga perfect ako pero im not perfect enough for the girl i like."Sabi nya kaya nagulat ako.

"May nagugustuhan ka na?"Tanong ko at tumango naman sya.

"Oo pero may mahal na sya kaya malabo ng magustuhan nya ako."Sabi nya at sakto naman bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok kami.

"Sino ba yung babaeng yan? Tulungan kita gusto mo? Para naman masuklian ko yung mga kabaitan mo!"Sabi ko pero umiling sya.

"Mahal na mahal nya na yung lalake eh. Wala ng pag asa kaya sapat na saken tulungan sya sa tuwing kailangan nya ng tulong ko!"Sabi nya atsaka ginulo ang buhok ko.

Grabe yung love no?

Kahit perpektong tao hindi kayang mahalin ng mahal nya.

Si Austin naman tinapon na noon ni Krishna tinanggap pa din.

Ako naman itong si Tanga.

Paulit ulit ng tinatapon ni Austin pero di pa din magawang sukuan sya.

Ito nga ako oh?

Gagawin yung Way #4 umaasang pag natapos ko na tong Ways na ito mahalin nya na ako.

                      ~*~
"Okay na ya----"Di ko naman natuloy yung sasabihin ko kay Laimer ng pagpasok ko sa Van eh nasa tig-isa isang upo yung Knights.

Ganto oh?

Si Nay Yna nasa harap at sya yung driver.

Si Julian naman yung nasa tabi nya sa harap.

Sa gitna ganto ayos.

Si Austin tapos wala syang katabi.

Si Sceven naman nasa likod ni Austin at wala din katabi.

Sa pinaka likod naman ang Falcon Twins.

Kada isang linya pang apat na tao.

Ngayon saan ako uupo?

Sa Falcon Twins na tatadtadin lang ako ng asar at kalandian at sa chic chic nilang nalalaman?

Kay Sceven na mas lalo lang syang mag feeling na gusto ko sya pag tinabihan ko sya?

Kay Austin na gusto ko man pero nakakahiya dahil kakasagutan lang namin kagabi tas pinaka mukha nya pa sakeng sobrang ayaw nya saken?

Ngayon....San ako uupo nyan?

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon