C18: Paos

427 27 5
                                    

Joshua Nicole Devera

"Thankyou!"Sabay sabay naming sigaw ng Knights atsaka nagbow at pumunta na sa back stage.

Pagod naman akong umupo sa sofa sa backstage.

"Water?"Sabi ni Lai atsaka ako binigyan ng tubig at tumabi saken kaya nginitian ko sya.

"Thanks."Pagod na sabi ko.

"Grabe! Ang hot mo kumanta,Cutechic!"Sabi ni Dandreb kaya napa iling na lang ako.

"Oo nga! Lalo na yung kinindatan mo si Lai? Geez! Hihinihiling ko talagang ako si Lai nung time na yun!"Sabi naman ni Leslie kaya natawa na ako.

"Sus! Ang bolero nyo talagang magkambal!"Sabi ko ng naiiling atsaka iinom na sana ng tubig ng makita ko ang hingal na si Austin na kakapasok lang ng backstage.

"Tubig?"Alok ko kay Austin ng tubig na inabot saken ni Lai kanina.

"Since when you become my P.A.?"Pambabara ni Austin atsaka kumuha ng tubig sa mini Ref. kaya napanguso ako.

Sungit -_-

"Hoy JoshuaShunga!"Sigaw ni Sceven kaya kunot noo ko syang nilingon.

"Ano na naman?"Tanong ko.

"Di porket nagustuhan ka ng crowd eh gugustuhin ka din ng judges next week! Wag kang magpaka kampante at magpractice ka araw araw! Subukan mo lang talagang ipatalo kami! Makakatikim ka nito!" Sabi ni Sceven atsaka pinakita yung kamao nya atsaka umalis.

"Oo na! Kainis! Daig pa bakla kung makapatol sa babae!"Pabulong na sabi ko.

"Ano sabi mo?"Sabi nya atsaka bumalik sa harap ko.

"Wala! Galing mo kanina sabi ko!"Sarcastic na sagot ko sakanya.

"Alam ko. Nakaka inis nga minsan kasi pag masyado kong ginagalingan tumitili yung mga babaeng yan at mas pinagkakaguluhan ako!"Sabi nya pa kaya napa ubo ako.

"Whoooo ang hangin shet!"Sabi ko atsaka sya tinarayan at magwowalk na sana ng hawakan nya ako sa braso.

"Ano?"Inis na tanong ko.

"Oooopppssss! Akin na lang yung tubig! Tinatamad na ako kumuha sa ref eh!"Sabi nya kaya napanganga ako.

Kainis!

Uupo na sana ako sa mini sofa sa tabi ni Lai gaya ng pwesto ko kanina ng itulak ako ni Sceven para sya umupo dun.

"Nauna ako!"Proud na sabi nya atsaka ininom yung tubig ko.

Aish!

Bat ba kase Be friend to his friends nakasulat sa Way#3 ng 11 ways?

ANG HIRAP HIRAP KAYA KAIBIGANIN NG SCEVEN NA YAN!

~*~
"Whoooooooo!"Sigaw ko ng dinakdak ni Laimer yung bola sa ring.

Ngayon kasi laban ng Sierra University sa East High.

And basically kasali si Lai dahil kung di nyo naaalala?

SYA ANG TEAM CAPTAIN NG BASKETBALL TEAM NG S.U.

Masayang nakipag apir naman si Laimer dun sa mga team nyang nakikipag apir sa kanya dahil nakapuntos na naman sya.

"WHOOOOOOO!!!! ANG GALING MO LAI! KAYA MO YAN!"Sigaw ko pa ng hinahabol nya na ulit yung bola na nasa kalaban ngayon.

Saglit naman syang tumingin sa direksyon ko atsaka ngumite at nag flying kiss saken bago hinabol ulit ang bola kaya nanlaki mata ko.

"Ahhhhhh! Ang swerte talaga ng girlfriend nyaaaaaa! Nakaka inggit si Joshua,no? Ang perfect ng boyfriend nya!"Sigawan ng ibang babae sa likod ko.

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon