C47: UP, PUP & UST

510 23 10
                                    

Joshua Nicole Devera

"What? OHMYGOD! Nasisiraan ka naba talaga ng ulo,Joshua? Papatirahin mo yan dito? AS IN YAN! Yang babaeng yan na walang ginawa kundi siraan at saktan ka?"Sigaw ni Julian habang pinagtuturo si Krishna kaya hinawakan ko ang kamay na pinangtuturo nya.

"Juls naman! Intindihin nyo muna sya,okay?"Sabi ko kay Julian pero umiling agad ito at hinilot ang sentido nya.

"No Joshua! I really just cant get you."Sabi nya sa di makapaniwalang tono.

"Alam mo Josh? May naalala ka bang kahit isang beses eh naghindi kami magkamabal sa mga plano o gusto mo? Dun pa ngalang Josh sa una ka namin nakilala at nangulit ka na maging vocalist namin nag oo kami agad diba? Never pa kaming humindi ni Dreb sa gusto mo dahil lagi kaning sang ayon at kampi sayo!"Sabi ni Les pero umiling ako.

"Les is right,Josh! We never said no to you. So please understand why we'll say no to you this time. Josh kapag tinanggap naten ulit si Krishna di lang naman ikaw ang pinahamak mo dito! Kundi maging ang buong banda! Pano kung pakulo nya lang yan pag dadrama nya at gusto lang ulit nya malaman mga plano naten ngayong Grand Finals ng War of the bands para isumbong sa The Radicals? Josh! Muntink na tayong matalo dahil sa pag s}y nya dati! Wag mo naman sanang hayaan maulit ulit yun!"Sabi ni Dandreb kaya napa iling ako.

"Pero Dreb! Di nyo ba alam? Ginago na sya ng ex nya kaya bakit pa sya magpapaka spy saten para dun? You can trust her this time. I promise. Pangalan ko na itataya ko!"Sabi ko.

"Desperada yang babaeng yan,Josh! Pangalan mo itataya mo? PANGALAN MO AT NG BUONG BANDA  NAMAN ANG MASISIRA NG BABAENG YAN SINISIGURADO KO! We cant let her fool us again,Josh. Sira na sya sa lahat kaya kahit ano pang gawin nyang pag sira ng pangalan nya wala na! Tayo? Bumuo pa lang tayo ng pangalan sa music industry. Dont let her destroy us and our dreams,Josh. Wag ka namang magpaka shunga pa lalo para tanggapin sya! Kung ginawagawa mo lang yan dahil blinack mail ka nya or what just tell me? Akong bahala!"Sabi ni Sceven pero umiling ako.

"Di nya ako blinablack mail,okay? Ako talaga ang nag suggest na tumira sya ulit dito!"Sabi ko kaya napailing si Sceven.

"Matagal ko ng alam na shunga ka Josh pero i cant believe ganyan ka kashunga para tanggapin ulit yanng babaeng yan!"Sabi ni Sceven kaya napanguso ako.

"I understand that you just have a golden heart,Josh. And im so proud for you about that but i cant blame them for saying no to you."Sabi ni Laimer atsaka ginulo yung buhok ko.

"Kung ganun di ka din sang ayon saken,Lai? Akala ko pa naman soul mates tayo kasi lagi tayong nagkaka intindihan!"Nakangusong sabi ko.

"Siguro lets just wait for Austin to decide dahil after all? He owns this penthouse,right?"Sabi pa ni Lai kaya tumango na lang ako bilang pag sang ayon.

"Whats happening here?"Tanong ni Austin pag dating nya sa penthouse.

Tiningnan naman ako ng lahat atsaka nginuso si Austin kaya nakayuko akong lumapit sakanya.

Pano ko sya kakausapin eh huling usap namin eh yung umamin syang nagseselos sya!

"K-kyle...."Sabi ko ng nakayuko pa din pero di naman sya sumagot sign na nakikinig sya.

"Pwede bang dito na lang si Krishna mag stay kasi..---"Di ko naman natuloy yung sasabihin ko ng magsalita.

"Do you want her to stay here?"Tanong nya kaya kunot noo ko syang tiningnan bigla at tumango.

"Okay."Sabi ni Austin atsaka nagkibit balikat na parang wala lang at umalis na kaya nagulat ako.

"Anong okay? Oo ba yun?"Tanong ko at tumango naman sya habang naglalakad pa din palayo.

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon