C53: Plan

555 20 2
                                    

Laimer Matsumoto's POV.

"Alaaaaaaaaaak! I love you!"Sigaw ni Joshua habang sinisinok sinok pa pagkabukas nya ng panibagong bote ng alak galing sa cooler.

"Awatin nyo na yan si Josh! Lasing na yan dumating kanina sa grand finals tapos nag iinom pa ulit ngayon? Awatin nyo na!"Utos ni Nay.

"Josh....Tama na!"Awat ni Krishna pero parang walang nadinig si Joshua at kinakausap lang nya yung bote ng alak nya.

"Josh? Lasing ka na!"Sabi ni Julian ng naiinis na sa ingay ng boses ni Joshua.

Umiiyak kasi sya at sumisigaw habang kinakausap yung bote.

"Josh? Hahatid na kita sa kwarto mo,okay? Bitawano na yang bote ng amd just rest in your room."Sabi ko atsaka sya hinawakan sa braso para makuha yung bote ng nilayo nya lang yung braso nya saken.

"Ayoko nga! Dito lang ako! Di ko iiwan si boty!(BOTE NYA YUN GANUN LANG TALAGA TAWAG NYA) Hinding hindi kita iiwam,Boty! I love you!"Sabi nya atsaka nginitian yung bote na parang bata.

"Tama na nga daw sabi eh! Pag di ka tumigil di ako mah dadalawang isip talagang dalhin ka sa mental!"Sigaw ni Sceven kay Joshua at aagawin sana yung bote ng tumayo si Joshua atsaka umiling at inakap pa yung bote ng alak.

"Pati ba naman bote ng alak ipagkakait nyo saken? DI NA NGA AKO MAHAL NG MAHAL KO TAS IINOM NA LANG AKO AYAW NYO PA!"Sigaw ni Joshua sa lasing na tono kaya napa iling na lang kaming lahat.

"Tss. Stupid!"Sigaw ni Austin atsaka tinuro si Joshua habang pipikitpikit.

Lasing na kasi sila pareho.

Sa dami ba naman ng bote na nainum nila!

"At bakit na naman ako naging stupid? Kasi mahina utak ko? Dahil Grade 12 ABM student na ako pero mag di-divide lang at pag gamit ng scientific calculator hirap na hirap na ako? Saan ba Sierra, ha? SAAN! Dahil ba sa isip bata ako o kaya naman dahil siguro lampa ako? Dahil ba nakalimutan ko yung ID ko nung first day of school? O baka naman dahil sa naniwala ako sa paasang papel na yun na sabi mapapaibig daw kita pag ginawa ko na yung 11 na paraan para mahulog ka? Hindi kaya stupid ako dahil sa muka na akong tangang kakahabol sayo kahit layo ka mg layo? Yung tipong lahat lahat na binibigay ko sayo hanggang sa wala ng matitira para sa sarili ko? O baka naman stupid ako kasi minamahal ko yung lalakeng kagaya mo na wala namang ginawa kundi saktan ako? Ay hindi! Baka stupid ako dahil sabi ko huling iyak ko na sayo yung nasa grand finals tayo kanina pero eto ako kinakain lahat ng sinabi ko dahil umiiyak na naman ako sayo! Ahhhh! Teka! Parang alam ko na! Stupid siguro ako kasi nagconfess ako sayo sa harap ng maraming tao? Sorry ah! Ang tanga ko kasi dahil inisip ko na gusto mo na din ako! Sorry dahil inisip ko na kayang mahalin ng kagaya mo yung stupid na kagaya ko!"Humahagulgol na sigaw ni Joshua.

"Pero alin ba dun,Sierra? Alin dun yung dahilang kung bakit stupid na naman ako? Sa daming beses mo ma akong sinabihang stupid nalilito na ako kung----"Di naman natapos ni Joshua yung sasabihin nya ng tumayo si Austin at hinalikan si Joshua sa labi nya.

Dahan dahan at masuyong gumalaw sa ramantikong paraan yung mga labi nila ma nagpalambot ng mga tuhod ni Joshua kaya agad itong napakapit sa braso ni Austin para kumuha ng lakas kaya maingat na ipinalibot ni Austin ang mga braso ni Joshua sa leeg nya ng di pinuputol ang halikan nila na aakalain mong mamamatay sila pag pinaghiwalay ang mga labi nila.

May naramdaman naman akong parang may napunit na parte sa puso ko habanh pinapanuod sila.

Oo.

Mahal ko si Joshua kaya nasasaktan talaga akong makitang kahalikan nya ang kaibigan ko pero dahil alam ko naman sa sarili kong mahal nila ang isa't isa at dun sila sasaya?

11 ways to make him fall (Knights Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon