WITH YOU IN PARADISE
One year had passed since nag trabaho si Althea sa aming kumpanya. As what I've expected she excels in her job. After just a year of working with our company ay na promote siya bilang head ng accounting department and I'm so proud dahil sobrang natuwa ang aking mga business partners sa ipinakitang galing ni Althea.
Meanwhile, I've also executed my second plan with Batchi's help; ang tustusan ang kanyang pag aaral ng abogasya ng palihim. Alam kung nasa puso niya pa rin ang pangarap niyang ito pero isinasantabi niya dahil ang top priority na niya ay ang kanyang anak. Pero hindi ako papayag na hindi niya maabot ito. I will do anything for her. Kaya napagpasyahan ko na ako ang gagastus ng palihim sa pag aaral niya through my company. Ang plano ay palalabasin na bigyan siya ng scholarship ng company dahil sa magandang performance niya. After a month ay naisakatuparan na rin ang lihim na plano, Althea is back in law school.
Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho sa company ko and at the same time sa pag aaral niya. Naging abala naman ako sa business namin ni Bianca sa Amerika, but I made sure na nasa Pilipinas ako every month just to be with her. Everything went smooth, until an unexpected incident happened na naging dahilan upang mabuking ang lihim kung pagtulong sa aking bestfriend. Nangyari ang lahat nang magkaroon kami ng annual assembly ng aking mga Filipino business partners. Nagkaroon ng biglaang emergency sa kanyang pamilya ang isa sa aking business partners kaya nagpadala na lamang ito ng isang representative upang dumalo sa meeting. Little did I know na si Althea pala ang kanyang pinaki usapan na dadalo sa nasabing meeting. Pagdating ko sa hotel kung saan gaganapin ang aming assembly ay laking gulat ko nang mabungaran ko si Althea na naka upo sa meeting room kasama ang ibang mga kasosyo ko sa hotel kung saan gaganapin ang aming assembly. Shock and confusion was written on her face nang magtama ang aming mga mata.
"Ikaw...ikaw ang CEO?!" Gulat niyang tanong.
Pagkadismaya at galit ang rumihistro sa kanyang mukha habang matalim na nakatingin sa akin. Natahimik naman bigla ang aking ibang mga business partners, wala ni isang nakapag salita.
"Althea..."
"You fooled me.." Malumanay pero may galit ang kanyang boses.
"Althea let me ex...."
"No need to explain Jade!...How could you do this!" Bulalas niya at dali daling dinampot ang kanyang bag at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng meeting room.
Agad ko siyang sinundan at panay ang tawag ko sa kanya pero hindi ito lumingon at patuloy lang sa paglalakad hanggang makalabas na kami ng hotel. Naabutan ko siya sa may gilid ng kalsada at nagpapara ng taxi.
"Althea please, let me explain"
"Ano pang dapat mong e explain Jade?! Ginawa mo akong tanga!"
"Althea I'm sorry, gusto ko lang naman makatulong"
"I don't need your help Jade, I can take care of myself" Mariin niyang tugon habang namumuo na ang luha sa kanyang mga mata.
Parang gusto kung kastiguhin ang aking sarili nang makita ko kung gaano siya nasaktan sa kanyang nalaman, nasaktan ko ang mahal ko.
"Ikaw rin ba ang may pakana ng scholarship ko sa Law school ha?"
"Althea I'm your bestfriend at ayokong nahihirapan ka, gusto ko lang naman tumulong"
"That's the point Jade, bestfriend kita pero anong ginawa mo, naglihim ka sa akin! Pinag mukha mo akong tanga! All this time akala ko naabot ko ang lahat ng ito dahil sa pagsisikap ko, but I was wrong, pinaikot mo lang ako! Pinag mukha mo akong mahina! Bakit dahil mayaman ka, feeling mo kaya mo nang gawin an lahat?"
![](https://img.wattpad.com/cover/106464961-288-k501385.jpg)
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...