YOU'RE OFFICIALLY MINE
| ALTHEA |
Pinagmamasdan ko ang babaeng ngayon ay mahimbing nang natutulog. Para itong anghel na nakapikit, napakapayapa nang kanyang mukha. Pagkatapos ko siyang pakainin at painumin ng gamot ay nakatulog na ito. Nawala na rin ang lagnat niya. Naririnig ko pa ang kanyang payapang paghinga at bahagya kong hinaplos ang kanyang pisngi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga kaganapan sa aming dalawa. Simula nung dumating kami sa isla ay halo halong emosyon ang nararamdaman ko, at hindi ko lubos akalain na dito ko maamin sa sarili ko at ma realized na mahal ko si Jade..hindi bilang matalik na kaibigan kundi higit pa. Mga bata pa lang kami ay may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Meron na siyang espesyal na puwang sa puso ko, pero hindi ko ma identify nang panahong yun kung anong tawag sa nararamdaman ko sa kanya, siguro dahil lumaki akong nakatatak sa isipan ko na ang pag ibig ay para lang sa babae at lalaki. Nung panahon na umalis ito ng bansa ilang araw matapos ang kasal ko ay para akong nawalan ng pakpak, walang kasing lungkot ang naramdaman ko. It seems that there's a part of me na nawala, I felt so empty. It's been years na malungkot ang buhay ko dahil nawala si Jade sa tabi ko that even my husband can't fill up the emptiness I felt that time. At noong bumalik siya at muli kaming nagkasama ay sobrang saya ko. At habang tumatagal, what I secretly felt for her grows deeper. But I just ignored it and I keep denying to myself and thought that it was just pure affection because she is my bestfriend. I got mad at her for interfering my life, but there's also a part of me na masaya dahil sa ginawa niya lalo na nung mag effort siyang dalhin kami dito sa isla. Yung paggising niya nang maaga para lang ipagluto kami. Yung mga sariwang bulaklak na binibigay niya sa akin araw araw, at yung pinaparamdam niya sa akin na napaka espesyal ko kahit na sinusungitan at inaaway ko siya. Naguguluhan na ang puso't isipan ko sa naramramdaman ko sa kanya. At first gusto ko na siyang iwasan, dahil hindi pwede, bestfriend ko siya at pareho kaming babae. Ano nalang ang sasabihin ng mga pamilya namin at nang mga tao? Ayokong mahusgahan, pero kahit anong isipin at gawin ko, hindi ko talaga mapigilan ang damdamin ko at lalo ko lang na confirm na mahal ko talaga siya nung mawalan siya nang malay ng ilang oras. Sobrang takot at kaba ang naramdaman ko ng mga sandaling yun. Ayokong may masamang mangyari sa kanya, ayoko siyang mawala sa buhay ko..hindi ko pala kaya, dahil all this time I'm inlove with Jade, at hindi ko ma imagine ang buhay ko na wala siya.
"I love you Jade" Bulong ko habang maingat ko siyang hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay humiga na ako sa tabi niya at niyakap siya. Nakatulog akong may mga ngiti sa aking labi.
| JADE |
I was awaken by a tiny hands caressing my face. When I open my eyes, nakita ko si Mira na naka upo sa gilid ko habang hinimas ang pisngi ko. Ngumiti ako dahil napaka cute na anghel ang bumungad sa aking paggising. Bumuti na rin ang pakiramdam ko at humupa na ang lagnat ko. Tiningnan ko ang paligid ng kwarto ngunit wala si Althea. Malamang ay nasa kusina ito at nagluluto dahil may narinig akong kalabog. Di ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Althea confessed her love for me, totoo ang lahat nang iyon at hindi isang panaginip. Mahal ako ni Althea, mahal ako ng babaeng matagal ko nang pinangarap. Naputol ang aking pagmumuni-muni nang bumukas ang pintuan at pumasok ang napakagandang babaeng laman ng puso't isipan ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang kanyang mga matatamis na ngiti habang papalapit sa amin.
"Gising na pala ang dalawang baby ko" Malambing at nakangiti nitong sabi at agad na umupo sa gilid ng kama.
"Hi" Abot tainga kung ngiti.
"Kumusta na pakiramdam mo? Nagugutom kana ba?" Sunod sunod niyang tanong.
"Okay na ang pakiramdam ko, yeah medyo gutom na ako."
YOU ARE READING
Secret Love
RomantizmJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...