ONE SWEET DAY WITH YOU
"Hi Jadey, sorry medyo natagalan kami, nahihirapan kasi akong bihisan si baby, medyo malikot na kasi." Saad ni Althea habang pasakay sa loob ng kotse ko bitbit ang kanyang nakapa cute na sanggol na si Mira.
"Okay lang, sabi ko naman sayo diba tulungan na kita para di ka mahirapan"
"Naku Bes, nakakahiya sayo, ikaw na nga tong magmamaneho para sa amin tapos pati ba naman paliligo at pagbibihis sa anak ko aabalahin pa kita"
"Ano ka ba Althea, it's my pleasure na tulungan ka, ang tagal nating hindi nagkasama kaya I'll do everything para makabawi sayo."
"Thank you talaga Bes, I'm so happy that you're here at magkasama tayo ngayon." Nakangiti niyang saad habang umupo sa passenger seat katabi ko.
Pagkatapos nung welcome party ko at pagkikita namin ni Althea after a long, long time ay halos hindi na kami mapag hiwalay, araw araw na kaming magkasama. Hindi ko rin nakikita at naabutan ang kanyang asawa, dahil sabi nito lagi daw itong busy sa trabaho at gabing-gabi na kung umuwi. Lihim akong natuwa dahil sa totoo lang ayaw kung nakikita ang pagmumukha ng lalaking yun. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya dahil sa kagaguhang ginawa niya kay Althea. Halos araw-araw kung sinusundo si Althea at ang baby niya at pinapasyal sila sa mga paborito naming puntahan ni Althea noong nag aaral pa kami. Kahit sa pagpunta sa doctor para sa regular check up ng baby niya ay sinasamahan ko siya. I made sure that my bestfriend is well taken cared of habang magkasama kami at kahit malayo ako aalagaan ko siya at babantayan ko siya.
Minsan naitanong ko sa aking sarili kung ano ba ang nakukuha ko sa mga ginagawa ko para sa kanya. But my heart is happy while doing things that made my bestfriend happy...siguro nga ganito talaga pag pag head-over-heels inlove ka sa isang tao...and I'm so sure that after all these years, I'm still madly and deeply inlove with Althea.
"Tell me Bes, kung anong naging buhay mo sa Amerika? Althea asked, while pushing the baby stroller.
Pagkatapos ng check up ng kanyang baby ay dumeretso kami sa isang park para mamasyal at makalanghap ng sariwang hangin ang bata at pati na rin si Althea. Habang naglalakad at tulak tulak ang stroller ay nakukwentuhan kami sa aming kanya-kanyang buhay.
"Masaya na malungkot" Sagot ko sa kanya
"What do you mean?"
"I mean masaya dahil maraming magagandang nangyari sa buhay ko doon, pero malungkot din kasi malayo ako sa pamilya ko...at sayo."
"Wala ka bang naging boyfriend doon o karelasyon?"
"Wala, I tried to date but, wala eh...lahat walang spark."
"Hmm, sa tagal mo doon wala ka talagang nahanap na nagpa inlove sayo?"
"Wala...wala pa rin kasing makakapantay sa taong minahal ko noon pa"
"Hmm..wait, sino ba yun ha? Bakit hindi ko yata alam na may minahal kana noon pa?"
Bigla akong natahimik sa mga tanong niya, magtatanong pa sana siya ulit nang biglang tumunog and cellphone ko, dahilan upang makahinga ako ng maluwag, dahil kung hindi ay baka mapilitan akong mag sinungaling or worse mapapa amin pa niya ako which is ayaw ko pang mangyari dahil hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang aminin sa bestfriend ko na siya ang taong minahal ko ng lihim simula noong mga bata pa kami.
"Hello? Oh hi B! What's up? I'm good,,yes yes we've met already..Okay, I miss you too B, take care bye" I said smiling as I ended the call.
"Sino yun" Althea ask with a hint of curiosity.

YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...