SL 30

1.7K 87 15
                                    

ALMOST BROKEN


| ALTHEA |

I'm on my way home from a brain-draining court session with one of our client. Sunod sunod ang mga apela ng mga kleyente ko kaya medyo busy ako these past few days. Wala pa rin pagbabago sa mood ni Jade. Minsan hindi ko nalang siya kinakausap upang maiwasan ang argumento. She undergo a regular check up twice a month upang masigurado na okay na ang kalagayan ng kanyang puso. The doctors said that her heart is doing fine as days passed, nag healed na ito since the operation happened, pero pinagbawal pa rin sa kanya ang magtrabaho at ma stress. Lagi kung ipinagdarasal na sana tuluyan ng gumaling at manumbalik ang kalakasan ng asawa ko, sobrang naawa ako sa kanya kaya mas lalo ko pang hinabaan ang pasensiya ko at pang uunawa sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita kung abala sa pagliligpit si Mira at ang yaya nito sa mga nagkalat na gamit sa loob ng kusina, may mga mangilan ngilan ding basag na baso at pinggan sa sahig.

"Yaya anong nangyari? Bakit nagkalat ang mga gamit sa sahig?"

"Mam, nagwala po kanina si Mam Jade"

"What? Bakit?Anong nangyari?"

"Eh may hinahanap ho yata siya, eh hindi niya mahanap kaya nagalit siya"

"Nasaan siya ngayon?"

"Nasa loob po ng library Mam"

"Oh siya, tulungan ko na kayong magligpit diyan" 

Napabuntong hininga nalang ako dahil napaka exhausting na nga ng araw ko, ito pa ang maabutan ko sa bahay. Tinulungan ko nalang ang dalawa na pulutin at iligpit ang mga nagkalat na gamit.

"Mommy gusto niyo po ng juice? Ipagtitimpla ko po kayo" Malambing na sambit ng anak ko. 

Buti nalang at mabait at maasahan itong anak ko. Siya nalang ang nakakapagpakalma sa akin. Agad nawala ang pagod ko sa pag aasikaso ni Mira.

"Yes anak please" 

Agad naman itong tumayo at nagtimpla ng juice. Inabot niya sa akin ang isang baso at kinuha ang isa pang baso na may lamang juice.

"Saan mo dadalhin iyan anak?" Nagtataka kung tanong.

"Kay Momma Jade po, para po lumamig na yung ulo niya" Inosente nitong sagot sabay lakad patungo sa library bitbit ang baso ng juice.

Napailing nalang ako at napapangiti kahit papaano. Napaka maalalahanin talaga ng anak namin. Di ko maiwasang isipin na ang swerte namin ni Jade sa kanya.


------

"Nasaan ang Momma Jade mo?" Tanong ko kay Mira at sa yaya nito. 

Kasalukuyang kumakain silang dalawa ng hapunan at kararating ko lang din mula sa opisina namin. Medyo ginabi ako ng uwi dahil natagalan ang meeting namin with a new client. Pagdating ko ay wala si Jade sa loob ng bahay.

"Umalis po siya Mam Althea" Tugon ni yaya.

"Saan siya nagpunta?"

"Hindi po niya sinabi eh"

"Kanina pa ba siya umalis?"

"Yes Mam kanina pa, mga alas dos yata ng hapon"

Napahilot ako sa aking sintido sa pag alala, saan kaya ito nagpunta? Ni hindi man lang nagtext o tumawag si Jade para ipaalam sa akin kung nasaan siya? Mag alas nuwebe na ng gabi at wala pa rin ito. Napaupo ako sa upuan habang sapo ang aking mukha ng aking mga palad. Ano bang nangyayari kay Jade? Lately, naging sobrang distant siya sa akin at tanging si Mira lang ang kanyang kinakausap. Naputol  ang pagiisip ko ng may tunog ng sasakyan akong narinig sa aming garage, I know kotse iyon ni Jade. Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan sa may sala at di nga ako nagkamali, it was Jade.

Secret LoveWhere stories live. Discover now