SL 26

1.6K 77 9
                                    

TAKE ME WITH YOU

Noon akala ko magiging  kumpleto lang buhay ko kapag kinasal ako sa lalaking mamahalin ko. Isang lalaking akala ko ay bubuo sa pagkatao ko, ngunit nagkamali ako. Nang magpakasal ako kay Paolo ay unti unting gumuho ang paniniwala ko..na lalaki ang magpapakumpleto sa isang babae. Naging miserable ang buhay ko kasama siya. Naging malungkot ako kasi may puwang sa puso ko na hindi kayang punuan ng asawa ko, parang may kulang pa rin sa pagkatao ko. 

Pero noong inamin ko sa sarili ko na mahal ko si Jade ay doon ko lang naramdaman ang fulfillment at kasiyahang matagal ko ng hinahanap. Yung totoong pagmamahal ay naramdaman ko sa kanya, at naging buo ang pagkatao ko.

Nang magproposed si Jade ay naramdaman ko ang kakaibang saya sa puso ko. Nakikita ko kaagad ang sarili na kasama siya hanggang sa pagtanda namin. Hindi ko akalain na ang magpapa kumpleto sa akin ay ang bestfriend ko...na isang babae. Si Jade ang bumuo sa puwang dito sa puso ko. My bestfriend and my soulmate.

****

Isang buwan ang lumipas pagkatapos ng naganap na proposal sa Batangas ay na approved na rin ang aming visa ni Mira papuntang Amerika. Handa na akong magsimula ng bagong buhay doon kasama si Jade at ibaon sa limot ang mga masasakit at masasamang nangyari sa buhay ko. 

Isang linggo bago ang aming paglipad papuntang U.S. ay nagimbal kami sa isang balita. Namatay si Mr and Mrs Zobel. Dahil sa kasong isinampa ni Jade ay parehong nakulong ang mag asawa, ngunit napag alaman na may sakit sa pag iisip si Mrs Zobel kaya napag desisyunan ng korte na ipasok na lang siya sa mental institution, ngunit bago pa man mailipat ang ginang sa hospital ay nasaksak ito sa loob ng kulungan. Nalaman ni Mr. Zobel ang nangyari kaya inatake ito sa puso na naging dahilan ng kanyang biglaang pagpanaw. Samantalang ang kambal ay nasa loob na ng mental institution at walang kaalam alam sa nangyari sa kanilang mga magulang.

****

"This way ho Mam" sabi ng isang nurse na lalaki na nag guide sa amin ni Jade papuntang silid ni Tara.

Pagkatapos ng malagim na balita ay nakiusap ako kay Jade na dalawin ang kambal sa hospital. Noong una ay ayaw nitong pumayag dahil baka bumalik lang yung traumang nararamdaman ko pero dahil nagpumilit ako ay pumayag na rin ito. Kahit pa man sa nangyari sa akin dahil sa kanila ay hindi ko makakalimutan na once upon a time ay naging mabuting kaklase, kaibigan at katrabaho ko ang dalawa. Imbes na katakutan at kamuhian ko sila ay habag at awa ang naramdaman ko sa dalawa.

Unti unting pinihit ng nurse ang pinto ng kwarto kung saan naka confine si Tara. Pumasok ito sa loob at sumunod din kami. Nakita namin ang isang babaeng nakasuot ng damit pang hospital at tahimik na naka upo sa gilid ng kama. Nakatanaw lang ito sa kawalan. Pumayat ito nang husto at namumutla ang balat.

"Tara?" Mahinahon kung tawag sa kanya

Unti unti itong lumingon sa kinaroroonan namin at mariin na nakatitig sa akin. Bakas ang kalungkutan at pagkabalisa sa kanyang kulay tsokolateng mata. 

"Al..Althea?" Tawag niya. Paos ang boses nito at halatang pagod. Malamlam at nangingitim ang gilid ng kanyang mga mata.

"Yes Tara, ako to, ku..kumusta kana?"

"Althea, Althea!" Sambit nito at kaagad na yumapos sa akin. Akmang pipigilan ng nurse ang babae sa pagyakap sa akin, pero sinabi ko na hayaan lang dahil alam kung wala itong gagawing masama. Umiiyak lang ito habang nakayakap sa akin.

"Please Althea tulungan mo ako, kinukulong nila ako dito, ayoko na dito!" Pagsusumamo nito.

"Sssh, tahan na, wala silang masamang gagawin, tinutulungan ka lang nila para gumaling ka" Pagpapakalma ko sa kanya. 

Nakatingin lang si Jade sa amin at hinahayaan ako na pakalmahin si Tara. Alam kung nahabag din ito sa kalagayan ng kaibigan ko.

"Nasaan ang mommy at daddy ko? Please Althea papuntahin mo sila dito, miss na miss ko na sila, pati si Tim. Pag nakita mo sila, pakisabi na miss ko na sila ha? Please Althea?" 

"Oo Tara, sasabihan ko sila, kaya magpagaling kana ha, at magpakabait ka dito"

"Dadalawin mo ba ulit ako dito?" 

"Hindi ko pa alam Tara, kung kailan ako makakadalaw ulit sayo, basta pagaling ka"

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Sa malayong lugar, at sana pagbalik ko dito ay magaling kana, kayo ni Tim"

Pagakatapos kung makita at makausap si Tara ay pumunta naman ako sa silid ng kakambal nito. Kagaya ni Tara ay miserable ang kalagayan nito. Payat at namumutla ang balat, malalim at nangingitim ang gilid ng mga mata. Hindi ito nagsasalita at nakatanaw lang sa kawalan habang kinakausap ko siya, ngunit bago pa man kami makalabas ng silid niya ay sinambit nito ang pangalan ng kakambal at mga magulang. Siguro, kagaya ni Tara ay nangungulila din ito sa presensiya ng kanyang kambal at mga magulang. Sa kaloob looban ko ay sobrang naaawa at naghihinayang ako sa dalawa. Kung wala lang silang sakit sa pag iisip, siguro ay parehong magagaling na abogado ang dalawa. Sana lang ay gumaling na sila. That was the last time I saw them. Ang kambal na minsan ay naging kaibigan ko at naging ka partner sa trabaho.


________


"So paano ba yan, hindi na talaga namin kayo mapipigilan, kita kita nalang tayo sa araw ng kasal niyo?" Saad ni Batchi habang nasa airport na kami at nagpapaalam sa kanila

Inihatid kami ng buong tropa, ng nanay ko kasama ang mga magulang ni Jade sa NAIA. 

"Yes, at maraming salamat sa inyong lahat, lalo na sayo Batchi" Tugon ni Jade.

"Of course Dude, kayo pa ba? Alam mo namang lagi akong nandiyan para sa inyo" Maluha luhang tugon ni Batchi.

"Althea, Jade, mami miss namin kayo, ingat kayo doon ha?" Halos sabay na sambit nila Sally at Wila.

"Mami miss din namin kayo guys, maraming salamat sa inyo ha sa lahat lahat...for keeps na itong friendship natin. Please huwag kayong mawawala sa kasal namin." Tugon ko sa kanila habang maluha luha kaming nagyakapan.

"Althea at Jade, mag ingat kayo doon ha, masaya kami ng mommy mo Jade dahil magkaka pamilya kana" Madamdaming saad ng mga magulang ni Jade pagkatapos kaming yakapin.

"Jade, ikaw nang bahala kay Althea at sa apo ko. Alam ko kung gaano mo kamahal itong dalawa kaya panatag na ang loob ko. Salamat anak sa pagmamahal mo kay Althea" Mangiyak ngiyak na bilin ng mama ko kay Jade. Pagkatapos ay isa isa niya kaming niyakap.

"Yes, mama, don't worry mamahalin at aalagaan ko itong anak at apo niyo" Tugon naman ni Jade. Basa na ang mga mata nito sa luha. 

Pagkatapos ng madamdaming pagpapaalam at yakapan ay tinawag na ang aming flight number, indikasyon na kailangan na naming pumasok sa loob. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Kasiyahan, kaba, at excitement dahil sa wakas ay magkakasama na kami ni Jade ng tuluyan. Excited na ako sa panibagong yugto ng buhay ko na tatahakin kasama ang mahal ko. 

Karga niya si Mira habang magkahawak kamay kaming naglalakad patungong boarding area. A feeling of freedom invades my whole being. Contentment ang nararamdaman ko habang magkahawak kamay kaming naglalakad ni Jade. Pakiramdam ko ay kumpleto na ako.

May mga ngiti sa labi habang nagkatinginan kaming dalawa nang pumaimbabaw na sa kalawakan ang sinasakyan naming eroplano at bahagyang pinisil niya ang aking kamay. Parang sinasabi niya na magkasama naming harapin ang bagong kabanata ng aming buhay.

"Are you ready love? Sa bagong buhay natin doon sa U.S.?" Tanong ni Jade habang nakaupo kaming tatlo sa loob ng plane.

"I'm more than ready love, take me with you" Tugon ko. Pagkatapos ay pinagsaklob ulit niya ang aming mga kamay.




Secret LoveWhere stories live. Discover now