SL 27

1.8K 87 14
                                    

NEW LIFE WITH YOU

Pagdating namin sa Amerika ay kaagad kung inasikaso ang aming kasal ni Althea. We stayed in my apartment in Las Vegas para mas matutukan ko ang pag aayos ng mga kailangan sa kasal at para na rin maipasyal silang dalawa ni Mira sa lugar. I hired the best wedding planner in Las Vegas to get things done and to make our wedding a memorable one. After two months of preparation ay naidaos din ang kasal. Sa Saint Anthony church in Long Beach California idinaos ang wedding ceremony. It was an intimate and memorable wedding na dinaluhan ng aming mga magulang at ng buong tropa. Nandoon din ang mga business partners ko at mga emplayado ng aking kumpanya. Bianca was there also and she even offered her yacht para sa aming honeymoon.

Pagkatapos ng kasal ay lumipad kami ni Althea kasama ang aming mga pamilya at ang buong squad papuntang Miami Florida. Nandoon kasi ang yacht ni Bianca na sasakyan namin papuntang Carribean. We spent our honeymoon sailing in different islands in Carribean. Kahit kasama namin ang aming mga pamilya at ang tropa ay binibigyan nila kami ng alone time and privacy ng asawa ko. The yacht is consist of 15 cabins including the crew's quarter kaya na accommodate kaming lahat kahit medyo madami kami. And of course Althea and I occupied the master's cabin. Our room was inspired by Hotel Prinsipe Di Savoia's grand suite room, one of Italy's five star hotels. It's a combination of royalty with a touch of vintage and modern interior. Bianca said it was the idea of her mom who's a renowned Italian interior designer. Our cabin's romantic feels adds sexy vibes between me and my wife and we can't get enough of each other every time nasa loob kami ng cabin suite. It was indeed a hot and unforgettable honeymoon.


After two weeks of sailing and island hopping ay bumalik na kami ng Florida. Two days after our arrival ay umuwi na rin ng Pilipinas ang aking mga magulang kasama ang mama ni Althea at ang tropa. On the other hand, Althea, Mira and I went From Florida directly to Caliente. As I planned before, doon na kami titira. Nagustuhan naman ni Althea ang bahay at ang community ng Caliente. It's a small and peaceful town, at simple lang ang pamumuhay. The neighborhood is friendly at tanggap ang relasyon at pamilya na kagaya ng sa amin.

Ilang buwan ang lumipas ay nakapag adjust na rin kami sa bagong community. Everyday, I traveled from Caliente to Las Vegas and vice versa. Kung sa iba ay stressful ang pagbibiyahe ng ganun ka layo araw araw para lang magtrabaho sa isang masalimuot na siyudad ng Las Vegas, but not me. Lalo akong ginanahang magtrabaho sa bawat araw. And I don't mind doing it everyday for the rest of my life kung sa pag uwi ko ay may naghihintay naman sa akin na cute at napaka bibong bata, masasarap na pagkain, malinis at maayos na bahay, and most especially may naghihintay na napakabait, napakaganda at seksing asawa.

"Hi Momma Jade, hows your day today?" Malambing na bati ni Althea habang nakasunod kay Mira na halos patakbong sumalubong sa akin.

Ginawaran ko ito ng halik at kinarga. Malaki na ang aming baby at may kabigatan na ito. Agad itong yumakap sa akin at halatang na miss niya ang presensiya ko sa buong araw. Nang makalapit si Althea ay buong pagmamahal akong binigyan ng halik sa labi at yumakap din sa akin. Her kiss calm all my senses. Parang nawala lahat ng pagod at stress ko habang kayakap ko ang dalawa.

"My day went well, although nakakapagod kasi maraming trabaho sa office, pero okay lang, nawala ang pagod ko ngayon dahil kayakap ko na kayo" Tugon ko naman.

"We miss you mahal" Tugon naman niya.

"Miss ko rin kayo araw araw. What do we have for dinner?"

"I cook your favorites; Ribeye Steak with Chimichurri Salsa, Bruschetta Shrimp Pasta and Ceasar Salad ala Althea" She narrated excitedly.

"Wow, all those dishes are delicious! How about dessert?" Tanong ko at dahan dahan itong lumapit sa akin na may pilyang ngiti.

"How about...ME for dessert?..." She whispered in my ear emphasizing the word ME.

"Hmmm, sounds yummy, I can't wait" I said with a seductive tone and then wink at her.

She smiled devilishly and then turn around heading to our dining area. She's wearing a tight fit cotton dress shirt at kitang kita ko ang hubog ng kanyang katawan especially those voluptuous butt. I felt extreme hunger, seeing my wife's gorgeous body. Kahit ilang beses ko nang nakita ang kanyang katawan whether naked or with clothes pero hindi pa rin ako nagsasawa, ni katiting ay hindi nabawasan ang aking pagnanasa. I can't get enough of her at isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako napapagod sa araw araw na pagbibiyahe. I feel energized every single day because of Althea.


-----------


Isang taon ang lumipas simula noong tumira kami sa Caliente. Naging maayos at masaya ang aming pagsasama. Wala akong mahihiling pa dahil napaka maalaga at mapagmahal ni Althea. Isang ulirang ina at asawa, yan si Althea. I don't understand kung bakit siya binaliwala noon ng yumao nitong asawa. Siguro hindi lang talaga marunong makuntento ang lalaking yun, or hindi ganun katindi ang pagmamahal niya kay Althea. Kaya naman sinuksuklian ko ang pagmamahal at pag aalaga na ibinibigay sa akin ng asawa ko. I made her feel special every single day. Ipinaparamdam ko sa kanya ang taos puso kung pagmamahal at kung gaano siya ka importante sa buhay ko.

Bumalik naman si Althea Law school. Although she has outstanding records and above average scholastic background, pero dahil nasa Amerika kami ay kailangan niyang mag aral ng isang taon sa Law school to get more knowledge and background sa mga law practices sa Amerika especially sa Nevada. She enrolled in William S. Boyd School of Law. It's located in University of Nevada in Las Vegas. She took up International Law dahil yun daw ang gusto niyang field of specialty pagdating ng araw. Dahil parehas lang kami ng destination ay halos araw araw na kaming magkasabay papuntang Las Vegas. Hinahatid ko siya sa umaga at sinusundo ko rin pagdating ng hapon. Napagkasunduan namin na kumuha ng yaya ni Mira habang wala kami. We get a Filipina nanny na isang residente din ng Caliente at naghahanap ng trabaho. Mabait ito at mapagkatiwalaan kaya kampanti kami na iwanan si Mira sa kanya buong araw. Agad naman nitong nakasundo ang paslit at tuwang tuwa ang bata dahil may bago siyang kalaro.

"Hi mahal, surprise!" Excited na bungad ni Althea pagkapasok niya ng aking opisina.

"Hey, you're here! Bakit di mo sinabing pupunta ka? Anong sinakyan mo? Wala ka bang klase ngayon?" Sunod sunod kung tanong habang nakayapos sa kanya.

"Isa isa lang love, mahina ang kalaban hehe. Wala ang aming professor sa last subject kanina kaya maaga kaming nakauwi. So I've decided na puntahan ka nalang dito sa office. Nag Uber nalang ako papunta dito" Paliwanag niya.

She cupped my face at ginawaran ako ng halik na tinugunan ko naman. Agad naglikot ang kanyang mga kamay habang kami ay naghahalikan. Dahil sa ginagawa niya ay kaagad naman uminit ang katawan ko, ngunit nag alala ako dahil hindi naka lock ang pinto at may mga empleyado pa sa labas ng private office ko.

"Love wait, baka may biglang pumasok dito sa office ko" Pigil ko sa kanya. She's breathing harshly at kagaya ko halatang nag iinit na ito.

"And so? Let's lock the door" Pabulong na sambit nito. Akma na sana niyang i lock ang pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa ang bago kung sekretarya na may dalang coffee.

Natigilan ito nang makita niya kaming dalawa ni Althea. Titig na titig naman si Althea sa bagong pasok na babae.

"Uhm, Hi Jade, I brought your coffee" Saad nito na medyo nahihiya.

"Thank you Chloe, kindly put that on my table, and can you please order one more cup for my wife?"

"Yeah, Sure Jade" Malumanay nitong tugon at pagkatapos ay lumabas na.

"Who's that girl?" Tanong ni Althea at medyo kumunot ang noo nito.

"She's my new secretary"

"Napaka informal naman ata niyang secretary, at tinatawag lang niya ang boss niya sa first name?"

"It's okay, yan kasi ang nakasanayan nila dito sa Nevada"

"At talagang pumili ka pa ng bata at seksing sekretarya?"

"Love, ang HR ang pumili sa kanya"

"Whatever, can we go home after this?" Nakasimangot nitong sambit.

"Okay mahal"

I can sense a jelly fish is coming my way. I said to my self silently.

Secret LoveWhere stories live. Discover now