SL 20

2K 83 5
                                    

THE HOTTEST LAWYER

Ilang araw matapos ang graduation ni Althea ay nag resign siya sa kumpanya dahil sumalang na ito sa puspusang pagre-review. Walang pag alinlangan naman akong sumuporta sa desisyon ng mahal ko, dahil alam kong ito ang makapagpapasaya sa kanya. Wala siyang sinayang na sandali at buong pusong isinubsob ang sarili sa pag aaral at paghahanda para sa nalalapit na bar exam. Medyo nabawasan nga lang ang oras niya sa akin but I perfectly understand. Gusto kong matupad ang matagal na niyang pangarap at wala akong hangad kundi maging matagumpay ang mahal ko.

"Love, where are you na? Nandito na ako sa resto na pinag usapan natin" Sabi ko sa kausap ko sa phone.

May usapan kami na magdinner sa paborito naming restaurant pagkatapos ng kanyang review class.

"Love pasensiya na medyo nasiraan lang ako, pero naayos na, buti nalang may malapit na talyer dito" Tugon naman niya

"Gusto mo sunduin nalang kita diyan?"

"Love huwag na, naayos na ang kotse ko, paalis na nga ako eh"

"Hay, bakit ba kasi ayaw mong gamitin yung Maserati at nagtitiis ka diyan sa luma mong kotse"

"Love naman"

"Oh siya ingat ka sa pagmamaneho, hihintayin kita"

"Okay love, mabilis lang ako, hindi naman masyadong traffic eh, sorry love"

"It's okay, you take care"


"Hmm ang sarap talaga ng steak nila dito, walang kupas" Komento ni Althea.

Kasalukuyan na kaming kumakain sa resto. Nag aaral pa lang kami ng college ay paborito na naming kainan ang restong ito. Nahinto lang ang pagpunta namin dito nung umalis na ako papuntang U.S. kaya we decided na bumisita ulit upang tikman ang aming paboritong steak. Gusto ko rin na magkaroon kami ng dinner date ni Althea para naman makapag unwind ito.

"Buti naman nag enjoy ka love"

"Yes love, ngayon lang ulit ako nakabalik dito simula nung pumunta kang Amerika at dun tumira ng ilang taon, kaya sobrang namiss ko to"

"Bakit hindi ka ba dinadala ng dati mong mister sa fine dining resto?"

"Minsan lang" Mahina at tipid niyang tugon at nagpatuloy na ito sa pagkain at na gets ko kaagad na ayaw na niyang pag usapan ang yumaong asawa.

"Hey Althea!" Tawag ng isang boses.

Agad kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Isang babae at lalaking halos kasing edad lang namin ang nakangiting nakatayo sa gilid ng table namin. Parehong mestizo't mestiza ang dalawa, pareho ring matangkad at halos pareho lang ng mukha. Sa unang tingin pa lang ay mukhang galing sa prominenteng pamilya ang dalawa.

"Tara, Tim? Hey nice to see you here!" Magiliw na bati ni Althea sa dalawa.

"It's good to see you too Althea" Halos sabay na bati rin ng dalawa at kaagad na bumeso sa kanya.

"Dito rin kayo kakain? Kayo lang bang dalawa?"

"Actually we're waiting for our parents" Tugon nung Tim.

"Can we join you for a while habang hinihintay pa namin sila Mom and Dad?" Sabat naman nung Tara.

"Sure, have a seat"

Umupo naman yung dalawa sa tapat na selya namin ni Althea. At saka lang nila napansin ang presensiya ko.

"Oh, you're with someone" Pansin ni Tim at nakadako na ang tingin sa akin.

"Ahm guys this is Jade, may special friend and favorite person. Jade they're my classmates in Law school, Tim and Tara Zobel, kambal sila." Pagpapakilala ni Althea.

Secret LoveWhere stories live. Discover now