HELLO...HAPPY TO SEE YOU AGAIN
"You take care J, and if you guys need anything, just beep me okay?" Bianca said after we hugged.
Nandito kami ngayon sa sarili niyang hangar sa Las Vegas. We're on our way back to the Philippines. As we planned, sasama ako kay Batchi pauwi ng Pinas. Bianca offered her private jet para sakyan namin pauwi.
"Thank you B, are you sure you don't want to come with us?"
"Oh no, I have a business meeting in New York tomorrow, may be some other time?"
"Okay, if you say so, you take care also and keep in touch" I said
After we waved her goodbye, Batchi and I went inside the private plane. We're heading back to the Philippines, and as our plane emerge towards the sky, I felt an unexplainable excitement. Finally, after long years of being away, I'm going to see the person I loved the most, my bestfriend Althea.
"Grabe dude, big time kana talaga." Sambit ni Batchi.
Habang nasa biyahe kami ay marami kaming napag kwentuhan, tungkol kay Althea at sa buhay ko sa Amerika. Naikwento ko sa kanya lahat ng pinagdaanan ko hanggang sa pagkikilala namin ni Bianca.
"I owe Bianca so much, she opened doors of opportunity for me."
"All those years sa pagiging magkaibigan at business partner niyo, hindi talaga kayo na inlove sa isat-isa? I mean she's one hella gorgeous woman, mabait, mayaman at successful, walang hindi mai-inlove sa kanya "
"We love each other, pero bilang magkaibigan, magpartner at confidante lang and we're both okay with it. You already knew kung kanino ako inlove Batch, at hindi na mababago yun kahit anong mangyari, kahit ilang tao pa ang dumating sa buhay ko."
"Yeah right, you're still crazy, madly inlove sa bestfriend mo,,hay isa ka talagang dakila Jade, hehehe"
***
"Gago ka! Wala kang kwentang asawa!" Sigaw ko sa lalaking nakahandusay sa sahig.
Duguan ang mukha nito at namimilipit sa sakit. Ilang sandali pa ay hawak hawak na uli siya ng tatlo pang lalaki at pilit pinatayo at iniharap sa akin.
"Wala kang karapatan na gawin ito sa akin Jade! Wala ka ring pakialam sa buhay namin ni Althea!" Singhal niya
Isang malakas na tadyak at suntok ang pinakawalan ko sa sikmura at mukha niya bago ko hawakan ang kwelyo ng damit niya.
"Bestfriend ko ang ginago mo, hayop ka! Kaya may karapatan ako! Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos ng lahat nang sakripisyong ginawa ni Althea sayo, ito lang ang igaganti mo?! Di kana nakuntento sa mag ina mo, nalulong kapa sa sugal at nang babae ka pa! Hayop ka!"
"Wala kang pakialam! Kapag nakawala ako, sasampahan kita ng kaso, tandaan mo yan!"
"Ohh, I'm scared! Hahaha, don't worry pakakawalan kita at sige magsampa ka ng kaso, at ipapatanggal din kita sa trabaho mo, I'll tell the ceo, na nilustay mo ang pera ng kumpanya sa casino, ilalantad kita sa lahat pati na sa asawa mo, kung gaano ka kalulong sa sugal at kung gaano ka ka walang kwenta. Do you think hindi ka hiwalayan ng asawa mo pag nalaman niya?"
"Hindi mo ako masisindak, wala kang pruweba!"
"Oh, you don't know what I can do Paolo, I have all the connection and power to do that"
"Hindi mo magagawa yan!"
"Try me, and let's see"
"Hayop ka!"
"Oo hayop ako, I admit that, pero mas hayop ka, dahil wala kang concern sa asawa at anak mo. Wala kang inisip kundi ang sarili mo at ang kaligayahan mo! You're nothing but a selfish, self centered bastard!"
"P-Please Jade, wa-wag mong sabihin sa asawa ko at sa kumpanya ang tungkol sa pagsusugal ko, binabawi ko na ang sinabi ko, hindi ako magsasampa ng kaso laban sayo at wala akong pagsasabihan sa pangyayaring ito, wag mo lang sabihin sa kanila, please."
"Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon Paolo, magbago ka. Layuan mo ang sugal, stop womanizing at alagaan mo ang asawa't anak mo, at wala tayong magiging problema. Pero kapag umiyak at nahihirapan ulit si Althea, I swear I'll make your life a living hell! Sige na, pakawalan na ang lalaking yan. " Utos ko sa mga tauhan ko.
Pagdating namin ni Batchi sa Pilipinas ay kaagad akong gumawa ng sekretong imbestigasyon kay Paolo. Napag alaman ko na hindi lang ito nangbabae, nalulong pa sa casino. Agad na rumihistro ang galit at pagka suklam sa aking puso. Hindi ko maatim na ginago nang husto ng lalaking ito ang pinakamamahal kung babae. Kaya nabuo ang plano ko na ipadampot ito at bigyan ng leksiyon.
After nang encounter ko kay Paolo ay umuwi ako sa bahay ng magulang ko at laking tuwa nila sa pagdating ko. Binisita ko rin ang bahay nila Althea sa tapat namin at napag alaman kung ang nanay nalang niya at isang katulong ang tumira doon. Bumukod daw sila Althea ng tirahan ilang buwan pagkatapos nilang ikasal dahil sa kagustuhan ng asawa nito. Her mother let me roam around their house at wala pa rin itong pinagbago, pati ang play house ni Althea sa likod ng bahay nila ay nandoon pa rin. Suddenly all the happy memories of me and Althea came back into my senses, di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa mga alaalang iniwan ng lugar na ito kasama ang bestfriend ko. God how I miss her so much.
My family organized a welcome party for me kinabukasan sa loob ng aming hardin at inimbitahan lahat ng mga kaibigan namin nung highschool at college.
"Dude, darating kaya siya?" tanong ko kay Batchi habang nagkakasayahan kami sa party kasama ang mga kaibigan namin at pamilya ko.
Inimbitahan ko rin ang nanay ni Althea at sabi nito darating daw ang anak niya dahil tinawagan daw niya ito at pina-alam na nandito na ako sa Pinas. Halos lumundag ang puso ko nang malaman kong a-attend siya ng party. Halos hindi ako mapalagay at panay ang sulyap ko sa gate, nag aabang sa pagdating niya.
"Dude relax, paniguradong darating yun, I'm sure namiss ka nun ng sobra at tuwang tuwa yun ng malamang nandito kana sa Pinas." Pag aalo ni Batchi sa akin.
"Sobrang excited lang ako Batch, sobrang na miss ko din siya, it's been four years na hindi ko siya nakita."
"Yeah dude, I know, oh ito uminom ka ng wine nang marelax ka diyan" Pagpapakalma niya sa akin sabay abot ng wine glass.
"Thanks" Sabi ko sabay tungga ng alak.
"Oh, she's here!" Halos sabay sabay na sigaw nila Sally, Wila at Batchi.
Agad akong napalingon sa direksiyon ng taong tinutukoy nila. Nakatayo ito malapit sa kinarorooanan namin at nakapako ang tingin sa akin. She's wearing a simple floral white and pink dress. Medyo pumayat at kapansin-pansin ang dark circle around her eyes, but she's still looks beautiful as ever. My Althea, my bestfriend and the love of my life. Napako ako sa aking kinatatayuan at halos manginig ang buong katawan ko nang lumapit siya sa akin.
"Jadey"
"Thea"
Parang may sariling pag iisip ang aming mga bisig at katawan at kaagad kaming nagyakap. We hugged each other as if there's no tomorrow. Agad na tumulo ang luha ko habang nararamdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya at pagkabasa ng balikat ko, she was crying on my shoulder and so do I. Hinayaan namin ang bawat isa na magpakawala ng mga luha at hagugol at manatili sa ganooong posisyon. Until she spoke while still hugging me.
"I miss you so much Jade"
"I miss you too Althea...so much"
"I hate you, bakit bigla mo nalang akong iniwan?" she said while we are still hugging each other.
"I'm sorry Bes, I'm sorry if I left without telling you. I's just that, may mga bagay lang na kailangan kung gawin mag isa at kailangan kung lumayo...but I never stop thinking about you, I never stop loving you. Ikaw pa rin ang bestfriend ko...na mahal na mahal ko."
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...