SAVING YOU
| ALTHEA |
"Eloisa! Stop it!" Sigaw ng lalaki sa may pintuan, agad namang napalingon ang ginang sa pinagmulan ng boses. It's Mr Zobel, and behind him is the love of my life, my hero.
"Jade"
Agad na tumulo ang aking mga luha at nakaramdam ako ng pag asa ng makita ko si Jade na patakbong lumapit sa kinaroroonan ko. Nakita ko namang nakasunod sa kanya sila Batchi at ang buong tropa. Nang makalapit na si Jade sa aming kinaroroonan ay mabilis na itinulak niya si Mrs. Zobel. Agad na natumba ang babae at nabitawan ang dalang patalim pero nagpupumilit itong bumangon sabay abot ulit ng samurai, pero bago pa ito makatayo ay kinuyog na siya ng tropa. Nagsisigaw naman ang kambal na animo'y mga batang paslit nang makita na pinagkaisahan ang kanilang ina.
"Don't hurt our mommy please!" Lumuluhang sigaw ng dalawa.
Hawak hawak na ng tropa si Mrs. Zobel nagwawala at nagpupumiglas ito pero hindi siya makawala dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Paul, Batchi at Wila sa kanya, habang si Sally naman ay kinuha ang samurai at itinapon sa bintana.
"Please don't hurt my wife" pagsusumamo ni Mr. Zobel
"Don't worry sir, hindi namin siya sasaktan, pero hindi namin siya bibitawan hangga't hindi dumating ang mga pulis" Saad ni Paul.
"Mahal ko are you okay? Sinaktan kaba nila ha?" Naluluhang sambit ni Jade habang yakap yakap ako. Hindi pa rin ako makapag salita dahil sa matinding takot. Nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib ni Jade habang humihikbi.
"Sally humanap ka ng pantali o lubid dali, itatali muna natin itong babae hangga't wala pa ang mga awtoridad!" Utos ni Paul sa girlfriend.
Dali dali naman naghanap ng pantali si Sally habang panay pa rin ang ngawa ng kambal.
"Pakiusap, wag niyo nang igapos ang asawa ko" Sambit ni Don Fausto.
"At anong gusto mong mangyari, na pakawalan namin ang baliw mong asawa? Muntik na niyang mapatay ang girlfriend ko for pete's sake!" Nanggagalaiting sigaw ni Jade.
"Mawalang galang na ho Senyor Fausto, pero nakita niyo naman kanina, may hawak na samurai ang asawa niyo at kamuntik na niyang tagpasin si Althea, kaya hindi namin siya pakakawalan! Mamamatay tao siya at siya pala ang nagpa kidnap kay Althea!" Galit ding sigaw ni Batchi.
"Fausto! Tulungan mo ako! Sinasaktan nila ako!" Pagpupumiglas ng ginang.
"Ito na ang lubid oh!" Sabat ni Sally sabay abot ng lubid kay Paul at agad namang pinagtulungang itali ng apat ang nagwawalang ginang.
"Please don't hurt my mom!" Iyak ni Tim at akma itong lumapit sa nanay niya, pero mabilis na humarang si Jade at binigyan ito ng isang malakas na suntok sa mukha kaya tumilapon ang binata sa sahig at namilipit sa sakit. Lalong namang lumakas ang ngawa ng kakambal niyang babae.
"Please don't hurt my son please!" Pagsusumamo ng Matandang Zobel
"Shut the fuck up! Muntik ng mapatay ng baliw mong pamilya ang babaeng mahal ko! Kaya nararapat lang yun sa kanila!" Galit na sigaw ni Jade.
"Jade, tama na, please umalis na tayo dito huhuhu" Hagulgol ko dahil hindi ko na kaya ang mga nasaksihan ko.
"Sssh, tahan na love, oo aalis na tayo dito, ilalayo na kita dito ha, kaya tama na wag kanang umiyak" Pag aalo ni Jade habang yakap yakap ako.
Maya maya pa ay dumating na ang private detective at may kasamang limang pulis at isang ambulance.
| JADE |
Pagkatapos naming isalaysay ang nangyari at ang pag amin ni Mr. Zobel sa kalagayan ng kanyang asawa't mga apo ay agad na pinosasan ang mga ito. Magkasamang sumakay sa patrol car ang mag asawa habang ang kambal naman ay isinakay sa ambulance kasama nila ang tatlong pulis. Pagkarating namin sa Manila ay agad naming diniretso si Althea sa hospital dahil nanghihina pa rin ito at na trauma. Kahit wala pang tulog at pahinga ay hindi ako umalis sa tabi ng mahal ko ganun din ang aming mga kaibigan. Hindi kami umalis sa tabi niya dahil alam namin na natatakot pa ito dahil sa napagdaanan niya sa kamay ng mag inang Zobel. Ilang oras ang makalipas ay dumating ang ina ni Althea kasama ang mga magulang ko. Tinawagan ko sila nang maihatid na si Althea sa kanyang private room at ikinuwento ko ang buong ang pangyayari.
Kinagabihan ay umuwi rin ang mga magulang ko at ang ina ni Althea nang mapagtantong okay na ang huli. Pinangako ko na hindi ko pababayaan si Althea, kaya nakampante na ang kanyang ina. Umuwi din muna sila Wila, Sally at Paul para makapagpahinga kaya kami lang ni Batchi ang naiwan. Mahimbing na rin ang tulog ni Althea dahil sa nainom na gamot.
"Anong plano mo ngayon dude?" Tanong ni Batchi habang nakaupo kami sa sofa ng hospital room ni Althea.
"Buo na ang desisyon ko Batch, dadalhin ko na ang mag ina sa Amerika"
"That's good, para maka move on at makalimutan ni Althea ang masamang nangyari"
"Meron pa akong plano Batch"
"Ano yun?"
"Magpo-propose na ako sa kanya, gusto ko na siyang pakasalan pagdating namin sa US"
"Wow, ayos, supportado kita diyan Dude, tiyak matutuwa ang barkada sa desisyon mo"
"Kapag mailabas na ng hospital bukas si Althea, pwede mo ba akong samahan na mamili at bumili ng engagement ring?"
"Sure"
"Thank you Batch"
****
"Good morning mahal" bati ko sa bagong gising na Althea sabay halik sa kanyang noo. Mukhang okay na ito at maaliwalas na ang kanyang mukha.
"Good morning din mahal ko" Nakangiting tugon nito at kaagad akong binigyan ng halik sa labi.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"I feel much better now"
"Good, gutom kana ba, anong gusto mong kainin sa breakfast? Magpapabili ako.
"Ikaw nang bahala love, alam mo naman ang paborito ko"
"Okay, sige magpadeliver nalang tayo, tulog pa kasi si Batchi oh"
"Love pwede na ba akong lumabas ng hospital today? Gusto ko na kasing umuwi, namiss ko na din si Mira"
"Yes love uuwi na tayo today, sabi kasi ng doctor kagabi pwede kanang umuwi ngayon"
****
Exactly 11:a.m. ay nailabas na namin ng hospital si Althea. Pagdating sa kanilang bahay ay umiiyak itong kinarga at niyakap ang anak. Naintindihan ko ang nararamdaman niya, dahil muntik ng mawalan ng ina si Mira. Maluha luha akong nakatingin sa mag ina habang karga karga ito ni Althea. God, hindi ko kayang isa sa kanila ang nasasaktan, at lalong hindi ko na kayang malayo pa sa kanila, kaya kailangan ko na silang maisama sa Amerika.
Pagkatapos naming mananghalian ay nag paalam ako kay Althea na aalis saglit kasama si Batchi. Sinabi ko lang na may meeting kaming pupuntahan ni Batchi. Kailangang hindi muna niya malaman ang plano namin, dahil gusto kong i surpresa siya. Batchi and I went to a posh jewelry store in Greenbelt. After an hour of looking ay nakapili rin kami ng singsing. I choose a Tiffany & Co. infinity design ring na may mga diamond beads. Infinity ang desinyong napili ko dahil kagaya nito ang pagmamahal ko kay Althea ay walang hanggan.
YOU ARE READING
Secret Love
RomanceJade Tanchingco and Althea Guevarra are best of friends since childhood. They grew up together, went to the same school, shared an apartment, they are inseparable. Unbeknownst to Althea, Jade is in love with her since time immemorial which she kept...